And God said to them, "Be fruitful and multiply and fill the earth and subdue it and have dominion over the fish of the sea and over the birds of the heavens and over every living thing that moves on the earth." And God said, "Behold, I have given you every plant yielding seed that is on the face of all the earth, and every tree with seed in its fruit. You shall have them for food. And to every beast of the earth and to every bird of the heavens and to everything that creeps on the earth, everything that has the breath of life, I have given every green plant for food."-Genesis 1:28-30
Kahit ang pinaka-basic na rule ng grammar ay nami-miss ng mga taong may contraceptive mindset. Sinasabi ng mga makakontraseptibong isip na ang "subdue it" sa bahaging ito ng Biblia ay tumutukoy sa pagkontrol sa bilang ng tao. Ang antecedent ng pronoun na "it" sa pangungusap na, "Fill the earth and subdue it," ay ang "the earth". Ginawang tagapamahala ng Diyos ang tao sa buong daigdig. To subdue is to be the one in control of; to be the master of. Malayong-malayo ito sa sinasabi ng iba na ang salitang "subdue" ay ginamit ng Diyos para sabihing dapat magkaroon ng population control.
Bukod doon, nakakalimutan na rin ng mga pro-contraceptives na gumamit ng lohika. Hindi magagawa ng Diyos o ng tao na gawin ang magkasalungat na bagay sa parehong pagkakataon. Sa Tagalog, ang tinatakbo ng kanilang argumento ay magkakaroon ng ganitong resulta: "Punuin ninyo ang mundo pero huwag ninyong hahayaang mapuno ito." Ano ba talaga Big Brother? Parang ganito din yan: "Magpakarami kayo pero yung tama lang." Ano yung tama? Two kids?Kahit ang pinaka-basic na rule ng grammar ay nami-miss ng mga taong may contraceptive mindset. Sinasabi ng mga makakontraseptibong isip na ang "subdue it" sa bahaging ito ng Biblia ay tumutukoy sa pagkontrol sa bilang ng tao. Ang antecedent ng pronoun na "it" sa pangungusap na, "Fill the earth and subdue it," ay ang "the earth". Ginawang tagapamahala ng Diyos ang tao sa buong daigdig. To subdue is to be the one in control of; to be the master of. Malayong-malayo ito sa sinasabi ng iba na ang salitang "subdue" ay ginamit ng Diyos para sabihing dapat magkaroon ng population control.
Ayon din sa passage sa itaas, binigyan ng Diyos ang tao ng sapat nitong mga pangangailangan, lalo na ang pagkain. Nagkulang kaya ng tantya ang Diyos habang ginagawa niya ang yaman ng mundo na kailangan ng tao? Nabigla lang kaya siya nung sinabi niyang punuin ang mundo?
Hindi ko ito isinulat para sabihing walang responsibilidad ang mga magulang na tantyahin at i-provide ang pangangailangan ng pamilya. Isinusulat ko ito para iwasto ang pagkakamaling dulot ng maling kaisipan.