Sunday, October 11, 2015

On Infant Baptism

Baptism is the washing of regeneration (Titus 3:5). It is where we were born of water and the Spirit (John 3:5), and became sons and daughters of God in Jesus Christ by receiving the Spirit of the Son.

Coming home to the Father's embrace (conversion) requires repentance or turning away from sin, because light and darkness cannot coexist. We cannot truly convert and continue sinning deliberately. Since, most likely, we, adults have already committed sins in different ways with number of times that can no longer be counted, it is necessary to a real conversion that we confess our sinfulness, declare our will to turn away from it, and pledge our allegiance and loyalty to the Lord.

In the case of infants and small children, this is not necessary because they are still considered innocent. This, however, should not be a reason for them not to be baptized, since this spiritual washing has its effect even without the consent of the child. It is not the same with an adult who had been baptized with an unrepentant heart. The latter is like a beast washed with clean water while soaked in the mire. The former, on the other hand, have no mud that needs to be washed off from their soul; but like everyone else, they need to be born again from above since "unless one is born of water and the Spirit he cannot enter into the kingdom of God" (John 3:5). It is the moral obligation of the Christian parents or guardians to make sure that a child is baptized as soon as possible, just as it is the moral obligation of the Jewish parents to circumcise their male babies (Leviticus 12:3). We know that the Jewish circumcision is a type of the Christian baptism (Colossians 2:11-12), and that fact explains a very important point. A faithful Jewish father will not say, "Let the child decide for himself whether he wants to be circumcised;" and neither will a faithful Christian father say the same if he understands what baptism really is.

The water of the Great Flood is a type of the baptismal water. Noah and his family passed through the flood in order to be saved. Just because they were all adults in the ark doesn't mean they would leave all children behind had it happened that they had younger members in the family. Salvation is for all who are willing to accept it, but not only for them; it is also for their children (Acts 2:39). And even though we have not seen small children among those who were saved through the water, we know, through commonsense, that those who passed over the Red Sea were individuals coming from all ages. All of them were baptized into Moses in the cloud and in the sea (1 Corinthians 10:2).

We cannot say that babies don't need to be baptized just because they have not sinned; or worse, that they should not be baptized because they cannot repent. "Death reigned from the time of Adam to the time of Moses, even over those who did not sin by breaking a command, as did Adam, who is a pattern of the one to come" (Romans 5:14). All of us are parts of the dead Adam. Unless we were reborn in the manner that God willed, we will remain dead and cannot approach God. We are to remain outside of Paradise like Adam.

As people of God, it is morally wrong for us to hinder the children from approaching the Father through Jesus Christ (Matthew 19:14). It is actually in them that God reigns since their hearts are still free from moral disobedience, and yet they need to be renewed because they were born with the flesh of the fallen Adam. We are to help the children grow in holiness, not only through mere words of instruction, inspiration, and discipline but with the help of real grace coming through the sacraments, starting with baptism.

The dead flesh that we inherited is real, the regeneration that we should undergo is real, and the elements that are involved in this washing are real. We are not speaking of symbols but of real things, and of real power coming from the treasure of merits which Christ gained for us on the cross, and we receive through the sacraments.

While adults need to decide that they will turn away from their old life before receiving the washing of rebirth, the infants don't have this need since they have no old life to turn away from. Christian parents must ask baptism from the Church for their children and promise that they will guide them to a life that is worthy of God's children.

Monday, May 5, 2014

Takot sa Kamatayan

Sa palagay ko, anuman ang pansarili nating dahilan kung bakit may takot tayo sa kamatayan ay hindi na natin dapat ibahagi pa o ipamana sa ating mga anak. Walang dahilan para bigyan natin sila ng dahilan na mamuhay sa takot. Namatay si Jesus para palayain tayo mula sa takot na umaalipin sa atin. Kung ipapakilala natin sa mga bata ang kamatayan sa paraang magbibigay sa kanila ng takot, para na rin natin silang ibinalik sa pagkaalipin matapos silang palayain ng Diyos sa pamamagitan mismo ng sariling buhay ng Panginoon.

Natural lang para sa atin na hindi gustuhing mamatay ang isa man sa ating mga anak o kamag-anak, pero ang kamatayan ay bahagi ng prosesong pagdadaanan ng lahat -- isang katotohanan na dapat asahan at paghandaan, sa halip na katakutan. Takot tayo sa marumi dahil maaaring magdulot ng sakit, at sa huli ay magdala sa kamatayan. Dahil sa takot na ito, hindi natin magawang umunlad sa mga aspetong nangangailangan ng pagdudumi. Sumasama din ang pakiramdam natin kapag tayo ay masyadong nandidiri sa isang bagay, lalo na kung talagang kailangan nating gawin o harapin.

Natatakot rin tayo na baka may maaksidente o masaktan sa ating mga mahal sa buhay kaya madalas, yung mga anak natin, halos hindi na natin pakilusin dahil baka madisgrasya. Yung iba, nasa sixth grade na o nasa high school na, ihinahatid pa sa school dahil baka may masamang mangyari. Walang katapusan ang mga pag-aalala natin, at halos lahat ito ay nakaugat sa takot natin sa kamatayan. Ayon nga sa isang kasabihan: "So many people tiptoe through life, so carefully, to arrive, safely, at death." Halos wala na tayong nagagawa at hindi natin napapaunlad ang sarili dahil sa mga takot, na kung tutuusin ay nagmumula lahat sa takot na mamatay. Ang ironic doon ay kahit gaano pa tayo kaligtas na makarating sa huli, ang huling pinag-uusapan natin ay ang kamatayan pa rin na buong buhay nating iniiwasan.

Isipin mo, ano kaya ang hindi mo nagagawa ngayon na magagawa mo kung wala kang kinatatakutan? Ano ang maa-accomplish mo kung hindi ka takot mapahiya, ma-reject, mabigo, magkamali, mawalan, magutom, magkasakit, tumanda, at mamatay?

Monday, March 10, 2014

Bakit Hindi Ka Katoliko?

Sa halip na sabihin ko kung bakit ako Katoliko, inaakala kong mas tamang itanong kung bakit hindi ka katoliko...
...sa kabila ng katotohanang walang ibang Simbahang Cristiano maliban sa Simbahang Katolika, mula noong panahon ng mga Apostol hanggang sa paghiwalay ng Orthodox Church makalipas ang mahigit sanlibong taon?
...sa kabila ng katotohanang ang Simbahang Katolika ang autoridad na nagpasya, mula sa daan-daang mga dokumentong "Cristiano", kung alin ang dapat maging bahagi ng Banal na Kasulatan?
...sa kabila ng katotohanang ang Simbahan ni Cristo ay makikilala sa pamamagitan ng presensya ni Pedro kung saan ito itinayo?
...sa kabila ng katotohanang tanging ang tungkulin ni Pedro ang lubos na malaya mula sa kamaliang doktrinal at moral?
...sa kabila ng katotohanang ang nag-iisang Simbahan ni Cristo ay makikilala sa pamamagitan ng hindi nagbabagong katuruang doktrinal at moral, libo-libong taon man ang dumaan, libo-libong pagbabago man ang nakapalibot dito, at kahit pa sa harap ng mga tangkang pagpapabagsak gamit ang kapangyarihang politikal at korapsyong moral?
...sa kabila ng katotohanang kahit maraming Judas ang kumakain sa palad ng Panginoon sa loob ng Simbahan, nandito rin ang mga Pedrong nagsisisi at naninindigan sa kabila ng likas na kahinaan, ang mga Juan na pinakamamahal ng Panginoon, ang mga mistikong Pablo na direktang pinahahayagan ng Diyos, at ang mga Mariang nag-aalay ng sarili mula pagkabata?
...sa kabila ng pangako ni Cristo na mananatili Siya sa Kanyang Simbahan hanggang sa huling araw?
...sa kabila ng katotohanang si Cristo ay makikilala lamang nang lubusan sa pamamagitan ng paghahati-hati ng tinapay?
...sa kabila ng katotohanang malibang kainin ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang Kanyang dugo ay walang buhay na walang hanggan?
...sa kabila ng katotohanang ang Simbahan ay makikilala sa pagsamba nito sa Diyos sa pamamagitan ng araw-araw na pag-aalay ng dalisay na Sakripisyo mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito?
...sa kabila ng malinaw na kasaysayan ng Sangkakristyanuhan at kung alin ang humiwalay saan?
...sa kabila ng katotohanang hindi mababago ng anumang rasyonalisasyon at sari-saring interpretasyon ang nag-iisang autoridad sa pag-unawa ng Salita ng Diyos?
...sa kabila ng katotohanang ang mga Kasulatan ay hindi para sa pribadong interpretasyon, sa halip ay nangangailangan ng autoridad ng Simbahan na siyang nag-iisang sandigan at tagapagtanggol ng katotohanan, at nagtataglay ng kabuuan nito?
...sa kabila ng katotohanang ang mga pinaka-extraordinaryong istorya ng buhay sa lahat ng bansa ay bunga ng pagiging Katoliko (o Orthodox Christian)?
...sa kabila ng katotohanang tanging ang kahalili ng mga apostol ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan, magtali at magkalag (gumawa ng mga batas na kikilalanin sa langit), at magbigay ng parehong kapangyarihan sa iba?
...sa kabila ng katotohanang walang sinuman ang pwedeng magtalaga sa kanyang sarili bilang opisyal na tagapangaral ni Cristo malibang may autoridad ng nag-iisang Simbahan ni Cristo?
...sa kabila ng katotohanang tanging ang Simbahang Katolika lamang ang nag-iisang institusyon na pinagkakaisahan at inaatake kabi-kabila ng gobyernong sekular at mga relihiyosong organisasyon, dahil sa hindi nagbabagong paninindigan nito sa mga isyung moral, tulad ng ginawa kay Jesus ng mga gobyerno at mga relihiyoso sa panahon Niya?
...sa kabila ng mas marami pang katotohanang humubog sa sibilisasyon sa tulong ng Simbahan tulad ng ambag nito sa mabuti at makahulugang sining, musika, edukasyon, kalusugan, agham, pilosopiya, literatura, pangangalaga sa mga mahihina, monastisismo, at iba pa?
Dahil ba hindi ka naniniwalang totoo ang mga ito, dahil ba ngayon mo lang ito narinig o dahil may mas matimbang na katotohanang nagpapawalang-kabuluhan dito?
Alam mo ba ang dahilan kung bakit hindi ka Katoliko? Pwede mo bang ibahagi?

Wednesday, January 22, 2014

Banal na Eukaristiya at Sakripisyo sa Krus

Halos lahat ng hindi Katolikong Cristiano ay nagkakamali sa pag-unawa tungkol sa relasyon ng Banal na Eukaristiya o Misa at ng Sakripisyo sa Krus ng Kalbaryo. Inaakala nilang ang Misa ay isang dagdag na aral ng Simbahan na lumalabag sa konsepto ng pagliligtas ni Jesucristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa Krus nang minsanan para sa lahat.
Hindi natin mapipilit ang iba na maniwala sa ating sasabihin dahil ang paniniwala ay madalas na mahirap baguhin. Ang taong nagtatangkang tumalikod sa sariling paniniwala ay dumadaan sa kamatayan ng sarili. Ito ay hindi isang madaling karanasan, at hindi rin madadaan sa pilit. Ganun pa man, bilang mga Katoliko, kailangan nating itama kung anuman ang hindi wasto sa personal nating paniniwala, dahil iisa lang ang katotohanan at kailangan nating maging tapat dito sa lahat ng oras. Alam natin kung saan matatagpuan ang katotohanan dahil iisa lang ang Simbahan na siyang haligi at saligan nito.
Ang pasyon o pagpapakasakit ng Panginoon, ang kanyang kamatayan, at muling pagkabuhay ay isang kaganapan sa dimensyon ng panahon at lugar. Minsanan lang itong nangyari at hindi na kailangang ulitin pa. Ito ang pinaniniwalaan natin, hindi lang dahil sinabi ng mga Apostol, kundi dahil alam natin na ang Diyos ay walang-hanggan at ang pagka-Diyos ni Jesus ay kumikilos sa kawalang-hanggan. Ang pagpapakasakit na kanyang ginawa, bagamat nasasakupan ng panahon, ay patuloy na nagaganap sa harapan ng Diyos na Siyang Hukom ng lahat. Anupa't si Jesus ay nakikita sa langit bilang, "isang Korderong nakatayo na ang anyo ay tulad sa pinatay na." Bagamat buhay, Siya ay patuloy na namamatay para sa atin mula sa kawalang-hanggan, bago pa man nilikha ang unang tao at kahit na magkaroon na ng bagong mundo. Hindi masusukat ng isip ang ganitong pag-ibig sa atin ng Diyos, pero ang magagawa na lang natin ay magpasalamat sa lahat ng oras at pagkakataon. Kung si Jesus ay hindi Diyos, maging ang sarili niya ay hindi niya magagawang iligtas mula sa kasalanan. Pero dahil Siya ay Diyos, nagawa niyang ialay ang kanyang kabuuan, hindi bilang Diyos sa harapan ng Ama, kundi bilang kasalanan para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.
Ang Banal na Eukaristiya ay Sakramentong itinatag ni Jesus sa huling hapunan bago Siya pumasok sa Kanyang pasyon. Ito ang kaganapan ng hula ni Propeta Malakias: "At ngayon, mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, dinadakila ng mga bansa ang aking Pangalan. Kahit saa’y nasusunog ang insenso bilang dalisay na alay sa aking Pangalan." Walang ibang dalisay at katanggap-tanggap na alay kundi ang pag-aalay ni Jesucristo ng Kanyang sariling buhay. Hindi ito mahihigitan ng anumang panalangin at papuri ng pinakabanal na tao. Bagamat minsanan lang nangyari ang kamatayan ni Jesus, ito ay muling nagaganap "mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw" at sa lahat ng bansa. Iyon ay sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya, kung saan ang Sakripisyo ni Jesus ay naisasangayon o dinadala sa kasalukuyan mula sa kawalang-hanggan. Ang paring nangunguna sa pag-aalay ng Sakripisyo ay kumakatawan kay Jesus na Siya ring nagsilbing Dakilang Saserdote habang iniaalay ang Kanyang sarili sa Krus na altar. Sa pamamagitan din ng Eukaristiya natutupad ang sinabi ni Jesus na, "sasambahin ninyo ang Ama hindi na sa bundok na ito o sa Jerusalem," dahil ang pinakamataas na uri ng pagsamba sa paningin ng Diyos ay magaganap sa lahat ng bansang naghahandog ng Sakripisyo ni Jesus. Dito natin mauunawaan na kailangang gawin araw-araw ang pag-aalay na ito, hindi bilang pag-uulit kundi bilang pagsasangayon. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoon, "Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin." At ipinaliwanag sa atin ni Apostol Pablo kung bakit natin ito dapat gawin: "Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito." Ang pagpapahayag na ito ang tinatawag nating "pagsasangayon". Hindi ito katulad ng pag-alala o pagbabalik sa isip ng isang nakalipas na pangyayari; ito ay isang aktwal na karanasan ng katotohanan. Sa pakikibahagi sa Eukaristiya ay totoong iniaalay natin si Jesus sa Ama kung paanong inialay Niya ang sarili sa Kalbaryo. "Ganyan ang uri ng pagsambang ninanais ng Ama," at hindi natin ito kailangang gawin sa Jerusalem o sa bundok ng mga Samaritano. Ito ang ginagawa ng mga Cristiano mula pa noong panahon ng mga Apostol, kung saan "araw-araw silang nagsasama-sama nang matagal sa Templo, at sa kanilang mga tahanan din sa paghahati ng tinapay." Sa pamamagitan nito, dinadakila ng mga bansa ang pangalan ng Diyos.
Sa huli, tanging sa Eukaristiya lamang maaaring matupad ng isang disipulo ang turo ng Panginoon tungkol sa pagkain sa Kanyang laman na siyang tunay na Tinapay na nagmula sa langit. Tungkol dito ay sinabi Niya, "Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay...Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin." Alam ni Jesus na marami ang maiiskandalo dahil sa katotohanang ito, pero hindi Siya pwedeng magsinungaling para sa kanila. Sila ang kailangang mamili kung tatanggapin nila nang buo ang mga salita ng Panginoon o mas pipiliin nilang hindi maniwala.