Monday, February 15, 2010

Iboboto mo ba ang RH Bill?

Ang pagboto sa isang kandidato ay pag-ayon sa kanyang mga adhikain. Bakit hindi dapat ihalal ang isang kandidatong sumusuporta sa House Bill 5043 o Reproductive Health Bill? Una, dahil ang ganitong kandidato ay ignorante at bulag sa totoong problema ng bansa, kung hindi man kabilang sa mga mapagsamantala at mapanlinlang na tagapanukala ng batas na ito. Isang malaki at harapang sabwatan at panloloko ang pagsusulong ng panukalang ito na mag-uutos sa gobyerno na magtakada ng bilyon-bilyong halaga ng piso para sa mga pasilidad, instrumento, at kemikal na kakailanganin sa pagpapatupad sa nasabing panukala. At kanino mapupunta ang napakalaking bahagi ng perang ito? Sa mga nagmungkahi ng ganitong mga proyekto. At ilang beses magkakaroon ng mga proyekto na may kinalaman dito? Hanggat umiiral ang batas na ito. Kung nagpapasasa na ngayon ang mga politico at opisyal ng gobyerno sa pera ng tao, ang panukalang batas na ito ay higit na magbibigay ng “karapatan” sa iilan para angkinin ang yaman ng mga mamamayan. Kanino naman mapupunta ang natitirang bahagi ng budget na nakalaan para dito? Sa mga kasabwat na organisasyon at mga kompanyang nagsusulong ng kontraseptibong kaisipan na nagkataon din naman – at hindi kataka-taka – na silang humahakot ng limpak-limpak na salapi sa industriya ng aborsyon. Sa ginanap na rally sa University of Sto. Tomas noong July 2008 laban sa RH Bill, ibinunyag ng isang dating empleyado ng Dept. of Health (DOH), at dating  masugid na kaaway ng mga pro-life movement, ang paglalaan ng gobyerno ng budget, at ang mga transaksyon sa pagpasok sa bansa ng mga instrumentong ginagamit sa pagpatay ng mga sanggol sa sinapupunan. Wala pa man at hindi pa naiipasa ang HB 5043 ay nagagawa na nilang magnakaw sa tao para pumatay ng tao, ano pa ang hindi nila magagawa kapag naiputupad na ito? At para masiguro nilang hindi sila mananagot sa mga pagnanakaw at panlilinlang na gagawin nila, iniutos ng section 21.e ng nasabing house bill na makukulong at magmumulta ang sinumang magsasalita laban sa tunay na layunin ng “batas” na ito. Kpag nagkataon, ito ang nag-iisang batas sa Pilipinas na hindi maaaring  ilagay sapagsusuri at hindi pwedeng punahin. Ito ay isang garapalang pagsikil sa kalayaan ng pagsasalita at kalyaan ng pamamahayag na siyang pundasyon ng ating demokrasya. Kung mag-iisip lang tayo, hindi ba’t ang nag-iisang batas na ito na papatay sa ating kalayaan ay hindi mananatiling nag-iisa? Kung ikaw ay isang masigasig na tagapagsulong ng mga panukala, at nakita mong posible palang pagbantaan ang mga mamamayan laban sa pagsasalita ng salungat sa mga  batas na isinusulong mo, palalampasin mo ba ang pagkakataong gamitin ito para protektahan ang iyong ipinaglalaban? Ang mga katulad ni Edcel Lagman at ng mga kasama nya ay hindi magpapalampas ng ganitong pagkakataon. Ang bawat panukalang batas na susunod sa yapak ng HB 5043 ay unti-unting magdadala sa atin sa isang totalitaryanismong pamahalaan kung saan ang tao ay bawal magsalita laban sa batas at sa gobyerno gaano man ito kasama. Ang totoo, hindi nalalayo ang ideya ng RH bill sa kaisipan ng komunistang Tsina. Kung sa Tsina ay may one-child policy, ang RH Bill naman ay may two-child policy, na bagamat hindi ipinipilit sa legal na paraan ang paglilimita hanggang sa dalawang anak  bawat mag-asawa, layunin naman nitong bigyan ng stigma o pasamain sa mata ng nakakarami ang sinumang may anak na hihigit dito. Hindi mahirap basahin ang intensyon ng panukalang ito dahil ang totoo, hindi naman talaga ito bago at orihinal; ginaya lang ito sa mga batas na naitutupad na sa ibang mga bansa, lalo na sa Estados Unidos.

http://farm3.static.flickr.com/2301/
Pangalawang dahilan kung bakit hindi dapat iboto ang kandidatong sumusuporta sa RH bill ay dahil sa kawalan nito ng kakayahang sagutin ang mga argumento laban sa panukalang ito. Lahat ng mga umaayon sa HB 5043 ay hindi kailanman deretsahang sumasagot sa isyu ng abortifacient effect ng hormonal contraceptives at IUD. Hindi rin sila nagsasalita tungkol sa panganib ng “promiscuity”, sa halip ay pilit nilang sinasabi na dapat maging handa tayo sa katotohanan na habang tumtagal ay nagiging sexually active ang mga kabataan. Ang susunod ba nating kailangang tanggapin ay ang parami nang paraming kaso ng rape? Kapag nagkataon, dito papasok ang “solusyon” ng RH bill na ang mga biktima ng pang-aabusong sekswal ay dapat “tulungan” ng mga doctor. At ano ang tulong na ito? Walang nakasulat. Pero kung uunawaing mabuti, ito ay tumutukoy sa tinatawag nilang “plan B”. Ang Plan B ngayon ay isa nang brand name ng “emergency pill” sa ibang bansa. Ito ay tinawag na Plan B dahil ginagawa nito ang nabigong isakatuparan ng OCP (oral contraceptive pill) – ang itapon ang zygote palabas sa sinapupunan. Sa Section 21 Paragraph 9.3 ng RH bill ay pinagbabawal sa lahat ng health care provider ang pagtanggi na “gawan ng paraan” ang pagbubuntis ng isang inabusong menor de edad kahit na hindi ito pinahintulutan ng magulang ng bata. Kailangan din ba natin tanggapin ang unti-unting pagkawala ng respeto at pagwawalang bahala ng mga kabataan sa kanilang mga magulang na dulot ng ganitong batas? Tatanggapin na lang din ba natin na dahil sa kawalan ng takot ng mabuntis o magkasakit sa “tulong” ng condom ay magiging talamak ang kaswal na sexual activities at prostitusyon sa Pilipinas tulad sa Estados Unidos at sa ibang bansa, na parang bang ang lahat ng teen parties ay sex parties? Hindi ba’t sa Pilipinas ay may tinatawag din na party condom? Para sa mga hindi nakakaalam , Frenzy ang brand name ng contraceptive na ito. At isipin nyo na lang kung ano ang ipinapahiwatig ng salitang “frenzy” at “party condom”: ito ba ang sense of responsibility na tinutukoy ng mga taga suporta ng kontraseptibong kultura: promiscuity and wild behavior?

Pangatlong dahilan kung bakit hindi dapat iboto ang mga kandidatong sumusuporta sa HB 5043 ay ang kawalan ng consistency sa kanilang dindalang prinsipyo at pangalan bilang Cristiano. Tinatawag nila ang sarili sa ganitong pangalan pero hindi nila kayang manindigan sa hinahawakan nitong mga prisipyong moral. Hindi nila kayang talikuran ang pagiging myembro ng Simbahan, pero wala din silang balak na sundin ito. Sila ang tinutukoy ng tinatawag nilang Panginoon: “Alam ko ang iyong mga gawa. Hindi ka malamig ni mainit man. Higit na mabuti kung malamig o mainit ka. Ngunit maligamgam ka at hindi malamig ni mainit, kaya isusuka kita sa aking bibig.” Mas mabuti  pa sa kanila ang mga hindi Cristiano pero matapat sa kanilang pananampalataya.

Kapag ibinoto mo ang ganitong kandidato, ibinoto mo na rin ang HB 5043; Ibinoto mo rin ang mga kriminalidad at pang-aabusong idudulot ng RH bill; Ibinoto mo na rin ang sisikil sa kalayaan ng mga Pilipino; at ibinoto mo na rin ang kamangmangan, kawalang kakayahang humarap sa isyu, at kawalan ng paninindigan ng kandidatong ito. Ilalagay mo ba ang kinabukasan mo sa ganitong pamahalaan at sa ganitong batas?

15 comments:

  1. mawalang galang na po. pero sinusuportahan ko pa ang RH Bill. hindi ko man sinusuportahan ang ilan sa mga probisyon ng batas, sa kabuuan ay sinusuportahan ko siya.

    ang pinakamalaking problema po ng ating bansa ay ang labis na populasyon at yun ang pangunahing nais masolusyunan kahit kaunti lamang. sa aking palagay ay ito ay isang 'bitter pill' na kailangang lunukin kahit sa panandaliang panahon lamang.

    Ang sinasabi mong rape at talamak na casual sex ay pwedeng mangyari (actually,nangyayari na) meron man or walang RH Bill. Ang importante, magtulong-tulungan tayo - simbahan, gobyerno at taumbayan - upang ma solusyunan ang problema sa populasyon natin. Gawin ng simbahan at moralista ang sa tingin nila ay tama samantalang magko-complement naman ang gobyerno. Di ba maganda yun?

    At sa huli, nais ko ipaalaala sa iyo na hindi lang katoliko ang mga tao sa ating bansa. Hindi lahat ng tao ay tulad mo na kaya mag tiis. May mga tao na kada tigas ay pasok kaya bata ang kasunod. Ayaw man nila ng bagong anak, ang tawag ng laman(or pagmamahal sa asawa) ay madalas hindi mapigilan. At ang RH bill ay isang paraan upang mabawasan ang chance na magbuntis ang asawang babae. Sa ngayon, walang suporta ang gobyerno para dun. Sa tingin mo, hanggang saan darating ang iyong mga salita at advises to them?

    ReplyDelete
  2. We are really at the end of times era. These are all Satans works. The Government maybe should pass a Bill instead that teaches sex without marriage is a crime, having sex with person other than your spouse is a crime.

    People have been persuaded by the devil that they are entitled to have sex when they choose, rejecting any unwanted life that may result. The enemy may tell you “God is too demanding and unreasonable”. “If we distributed more condoms we would not have disease or the need to abort babies”. “It’s God’s fault because God’s Church is against the use of condoms”.

    Sexual intercourse, by its nature and intent is potentially life giving act. This is God’s version. The enemy’s version is that sex can be closed to give life and used for physical pleasure only. Enemy’s version of sex is selfish, emotionally dangerous, and bad for humanity. The enemy offers an answer to this too, and led souls to avoid consequences by offering widespread contraception and abortion. Both men and women are now told that sinful sexual behaviors are allowable and acceptable. God intends that a man and woman enter a blessed union (through marriage) and then share their sexuality with one another. The devil is mocking God because he depicts God’s purpose. He is laughing because many led astray on this sin.

    ReplyDelete
  3. We should be aware how Satan works. As he said "I Pretend to love men, in order to destroy them; serve them, in order to ruin and deceive them; help them, in order to pervert them and draw them into these, my hellish regions."

    Isn't it this bill is one of its form that says will help us? We are deceived then by him if this one will be approved. Satan's plan is to destroy us by having and committing sins against God.

    ReplyDelete
  4. Nakalimutan mong basahin muna ang post mo:
    * RSS
    * Print
    * email
    * NewsVine
    * Reddit
    * Digg
    * StumbleUpon
    * Google Bookmarks
    * Yahoo! Bookmarks
    * Yahoo! Buzz
    * Facebook
    * Twitter

    Maari mo rin subukang basahin ang mga comment sa http://rhbilltruth.wordpress.com para sa karagdagang pagkaunawa.

    ReplyDelete
  5. The end does not justify the means! or does it?

    Ang posisyon ng simbahan ukol sa usaping ito ay tama at nararapat, maaring hindi katanggap tanggap sa marami at hindi praktikal.

    Kung sasangayon ang simbahan dito, parang sinabi ng simbahan na OK na pagbigyan ang SEXUAL urges kailangan lang walang consequence.

    Ang mensahe ng prinsipyong ito ay maaring ipahayag sa ganitong paraan. Dahil ang natural na consequence ng sex ay ang posibilidad na magkaanak, maaring lunasan ito basta gumamit ng condom o ibang method. Pero malinaw na ang layunin ay PAGBIGYAN ANG SEXUAL URGES na walang consequence. Kung ito ang prinsipyo na gustong ipalulun sa simbahan ng karamihan at kung lulunukin ito ng simbahan dahil sa pressure ng "karamihan" wala nang prinsipyo ang simbahan na sasandalan para komontra sa naglipanang "night spots", women for hire, at promiscuity. Dahil ang pagsang ayon dito ay nangangahulugan ng pagsangayon sa pagbibigay sa makamundong pagnananasa basta walang consequence(pagbubuntis).

    Di na rin dapat kontrahin ang pakikipag sex kung kanikanino dahil pagbibigay daan lamang ito sa "pangangailangan ng katawan" basta gumamit lamang ng condom.

    At kung ganitong prinsipyo ang susundin, ok lang ba gumawa ng bagay na makapagpapasaya sa iyo basta walang consequence. Pwede na ba mang rape basta i-drug muna yung babae para walang discomfort sa kanya, walang maalala kung gising yung biktimang babae, dapat siguruhing maliligayahan din siya at importante mag condom para di magbuntis at wag pahuhuli para di makulong. Kung magnanakaw(para masaya) ka, dapat wag kang pahuhuli para di ka makulong (consequence). O kaya i legalize na lang ang pagnanakaw?

    Ano kaya ang komunidad na kagigisnan natin kung ganitong prinsipyo ang paiiralin?

    ReplyDelete
  6. Salamat sa iyong komento at praktikal na paliwanag. Sana ay makadagdag ito sa kamulatan ng mga mambabasa.

    ReplyDelete
  7. Nice comment! DOn Kulas

    ReplyDelete
  8. Sino ang bulag?
    Sino ang mapanghusga?
    Natukoy mo na ba ang "root cause"?
    At, ano po kaya ang "role" ng Simbahan sa ganitong pagkakataon o problema?
    Meron silang posisyon, ngunit alam ba nila ang kanilang role bilang religious advisers?
    Kung alam man nila, nagagawa ba nila ito?

    ReplyDelete
  9. Palagay ko ay nagtatanong ka hindi para sa sagot kundi para sabihin ang iyong opinyon. Mas maganda siguro kung ikaw na rin ang sumagot sa mga tanong mo para matugunan din naman ng mga bumabasa o ng blog na ito. Sino nga ba ang bulag at hindi nakakakita sa totoong kalikasan, layunin, at mga paraan ng reproductive health bill? May mga nanghuhusga nga ba? At sino ang hinuhusgahan? Kung ang tinutukoy mong root cause ay tungkol sa "problema sa populasyon", mas maganda siguro kung ipaalam mo sa lahat kung ano nga ba ito at saan ba nagmula ang ideya na ang Pilipinas ay malapit nang umapaw; na ang marami sa atin ay titira na lang sa ibabaw ng tubig? Malamang sila din ang may ideya na kailangan natin pumunta sa Mars para hindi magsiksikan ang mga tao sa mundo. Ano nga ba sa palagay mo ang role ng Simbahan sa ganitong sitwasyon? Kilala mo ba ang Simbahan -- ang misyon nito? Maghihintay kami sa sagot mo at hayaan mong matugunan ito kung talagang nararapat tugunan.

    ReplyDelete
  10. Hindi ba tayo overpopulated?

    ReplyDelete
  11. Malaki ang space para maipaliwanag at mapatunayan mo ang iyong idea ng overpopulation. Mas madaling sabihing, "Oo nga, overpopulated ang Pilipinas," pero hindi ito sapat. Marami din ang nagsasabi na mayroong mga aswang at mga manananggal, pero kung hindi ito mapapatunayan, hindi ito maaaring ituring na totoo.

    ReplyDelete
  12. i support the RH Bill... Kung 11 bishops ang mamamatay araw-araw, tutulan pa kaya nila ang RH Bill? Kung nabubuntis lang ang mga bishops, kokontra pa ba sila sa RH Bill?

    ReplyDelete
  13. Reproductive Health Bill is not a subjective issue. Kahit pa sandaang obispo ang mamatay kada oras, walang mababago sa katotohanan.

    At ito pa ang isang palaisipan: 11 babae daw ang namamatay sa mga kumplikasyong may kinalaman sa panganganak (hindi sa panganganak mismo), kaya ito ang paboritong punch line ng mga nagsusulong ng RH, pero naging ganito ba katigas ang paninindigan nila para sa 80 kababaihang namamatay araw-araw dahil sa sakit sa puso, 63 sa vascular diseases, 51 sa cancer, 45 sa pneumonia, 23 sa tuberculosis, 22 sa diabetes, at 16 sa lower chronic respiratory diseases? Nagpasa ba sila ng mga batas para matutukan ang mga sakit na pangunahin sa pagpatay ng tao? Isn't that ironic?

    Anong meron sa RH bill at binalewala nila ang napakaraming mga babaeng namamatay araw-araw dahil sa mga totoong sakit para lang pigilan sa pagbubuntis ang 11 babae na posibleng mamatay dahil sa kumplikasyon ng panganganak?

    Isa pa, bakit ang panganganak ang itinuturong salarin sa pagkamatay ng mga babae at hindi ang kawalan ng sapat na atensyong medikal at totoong "maternal health"? Ibig bang sabihin ay huwag nang manganak ang lahat ng babae para walang mamatay sa kumplikasyon nito? Paano nila malalaman kung sino sa mga babae ang walang posibilidad na mamatay? Posible nga ba yun?

    At sa huli, tama nga bang isangkalan ang di umano'y 11 kababaihang namamatay araw-araw para sabihing dapat isulong ang RH Bill?

    ReplyDelete
  14. Hinding hindi ko iboboto ang RH Bill! Ito ay pasaway at imoral! Teka, magkano kaya ang peperahin ng mga politikong ito galing sa mga negosyante ng mga contraceptives? Di kaya ito lang ang interes nila?

    ReplyDelete
  15. hi vanillae, am also engaging in a very heated debate on this subject in fb, and use some of your answers to their quesions and line of argument. please add me in your fb so we can also hear your opinions. mannix fortz is my name in fb. thank you so much!

    ReplyDelete