Wednesday, October 12, 2011

Nag-iisang Bansa na Walang Diborsyo

Nakakalungkot makita na may ilang mga grupo na pilit kinukondisyon ang isip ng mga Filipino na ang kawalan ng diborsyo sa bansa ay isang nakakahiyang katotohanan. Ito daw ay dahil tayo na lang sa buong mundo (bukod sa Vatican City) ang walang batas tungkol sa diborsyo. Ang totoo ay may batas tayo tungkol sa diborsyo, at sinasabi dito na hindi ito pinapayagan sa ating bansa, maliban kung ang usapin ay mas matimbang sa batas pangrelihiyon ng isang indibidwal tulad ng sa mga Muslim.

Kahit sabihin na ang batas ng Pilipinas ay hindi Cristiano, ang pagpapahalaga o values ng mga Filipino ay nakalinya sa pagiging Cristiano kaya hindi tamang lasunin ng kung sino-sino ang ating isipan tungkol sa usapin ng kasal o pag-aasawa dahil inaari natin itong isang mabuting pamana ng ating mga magulang. Kahit mangyari na magkaroon ng matinding polusyon ang ating kultura dahil sa pananakop ng ibang lahi sa ating kaisipan, mananatili para sa atin ang katotohanan na ang pagkilala natin sa kasal bilang mga Filipino ay tulad ng pagkilala dito ng mga tunay na Cristiano sa buong mundo.

Dahil dito, dapat nating ipagmalaki, at hindi ikahiya -- tulad ng gustong mangyari ng ilang makasariling mga tao -- ang paninindigan at pagtatanggol natin sa institusyon ng pag-aasawa. Alam natin, bilang mga Cristiano, na ang Diyos ay galit sa diborsyo, at wala itong puwang sa puso ng mga taong nakakikilala sa kanilang Lumikha.

Tuesday, September 6, 2011

Salamat Sa Wala Pa!

Bakit kailangan nating magpasalamat para sa hindi pa natin natatanggap? Ang dahilan ay may tatlong bahagi, at ito ay ang mga sumusunod na paniniwalang Cristiano:

1. Ang Diyos ay pag-ibig.
2. Ang Diyos ay makapangyarihan.
3. Ang Diyos ay walang-hanggan.

Ang Diyos ay pag-ibig. Alam ng Diyos kung ano ang pinakamabuti para sa kanyang minamahal dahil ang lahat ng kanyang pagkilos ay dahil sa pag-ibig. Walang sinuman ang makapagsasabi na may kasalanan o pagkukulang man lang sa kanila ang Diyos, dahil bukod sa walang karapatan ang tao na humingi mula sa kanyang Manlilikha na para bang siya ay utusan niya, ang Diyos ay kusang nagkakaloob nang higit pa sa kayang hingin at naisin ng tao para sa kanyang sarili. Walang masamang nagmumula sa Diyos ng pag-ibig; lahat ay bilang pagpaparanas ng pagmamahal. Anuman ang ipahintulot ng Diyos na ating tanggapin at maranasan, ito ay bunga ng kanyang pag-ibig sa atin, at tiyak itong makabubuti kung atin lang kikilalanin ang tunay na kalikasan nito.

Ang Diyos ay makapangyarihan. Anuman ang loobin ng Diyos, ito ay nangyayari. Hindi siya tulad ng tao na bagamat maraming mabubuting intensyon ay madalas na walang kakayahang isakatuparan ang mga ito.


Ang Diyos ay walang-hanggan. Sa mundo nating mga tao ay may oras at panahon; mayroong kahapon, bukas, at ngayon. Para sa Diyos, ang lahat ng panahon ay ngayon. Hindi siya lumikha "kanina" at magpapahinga "mamaya". Kung sinasabi man na siya ay lumikha at nagpahinga, ginawa niya iyon sa iisang pagkakataon. Ito ay dahil wala siyang simula at katapusan; lagi lang siyang umiiral. Kaya niya tinatawag ang sarili na Ako Nga -- I am He, the One who always exists. Mahirap man mahawakan ng isip ng tao ang konsepto ng kawalang-hanggan, ito ang katotohanan ng Diyos. Pero hindi rin naman ito napakaimposible para sa tao, dahil kahit ang pisikal na agham ay nagsasabing ang enerhiya ay walang simula kundi palagiang umiiral.

At dahil sa Diyos ay wala ang konsepto ng panahon, lahat ng ginawa, ginagawa, at gagawin niya ay naganap, nagaganap, at magaganap sa iisang pagkakataon. Hindi pa man natin hinihingi ang isang pabor mula sa kanya, nagawa na niya ito, dahil nga tapos na niyang gawin ang lahat bagamat patuloy niya itong ginagawa sa kasalukuyan. Lahat ng dapat mong matanggap ay naibigay na niya, bagamat hindi mo pa natatanggap. Hindi ibig sabihin noon ay walang halaga ang pagdadasal. Habang tayo ay nananalangin, ang Diyos ay nakikinig at binibiyayaan tayo ayon sa kanyang kalooban, ang ginawa niyang pagsagot sa ating mga pagsamo ay nangyari na bago pa man natin ito isiping gawin, pero ginawa niya rin ito habang at pagkatapos ng ating panalangin. Kaya sinabi ni Jesus, "Anuman ang hingin ninyo sa pana­langin, sumampalataya kayo na natang­gap na ninyo at tatang­gapin ninyo." Ito ay dahil naibigay na ng Diyos ang lahat ng dapat niyang ibigay sa atin.

Ito ang mga dahilan kung bakit dapat nating pasalamatan ang hindi pa man natin natatanggap. Una, alam natin na gusto ng Diyos kung ano ang pinakamabuti para sa atin. Hindi na mahalaga kung ito ba ay naisip nating hingin o hindi; hindi na mahalaga kung umaayon ba o sumasalungat ito sa gusto nating hingin. Ang mahalaga ay ito ang kalooban ng Diyos at makasisiguro tayong maraming ulit na higit itong makabubuti para sa atin. Tama si San Pablo sa pagsasabing hindi tayo marunong manalangin nang tama, dahil hindi natin alam kung ano ang totoong makakabuti sa atin, pero ang espiritu na nakakikilala sa atin ang siyang tumutulong para itaas sa Diyos ang totoong laman ng ating puso.

Ikalawa, ang dalisay nating panalangin ay laging pinakikinggan ng Diyos at may kakayahan siyang ipagkaloob ang lahat ng ito sa atin. Kaya sa saling Ingles ay may isang taong nagsabi kay Jesus, "Lord, if you will, you can..." "Kung gusto mo, magagawa mo." At kung bukas tayo sa kalooban ng Diyos, hindi niya lang gugustuhing ipagkaloob ang hinihingi natin, gagawin niya ito. Tulad ng sagot niya sa nasabing tao, maririnig din natin ang sagot ni Jesus: "Gusto ko."

Ikatlo, dahil ang Diyos ay walang-hanggan, alam natin naibigay na niya sa atin ang lahat ng linoob niyang tanggapin natin. Dahil sa katotohanang ito kaya natin nagagawang manalangin nang may pananampalataya. Kung ang ating hinihingi ay naayon sa kanyang kalooban, sigurado na tayong ito ay ating matatanggap sa panahon ng Diyos. Kung hindi niya naman ito kalooban, nakasisiguro tayong mas mabuti pa dito ang matatanggap natin.

Walang dahilan para isipin nating tayo ay pinagkaitan o hindi pinakikinggan ng Diyos. Sa napakaraming pagkakataon, tayo ang hindi nakikinig sa kanya dahil gusto nating ipilit ang gusto natin, na para bang lagi tayong mas magaling sa Diyos at siya ang laging may maling desisyon. Ang Diyos ay may sariling panahon o "timetable". Kung mayroon man siyang ibibigay, hindi natin maaasahang matatanggap natin ito sa oras na gusto natin, pero makasisiguro tayo sa pagdating nito. Tulad nito ay isang kamag-anak na nasa ibang bansa na nagsabing, "Naipadala ko na." Sa pagkakataong iyon, masasabi nating naibigay na niya ang dapat niyang ibigay, hindi pa nga lang natin natatanggap. "On the way," sabi nga. Hindi naman tama na sabihin sa kanya, "Saka na ako magpapasalamat pag natanggap ko na yung package." Nagpapasalamat na tayo sa nagbigay kahit wala pa. Ito ay dahil alam nating nagawa na niya ang bahagi niya. Ganun din ang Diyos. Mula sa kawalang-panahon ay naibigay na niya ang lahat ng nakatakda nating matanggap, bagamat sa mundo ng panahon ay hindi pa natin ito natatanggap. Tama lang na pasalamatan natin ang Diyos para sa mga bagay na wala pa dahil alam nating nagawa na niya ang kanyang bahagi.

Wednesday, June 15, 2011

Ang RH Bill at ang mga Katoliko

“Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi nagtitipong kasama ko ay nagpapangalat” (Lucas 11:23).

Tayo ay mga Cristiano hindi lamang isang araw sa isang linggo, kundi sa lahat ng araw, oras, at pagkakataon. Hindi mahalaga kung ikaw ay politiko, may-bahay, basurero, kasambahay, driver, abogado o ano pa man; bilang binyagang Katoliko, tungkulin nating mamuhay nang naaayon sa mga utos ni Jesus at maging kabahagi ng kanyang gawaing pagliligtas. Nagbabala si Cristo na ang Cristianong walang pakialam at pakikibahagi sa mga gawain kanyang Panginoon ay nagiging pabigat at nagkakasala. Sa usapin ng RH Bill, hindi pwedeng “no comment” tayo, dahil alam natin na kung hindi ito mabuti, ito ay masama, at hindi tayo maaaring manahimik sa gitna ng kasamaang ito. Bilang Cristiano, tayo ay tinawag upang makibahagi sa pagsusulong ng katotohanan, kalayaan, at katarungan dahil sa ganitong paraan natin maipakikilala ang Diyos sa lahat. Sa kabilang banda, ang pananahimik at pagpapadala sa maling agos ay tulad din ng pagsasabing, “Wala na tayong pag-asa dahil walang Diyos…bahala na!” Ito ay pag-insulto sa pag-ibig ng Diyos na tumawag sa atin para makibahagi sa kanyang kaganapan. Sa gitna ng kaguluhang at pagkakabaha-bahaging dulot ng RH Bill, kailangan natin manindigan at magkaroon ng panig. Hindi natin gustong marinig mula kay Jesus sa huling araw: “Alam ko ang iyong mga gawa. Hindi ka malamig ni mainit man. Higit na mabuti kung malamig o mainit ka. Ngunit maligamgam ka at hindi malamig ni mainit, kaya isusuka kita sa aking bibig” (Pahayag 3:15-16).

“Sumasampalataya ako…sa banal na Simbahang Katolika…”

Bilang mga Katoliko, ipinahahayag natin ang ating paniniwala sa mga turo ng Simbahang Katolika bilang institusyon na walang ibang nagtatag kundi si Jesus. Pinanampalatayanan natin na ang Iglesyang ito ay ang “haligi at saligan ng katotohanan” (1 Timoteo 3:15), at “ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya” (Mateo 16:18). Naniniwala tayong ang kanyang mga turo tungkol sa pananampalataya at moralidad ay walang pagkakamali, libo-libong taon man ang lumipas. Tatangkain ng Masama na iligaw ang marami patungo sa mga maling turo, pero hanggang sa huli ay mananatiling tapat ang Esposa ni Cristo – ang Simbahan. Kaya bilang paalaala at babala sa ating lahat, hindi tayo dapat maligaw sa ibang simbahan, kahit pa ito ay nagtataglay ng pangalang “katoliko”. Hindi ganap na basehan ang presensya ng isang obispo o grupo ng mga obispo para masabing sila ay kumakatawan sa Simbahan. Ang kolehiyo, halimbawa, ng mga obispo sa Amerika at sa Canada ay hindi na kumakatawan sa kaganapan ng pananampalatayang Katoliko, at hindi na ganap na kaisa ng  Simbahan. Matatagpuan ang tunay na Simbahan, at ang dalisay na katuruan, kung nasaan ang batong kinatatayuan nito. Kaya may kasabihang, “Ubi Petris, ibi Ecclesia” – Kung nasaan si Pedro, naroon ang Simbahan. Ang tunay na Simbahan ay tumutukoy sa kalipunan ng mga obispo, pari, at mga mananampalataya na may lubos na pakikipag-isa sa Santo Papa. Sinumang Katoliko na tahasang sumasalungat sa sinasampalatayanan ng buong sambahayan ng Diyos ay nagtatakwil sa kanyang sarili bilang Cristiano.

Hindi maitatanggi ang kapintasan ng mga mananampalatayang layko at pari, yayamang sila ay mga tao pa rin. Dahil dito, ang Simbahan ay inaakusahan ng pagiging mapagkunwari. Gayunman, ang bintang na ito ay nagmumula sa kawalan ng alam. Ang Simbahan, bagamat banal dahil sa presensya at pagpuspos ng Espiritu Santo, ay binubuo ng mga taong hindi perpekto. Alam ni Jesus na ang Simbahan ay may bahaging-tao, at marami sa mga kasapi nito ay hindi magiging tapat – gaya ni Judas Iscariote; ang iba naman ay paminsan-minsang maduduwag – tulad ni Pedro at ng mga apostol; habang ang iba ay maiiskandalo sa kanilang makikita at tuluyan nang hihiwalay. Hindi dapat mangyari sa atin ang alinman sa mga ito. Si Cristo lamang ang daan, katotohanan, at buhay, at iisa lang din ang Simbahang itinatag niya sa bato. Sa gitna ng mga iskandalo at mga kontrobersya, dapat nating alalahanin ang tanong ni Pedro, "Panginoon, kanino kami pupunta?" (Juan 6:68) dahil "walang Diyos maliban sa isa" (1 Corinto 8:4). Hindi dahilan ang kasalanan o kahinaan ng mga myembro ng Simbahan para pagdudahan, salungatin, at itakwil natin ito. Hindi ito lipunan ng mga taong hindi marunong magkamali, at kahit na umalis ka dito at bumalik, hindi pa rin mababawasan o madadagdagan ang mga perpektong tao dito dahil tulad mo, ang mga nandito ay may kanya-kanyang antas ng kahinaan.

Dapat ipako natin ang paningin sa mga turo ng Simbahan, sa halip na sa mga bagay na hindi nasusunod ng mga myembro nito. Titigan natin ang kasaysayan ng mga taong tinanghal na kagalang-galang, pinagpala, at banal, sa halip na ubusin ang oras, lakas, at diwa ng pag-asa sa pamimintas sa kakulangan ng iba. Tayo ay mga handog sa loob ng templo na bagamat may karumihan ay walang kakayahang dungisan ang altar. Ang altar na ito ang dumadalisay sa atin, at hindi tayo o sinuman ang makapagpaparumi dito. Kahit ano pa ang kahinaan ng mga namumuno sa Simbahan, hindi nito mababago ang katotohanan na ang boses ng Simbahan ay ang boses ng Diyos. Kaya nagbabala si Jesus tungkol dito: “Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang di-tumatanggap sa inyo ay di-tumatanggap sa akin” (Lucas 10:16). Hindi natin ito pwedeng pasinungalingan dahil lang ayaw nating sumang-ayon sa turo, pamantayan, at disiplina ng Simbahan.

“Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan” (Roma 13:1).

Sa pangkalahatan, ang gobyerno ay ibinigay ng Diyos para sa ikabubuti ng tao. Ito ang namamahala sa pagpapatakbo ng isang bansa o bayan, sa paggawa at pagpapatupad ng batas, sa kaban ng yaman, at sa mga pangangailangan ng komunidad. Ang pagpapasakop sa pamahalaan ay pakikiisa sa layunin nitong tulungan ang bawat mamamayan na maging produktibo at mabuting kasapi ng lipunan. Kaya nga, kung pinoprotektahan ng Estado ang kalayaang pangrelihiyon, itinuturo naman ng Simbahan ang paggalang sa pamahalaan dahil ito ang kalooban ng Diyos.

“Wala kang anumang kapangyarihan sa akin kung hindi ito ibinigay sa iyo mula sa itaas” (Juan 19:11).

Bagamat ang pamahalaan ay may kapangyarihan sa mga nasasakupan nito, ang kapangyarihang ito ay hindi ganap at hindi nagmumula sa sarili. Ang Saligang Batas ng Pilipinas ay kumikilala sa katotohanang ito at ipinahahayag nito sa panimulang bahagi: “Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos…” Kinikilala nito ang katotohanan na ang kapangyarihan ng Estado ay nagmumula sa Diyos at hindi ito dapat gamitin para para labagin ang batas ng Diyos mismo.

“Kayo na ang humatol kung ano ang tama sa paningin ng Diyos: ang sumunod sa inyo o sumunod sa Diyos?” (Gawa 4:19)

Makikita natin sa kasaysayan na may mga pagkakataong nakakalimutan ng gobyerno ang pinagmulan at tungkulin nito, kung kaya minsan ay ang Diyos mismo ang kanilang kinakalaban. Sa ganitong mga pagkakataon, magiging kasalanan para sa ating mga Cristiano ang pag-ayon sa pamahalaan dahil nangangahulugan ito ng pagsalungat sa Diyos.

“Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita at narinig” (Gawa 4:20).

Tungkulin ng bawat tao na magsabi ng totoo at mamuhay sa katotohanan. Misyon naman ng Simbahan na ipahayag ang tinanggap nitong katotohanan, at tutulan, salungatin, at itama ang anumang kasinungalingan tungkol sa Diyos, sa tao, at sa relasyon ng tao sa Diyos. Ang pananahimik sa gitna ng mga kasinungalingan ay pagtataksil sa tungkuling iniatang ni Jesus na ipangaral ang katotohanan at palayain ang mundo sa pamamagitan nito. Sa liwanag ng Espiritu Santo at ng dalawang-libong taong karunungan ng Simbahan, nakikita natin ang malaking kasinungalingan sa likod ng mapalamuting mga pananalita ng RH Bill. Madali nitong napapaniwala ang karamihan dahil hindi madaling makita ang mga panlilinlang nito. “Pero taglay natin ang isip ni Cristo” (1 Co 2:16) kaya nakikilala natin ang katotohanan at ang kabaligtaran nito saanman natin ito masalubong. Ang pagsalungat at pagbibigay-babala laban sa ganitong panlilinlang at kapahamakan ay pananagutan natin sa Diyos at sa ating kapwa. Kahit ang Cristianong walang kakayahang gamitin ang pisikal na dila para magsalita ay hindi pinapayagang manahimik sa ganitong pagkakataon.

“Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoon” (Genesis 3:1).

Sa huli, dapat mag-ingat ang bawat Cristiano laban sa maling akala na siya ay sapat na sa kanyang sarili. Mas tuso si Satanas kaysa sa sinumang tao dito sa lupa. Ang pagkahulog nina Adan at Eba sa bitag ng Masama ay larawan ng sarili nating pagkahulog. Walang sinuman ang maaaring magsabing, “Kung ako ang unang tao, hindi ako malilinlang ng ahas ,” dahil hindi ito totoo. Si Satanas ang dating Lucifer (tagapagdala ng liwanag) kaya taglay niya ang napakataas na antas ng kaalaman at talino na ngayon ay ginagamit niya para ipahamak ang lahat ng taong pwede niyang linlangin. (Magtataka ka pa ba na maraming "matatalino" ang manloloko?) Hindi dapat akalain ninuman na kaya niyang pagtagumpayan ang Masama sa sarili niyang lakas at kakayahan. “Kaya mag-ingat ang may akalang matatag na siya, at baka madapa” (1 Corinto 10:12). “Si Cristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi” (1 Corinto 12:12), hindi dapat ihiwalay ng isang mananampalataya ang kanyang sarili dito. Kailangan ng bawat Katoliko ang karunungan at lakas ng buong Simbahan. Ang pagsalungat, at lalo na ang pagtuligsa, sa mga turo nito ay tanda ng siguradong kamalian.

Monday, May 2, 2011

Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa RH Bill

  1. Ang salitang "reproductive health" ay binigyan ng pangkalahatang pakahulugan ng United Nations, at deretsahang sinasabi ng Amerika na kasama sa reproductive healthcare ang aborsyon. Kaya saanman sa mundo may batas na sumusuporta sa "reproductive healthcare" ng UN, hindi maihihiwalay dito ang aborsyon.
     
  2. Ang konsepto at pagsasabatas ng reproductive healthcare, ayon sa pakahulugan ng RH Bill, ay labag sa Saligang Batas ng Pilipinas, unang-una na dahil ilegal ang aborsyon sa ating bansa. Pero hindi pa yun dun natatapos.
     
  3. Desperado ang mga sumulat ng bersyon ng RH Bill para sa Pilipinas kaya hindi sila nagdalawang-isip na labagin ang karapatan ng mga pamilya at mga samahang pampamilya na makibahagi sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya na may kinalaman sa kanila. Tungkulin ng Estado na ang karapatang ito ay ipagtanggol (Art XV, Sec 3, Par 4 of Constitution). Hindi rin sila natakot na matawag na maka-komunista sa pagpapanukala ng batas na lalabag sa kalayaan ng pananalita at pagpapahayag na pinoprotektahan ng Saligang Batas (Art III, Sec 4).
     
  4. Ang Reproductive Health Bill ay hindi tungkol sa reproduction kundi sa pagsugpo dito. Ang pangunahing layunin nito ay pigilan ang pagdadalantao ninuman hanggang maaari; kumbinsihin ang lahat na ang "tamang bilang" ng anak ay dalawa sa bawat mag-asawa (o partners); at doktrinahan ang mga susunod na henerasyon mula sa Grade 5 hanggang fourth year sa high school para mawala na sa kamalayan ng mga susunod na dalawa hanggang tatlong henerasyon ang ideya ng malaking pamilya, at tuluyan na itong maging "imoral" sa paningin ng lipunan. Mind conditioning at brainwashing ang laro ng RH Bill.
     
  5. Ang Reproductive Health Bill ay hindi tungkol sa health. Wala itong pakialam sa anumang panandalian at pangmatagalang panganib ng mga kontraseptibong pamamaraan na isinusulong nito. Kahit ano pa ang sapitin ng mga babae at mga sanggol sa sinapupunan, ang mahalaga sa mga may-akda ay magkaroon ng patuloy na pagbili ng mga contraceptive dahil ito ay tungkol sa "budget". Sa halip na ang libre, ligtas, at epektibong Billing's Ovulation Method na kinikilala ng World Health Organization ang isulong ng RH Bill, ipinagpipilitan nito ang mapanganib, hindi laging epektibo, maaaring makamatay, at may bayad na contraceptives. Bakit kaya?
     
  6. Ang Reproductive Health Bill ay hindi tungkol sa reproduction at hindi rin tungkol sa health; ito ay tungkol sa bill -- sa perang magpapatupad dito. Tungkol ito sa billions of peso bill.
     
  7. Ang idealismo ng pagkakaroon ng dalawang anak lamang sa bawat tahanan ay lumalabag sa autonomiya ng pamilya, at sa karapatan nitong mabuo nang naaayon sa kanilang paniniwalang pangrelihiyon (Art XV, Sec 3, Par 1). Sa pamamagitan ng RH Bill, ang gobyerno ay magiging tagakumbinsi ng mamamayan na ang pagkakaroon ng higit sa dalawang anak ay nangangahulugan ng hindi pakikiisa sa layunin ng pamahalaan na paunlarin ang bansa. Dahil dito, ang pamilyang mayroong higit sa apat na myembro ay maituturing na pabigat sa lipunan.
     
  8. Tungkulin ng Estado na tulungan ang pamilyang Filipino na patatagin ang pagsasama at pagiging buo nito (Art XV, Sec 1), pero sa kabaligtaran, gusto itong wasakin ng RH Bill sa pamamagitan ng pagsasabing ang mga magulang ay walang pakialam sa mga usapin at desisyong sekswal ng kanilang mga anak, kahit pa ang mga ito ay menor de edad; at ang mag-asawa ay walang pakialam sa isa't isa pagdating sa mga usaping reproduktibo at kontraseptibo. Hinahamak nito ang konsepto ng conjugal decision making, parental consent, at family decision.

  9. Ang promosyon ng contraceptives, lalo pa kung ito ay inisyatibo ng pamahalaan, ay lumalabag sa karapatan ng ina at ng sanggol na maipagtanggol ng Estado ang kanilang buhay at kalusugan (Art II, Sec 12). Alam ng mga doktor na ang ilang mga kontraseptibo ay maaaring magdulot ng malubhang mga kondisyon sa babae, at inamin mismo ng Philippine Medical Association na ang birth control pill at ang IUD ay maaaring maging sanhi ng aborsyon. Sa kabila nito, ang mga tagapagsulong ng RH Bill ay hindi nagpapakita na anumang pakialam.

  10. Ipinagpipilitan ng mga tagapagsulong ng RH Bill na ang Simbahan ay nakikialam sa usaping pang-Estado dahil sa mariin nitong pagtutol sa panukalang batas, pero hindi nila binabato ng parehong bintang ang mga relihiyon at sektang umaayon sa kanila tulad ng INC at ibang mga Protestante.

  11. Layunin ng mga sumulat ng RH Bill na agawin mula sa mga magulang ang tungkulin at karapatang magturo sa mga anak ng tungkol sa moralidad ng mga sekswal na gawain; at agawin mula sa Simbahan ang nasasakupan ng relihiyon tulad ng paghubog ng konsensya.

  12. Ang RH Bill ay may dalawang mukha na nagpapahayag ng pagsasalungatan.
    Halimbawa: [1] Sinasabing ito ay pro-choice...pero layunin nitong pilitin ang mga manggagamot na labagin ang kanilang konsensya at sinumpaang tungkulin; ang mga magulang na isuko sa Estado ang kanilang mga karapatan; ang mga amo na ipagwalang-bahala ang kanilang mga paniniwala; ang mga estudyante na paniwalaan ang mga bagay na salungat sa kanilang kinamulatan; ang Simbahan na huwag gawin ang kanyang misyon; ang lahat ng mamamayan na manahimik sa kabila ng naghihimagsik na kalooban; at ang mga sanggol sa sinapupunan na huwag nang ituloy ang buhay. [2] Sinasabi ng RH Bill na kung inaakala ng isang doktor na ang ipinagagawa sa kanya ay masama, pwede niya itong tanggihan basta maghahanap siya ng ibang doktor na gagawa nito para sa kanya. Ibig sabihin, kung pinagnanakaw ka, pwede mong hindi gawin basta siguruhin mong may ibang magnanakaw para sa iyo. [3] Sinasabing ito ay makatutulong sa pagliit ng bilang ng mga kaso ng aborsyon... pero kasama sa mga programa nito ang promosyon ng paggamit ng mga kontraseptibong maaaring maging sanhi ng aborsyon. [4] Isinusulong daw ng RH Bill nang walang diskriminasyon kapwa ang natural family planning at ang artificial contraception...pero bilyong piso ang itinatakda nito para sa mga kontraseptibo, at halos dito na umiikot ang buod ng panukala, samantalang ang NFP ay binanggit lamang para sa paimbabaw na pagpapakita ng balanse o ng tinatawag nilang "choice".

  13. Ang RH Bill ay hindi tungkol sa responsible parenthood kundi sa paggawa ng anumang posibleng paraan para takasan ang natural na konsikwensya ng isang akto. Ito ay tulad ng pagsasabing, "Ang responsableng estudyante ay hindi nagpapahuli pag nangongopya." Sinasabi nitong mas responsable ang pagiging tapat, PERO kung hindi maiiwasang mandaya, huwag na lang magpapahuli. Ayon sa RH Bill, "Pinakamabuting solusyon ang pagpipigil sa sarili, pero kung hindi kayang pigilan ang sarili, basta huwag mabubuntis."

    Kailan pa naging katanggap-tanggap na dahilan ang kawalan ng kakayahang pigilan ang sarili? Ganito ba talaga kababa ang pagtingin nila sa tao? Maaabswelto ba ang isang rapist sa dahilang hindi niya napigilan ang sarili?

  14. Ang RH Bill ay mapanghimasok, walang respeto sa autonomiya ng pamilya, at maka-komunista. Pinanghihimasukan nito ang pagiging magulang; di kinikilala ang karapatan ng pamilya na magpasya nang walang anumang hindi imbitadong impluwensya mula sa gobyerno; at ipinipilit nang may kasamang pananakot ang mga desisyon na hindi dapat sinasakupan at pinakikialaman ng Estado.

  15. Ang RH Bill ang totoong lumalabag sa "separation of Church and State," dahil tinatangka nitong ibigay sa Estado ang gawaing dapat ay sa Simbahan.

  16. Binabalewala ng mga tagapagsulong ng RH Bill ang sinasabi ng maraming mga ekonomista, doktor, psychologist, bioethicist, mga relihiyoso, mga pilosopo, at iba pang mga eksperto tungkol sa kamalian ng panukala. Nakalimutan ng mga mambabatas na hindi nila karapatan at tungkulin na ipagpilitan ang mga panukalang tinututulan ng mga mas nakauunawa kaysa sa kanila.

  17. Ang sumulat ng RH Bill ay mga banyaga kaya wala itong paggalang sa maka-Pilipinong pagpapahalaga. Nagkataon lang na ilegal ang aborsyon sa Pilipinas kaya hindi nila ito hayagang isinama sa panukala, pero ang parehong mga may-akda nito ay naniniwala sa "pangangailangan" ng aborsyon. Ang paborito nilang laro ay "political/legal manipulation" at "propaganda".

  18. Inampon ng RH Bill ang kasinungalingang medikal na nagsasabing ang "conception" ay tumutukoy sa proseso kung saan ang embryo ay kumakapit sa matres (implantation), at hindi sa oras ng pagtatagpo ng sperm cell at egg cell (fertilization). Ginawa nila ito upang pasinungalingan na ang birth control pill at ang IUD ay pumapatay ng tao sa pamamagitan ng aborsyon.

Saturday, April 9, 2011

Do The Filipino Freethinkers Think?

Since the day the Philippine media made a sensation of the word “excommunication”, advocates of the Reproductive Health Bill did not stop running some propaganda making gullible people believe that the Church is threatening and blackmailing them, and that the bishops are against responsible parenthood and family planning. This deception easily got into the minds of those who do not understand the issue, and that exposed their real attitude regarding the Faith.

The first question is, “Do, and did, any Filipino bishop threaten any proponent of the RH Bill of excommunication?” In a September 2010 interview, Bishop Nereo Odchimar said that there is "a possibility" that the Catholic Church would excommunicate President Benigno Aquino if he continues in his intent to distribute contraceptives. When asked by the interviewer about the possibility, the bishop replied, “That is a possibility, but I don’t see right now that it is a proximate possibility.” Odchimar did not initiate the topic; he just answered the question truthfully according to the conditions laid by the Church. The CBCP is actually reluctant to talk about excommunication, since the Constitution alone is enough to make Noynoy realize the unlawfulness of the provisions of the RH Bill, and the bishops are confident that there will be no need for a religious sanction. The president of the Conference said in the same interview, “We don’t want to be confrontational. We want a dialogue.”

These people who use Bishop Odchimar’s statement against the Church are the ones whom the Apostle Peter warned us about: “Be sober and alert because your enemy the devil prowls about like a roaring lion seeking someone to devour.” Not that they are necessarily evil, but the devil caught them in his trap and uses them to mislead the faithful.

Image: http://en.wikipedia.org/wiki/
Now, the so-called Filipino Freethinkers have a campaign entitled, “Excommunicate Me”, trying to convince themselves and others that they are patriotic – like Rizal -- and that the Church is against love of one’s country. Their intention and their message are flawed, though. Jose Rizal is not an enemy of the Church. What he had fought against are the abusive friars and civil officials of his time, and not the Holy Church or her laws and doctrines. In his novel entitled, “Noli Me Tangere” (The Social Cancer), he even made a character who was wrongly accused of being an enemy of the Church, a heretic. That person is Don Rafael Ibarra, the father of Crisostomo.

Don Rafael represents those people who were punished because of wrong religious and civil accusations, and that include Rizal himself. His character does not imply that to be a good Filipino means to be anti-Church; it is rather the contrary. To love God is to love one’s country, as the interpretation of the Fourth Commandment expressed. Don Rafael portrays a patriot and a faithful in its correct sense.

These Freethinkers, on the other hand, are antagonistic to the Church because they cannot reconcile themselves with its way of thinking. What is strange, though, is the fact that they profess being members of the same Church and yet they do not understand where it is coming from, what its mission is, and who is its Lord. For if they know the mission of the Church, and who it is serving, they will see why it is opposing the passing of the Reproductive Health Bill. But as their name Freethinkers connotes, they really do not believe anything that they cannot comprehend; and they are having difficulty to arrive at truth because of the very same fact that they are professed freethinkers – a status that is incompatible with being a faithful Catholic.

Quoted below is the so-called Manifesto in Support of Choice signed by the Filipino Freethinkers on November 26, 2010 while they were holding their "Excommunication Party".

Tonight, we advocates of social justice and free and informed choice, come together in an expression of solidarity towards the passage of the Reproductive Health Bill.
Whereas
the Catholic Bishops Conference of the Philippines has repeatedly imposed its agenda upon the government, in clear violation of the principle of the separation of Church and State;
Whereas
the CBCP has threatened to withdraw its support of politicians and legislators who endorse the Reproductive Health Bill;
Whereas
the CBCP and its allies consider Catholics who support the Reproductive Health Bill as “oxymorons”, “dissidents”, and “not real Catholics”;
Whereas
the CBCP and its allies equate the Reproductive Health Bill to abortion, when nothing in its provisions promotes such;
Whereas
the CBCP and its allies have knowingly and wilfully disseminated misinformation in their attempt to stop the passage of the Reproductive Health Bill by sowing fear, uncertainty and doubt among its constituents;
Whereas
the Catholic Church has continued to uphold edicts and dogma that result in bigotry, human suffering and loss of life;
And whereas
legislators who support the Reproductive Health Bill have remained stalwart in their efforts to combat bigotry, human suffering and loss of life, despite the Catholic church’s threat of excommunication;
We hereby declare
that if supporting the Reproductive Health Bill means excommunication…
Then excommunicate me!

Now, what about “Excommunicate Me”? That is an absurd and ignorant statement if you will ask me. No thinking being, whether human, angel or demon, can correctly express such a “request”. To be excommunicated means to be excluded from a society. Everyone’s membership to any society is voluntary – at least, the enjoyment of it, and not necessarily the way they entered. The willful intention to leave that fellowship does not need a punishment to be realized. Nobody, in his right mind, will do a grave crime worthy of exile, just because he wants to leave his country. Therefore, for someone to challenge the government to exile him is talking outside the context. He could just leave the country anytime he wants without the need of putting himself to shame.
We hereby declare that if supporting the Reproductive Health Bill means excommunication…
Then excommunicate me!
They should have just said, "Then so be it." But this group wants something else. They want attention. They want to be identified with Jose Rizal, as if he would think and do the same. They want to give the impression that supporting the RH Bill is being patriotic, and that to be a good Filipino means defending it. Finally, they want to discredit the Church. But would Rizal promote the idea that the government should supply condoms, pills, IUDs, etc. to couples, whether married or not, and to the youth, who have not yet even reached the right age? Would he condone behaviors such us being disrespectful to parents and to the authorities? Would he counsel the parents to give up their rights to teach their children, and would he tell them that it is alright to disregard each other’s decisions? Would he define the word “responsible” as “being able to manipulate the natural consequence of an action so that one would be able to do everything as he wishes, and for the sake of convenience”?

I have three suggestions for these people. First, that they renounce either their identity as freethinkers or their identity as Catholics, instead of confusing the rest of the faithful whether it is really possible to be like them and be a good disciple of Jesus. And if they would say that they are atheists, then again, it is absurd to say, "Excommunicate me." Second, that they give their campaign a theme that is not ignorant in nature and appearance such as this one I am talking about. Third, if you really want to be heroes of this country, stop supporting a foreign policy that attempts to bring a foreign culture, and wants to enrich some foreign contraceptives and abortion companies and organizations such as Planned Parenthood and Lucile Packard. Of course, corruption is another story.

Sunday, April 3, 2011

Ang Pagbabalik ng mga Prayle

Nakita ko sa dalawang Facebook pages ang parehong "pasted comment" na ito kaya pareho kong iniwanan ng sagot. Sa ibaba ay ang buong teksto:

NO to RH Bill, NO to Culture of Death
Anti RH Bill
Bet Dapapac:
"Ang Pilipinas Ngayon..."
-Ikalabingapat na Yugto: Ang Pagbabalik ng mga Prayle...
Simula po nung maliit ako, hinubog po ako ng aking ama at ina na lumaki bilang isang mabuting Kristyano at anak ng Diyos. Sa awa ng Diyos ay nadala ko po yun sa aking paglaki hanggang sa ngayon.
...
Kasabay nun ay tinuruan din nila ako at hinubog bilang isang maging mabuting mamamayan at isang mabuting Pilipino. Katulad sa unang itinuro sakin ay nadala ko rin po yun sa aking paglaki.
Tinuro rin po sa akin, ang isang napakahalagang bagay na kailanman ay dapat kong isaisip at tandaan. Ang huwag manghimasok sa buhay ng ibang tao, at makialam ng pag-aari o kaya ng buhay ng iba.
Ito pong ginagawang mga hakbangin ng Simbahang Katolika sa ating bansa ukol sa pagtuligsa sa RH Bill o ang Responsible Parenthood Act ay naririnig, nababasa at napapanood na natin sa mga pahayagan, radyo at telebisyon sa loob ng mahigit na isang taon na mula nang gumulong ang panukalang batas na ito sa Konggreso. At kung anu-ano na po ang ibinabatong mga maaanghang na komento at debate ng magkabilang panig ukol sa Isyu na ito.

Kung sa bagay, may karapatan po ang mga kaparian at ang Simbahan na magpahayag ng damdamin at saloobin ukol sa mga nagaganap sa bansa natin, bilang isang mabuti at nagmamalasakit na mamamayan ng Pilipinas.At bilang isang alagad ng Diyos, karapatan din po nilang magpahayag ng mga bagay, alang-alang sa ikabubuti na rin ng mga mamamayan bilang isang mabuting Kristyano at anak ng Diyos.
Pero, ibang usapan na po yata kung ang mga kaparian po natin at ang Simbahan ay nanghihimasok na sa mga aktibidades ng pamahalaan po natin, na alam naman po nating lahat na ang mga kawani ng pamahalaan po lamang ang maaring makialam. Kasi po sa ginagawang aksyon ng mga taong ito, ay tila nakakalimutan na po yata nila na may napakanipis na linyang naghahati sa Simbahan at sa pamahalaan...Na kung lalagpas po sila sa linyang yun, eh maliwanag na paglabag po yun sa karapatan ng kabilang panig.

ARTICLE 2 SECTION 6; or Seperation of the Church and State...Yan po ang nakapaloob sa ating Saligang Batas.Nasasaad po dito na WALANG ANUMANG KARAPATAN;ni DI MAARING PANGHIMASUKAN NG SIMBAHAN O KAHIT ANUMANG KASAPI NG SIMBAHAN ang buhay o anumang desisyon aktibidades o hakbangin ng isang indibidwal o ng mismong pamahalaan.
Ayon nga po sa isang lumang kasabihan na nanggaling sa mga Romano:
"Render unto Ceasar the things that are Ceasar's and unto God and the things that are God's..."
Kung anuman po ang pag-aari ni Sesar ay kay Sesar.At kung anumang pag-aari ng mga Diyos ay sa mga Diyos...
Ang Juan ay kay Juan...Ang kay Pedro ay kay Pedro...Napakalinaw naman po ng nakasulat sa Konstitusyon po natin.Maari pong magkomento at magbigay ng sariling pananaw ang Simbahang Katolika ukol sa RH Bill na yan,PERO DI SILA KAILANMAN PWEDENG MAKIALAM!!WALANG KARAPATAN NA PANGHIMASUKAN NG MGA DAMUHONG YAN ANG KUNG ANUMANG SINUSUONG NG PAMAHALAAN PARA SA MGA MAMAMAYAN!!
Eh sa mga ginagawa po ng mga taong ito na nasa Simbahan eh, malinaw na paglabag na tinadhana ng Saligang Batas itong mga ginagawa nila eh! Kung tutuusin, pwede na silang kasuhan ng gobyerno sa mga ginagawa nila eh! Kasi kahit mismong mga mamamayan eh bini-brainwash na rin po nila ukol po sa batas na ito. Kahit na sabihin pa po ninyong mga pari na sakop ng inyong parokya ang mga taong ito at kusang loob po nila ang pakikilahok nila sa ginagawa ninyo, eh labag pa rin po sa batas yan. Eh mamamayan ng Pilipinas yan eh!
Ako po pinanganak po akong Katoliko. At bilang isang Katoliko, obligasyon ko pong sumunod sa mga utos at sakramentong nilaan po ng Diyos sa akin. Pilipino rin po ako,at obligasyon ko po bilang Pilipino na pangalagaan ang mga mamamayan at ang bansang nagpalaki at nag-aruga po sa akin.
Pero kung ang mga pinuno naman ng kahit alinman sa dalawang mahalagang sangay ng lipunan na ito ang siyang dahilan upang masira ang sangay na ito,ako bilang isang indibidwal ang gagawa ng hakbang upang tuligsain ang mali at bugtot nilang ginagawa.At ngayon bilang isang Pilipino at mamamayan ng bansang ito,obligasyon ko pong ipagtanggol ang mga mamamayan,kinabukasan at kaunlaran ng aking bansa laban sa mga taong gustong diktahan ang ginagawang pamamalakad ng pamahalaan,gayong alam naman po natin na di tama.
Kahit na kapalit po nito ay ang aking pagiging Kristyano o Katoliko.
Sa palagay ko po, dahil sa panukalang batas na ito ay tila bumabalik nanaman po ang panahon ng mga Prayle nung panahon ng Kastila.Kung saan dinidiktahan po nila ang kung anumang gawin ng pamahalaan.Kasi di nalalayo ang ginagawa ng Simbahang Katolika ngayon sa mga Prayleng Kastila noon eh.Kesyo tinatakot ang mga mambabatas na susuporta sa RH Bill,gagawing ex-komunikado ang lahat ng magpapahayag ng suporta dito,kesyo hihingi ng panawagan sa lahat ng mamamayan na gumawa ng public disobedience.
Baka po nakakalimutan nila na matagal nang tapos ang paghahari ng simbahan!Yan pa nga ang dahilan kung bakit nag-alsa sila Francisco Dagohoy,Diego Silang,Andres Bonifacio at iba pa pong mga bayani natin dahil sa paghahari-harian ng mga Prayle nung panahon ng Kastila eh.Eh ngayon pong nanghihimasok nanaman po kayo sa sinusulong na RH Bill sa konggreso,eh baka gusto po nyo pong maulit nanaman sa inyo yung nangyaring senaryo nung panahon ng himagsikan?
Sige po kayo.Kapag napuno ang mga mamamayan sa mga pinaggagawa ninyo ay baka mag-alsa din po ang mga yan.At baka yan din po ang ikabagsak nyo at wala nang maniwala sa mga sinasabi ninyo.
Payo ko naman po sa gobyerno,lalo na po sa mga mambabatas natin na nagsusulong ng batas na ito na dapat banatan nyo rin po ang mga ito na pilit na pinapakelaman ang inyo pong trabaho.Di po ba?Para patas naman po.
Sabihin nyo rin po sa mga paring yan na imbis na pakelaman po kayong mga mambabatas sa trabaho ninyo,eh asikasuhin na lamang po nila yung bumabagsak na moralidad na mga Pilipino.Pati na rin po yung kaliwat kanang pagbubuntis ng mga kabataan na pabata ng pabata.At kaysa makisali sila dito sa isyu na ito,ay magturo na lang po sila ng mga aral at salita ng Diyos.Lalung lalo na po eh,sunud sunod ang mga kalamidad at kaguluhan na nagaganap sa mundo,eh di hamak na maskelangan naman po ng mga tao iyon di ba?
Tama na po ang minsang pakikilahok at pakikipapel ng mga kaparian po natin at ng mismong Simbahan sa pamahalaan nung nagdaang EDSA uno at EDSA dos.Alam na po natin kung ano ang naging resulta ng ginawa ninyong hakbang.At sa tingin po namin,bilang mamamayan eh dapat sana yun na po ang huli.Hayaan nyo naman pong ang pamahalaan ang gumawa ng hakbangin para sa ikauunlad ng ating bayan.
At panghuli...Isang payak ngunit makabuluhang pangungusap lamang po ang iniiwan ko sa mga kaparian,obispo at lalo n po sa arhobispo po natin na hango po sa salitang Inggles.Madalas pong gamitin ang pangungusap na ito.Lalo na po sa mga tao na madalas panghimasukan at pekialaman ang kanilang mga gawain at higit po sa lahat,ang kanilang personal na buhay.

"MIND YOUR OWN BUSINESS..." uulitin ko po..."MIND YOUR OWN BUSINESS..."

Sa mga kaparian po natin...Madali naman po sigurong maintindihan yun ano??
Narito ang mga orihinal kong tugon na makikita sa mga nabanggit na page:
Comment 1:
Bilang "Katoliko" at bilang mamamayang Filipino, hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo. Bilang Katoliko, dapat alam mo na ang Simbahan ay itinatag ni Cristo at nagmula sa Diyos. Dapat alam mo na sa usapin ng moralidad at pananampalataya, ang turo ng Simbahan ay walang pagkakamali ayon na rin sa pangako ng kanyang Panginoon: "Hindi magtatagumpay dito kahit na ang pintuan ng impyerno." Dapat alam mo na ang aksyon ng ilang mambabatas (hindi ng pamahalaan, dahil ang mga mambabatas ay hindi ang pamahalaan) tungkol sa RH Bill ay may implikasyong moral. Hindi lang basta karapatan ng Simbahan ang makialam sa mga usaping moral ng bansa at ng mundo, ito ay kanyang misyon: "Pakasumpain ako kung hindi ko ipahahayag ang Ebanghelyo." Yan ang hatol ng Simbahan sa sarili kung mananahimik siya sa usaping lumalabag sa kalooban ng Diyos. "Kayo mismo ang humatol kung matuwid sa paningin ng Diyos ang sumunod sa inyo at hindi sa Diyos. Hindi namin puwedeng hindi ipahayag ang aming nakita at narinig." Kaya sinasabi ni Sta. Catalina ng Siena, "Nakikita kong ang mundo ay bulok dahil sa pananahimik." At totoo rin ang kasabihang, "All that is required for evil to prevail is for good men to do nothing." Kung hindi magsasalita ang Simbahan (ang Simbahan ay tumutukoy sa buong sambayanang Cristiano -- at dapat sana ay kasama ka dun), nagpapakita siya ng katrayduran sa kanyang relasyon kay Cristo. Nagbabala si Jesus, "Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi nagtitipong kasama ko ay nagpapangalat." Wala sa bokabularyo ng mga Cristiano ang kawalan ng pakialam. Either you stand for or you stand against. Sa mga nagsasabing mananahimik na lang sila at inuudyukan pa ang iba na manahimik, ito ang hatol ng Diyos: "Higit na mabuti kung malamig o mainit ka. Ngunit maligamgam ka at hindi malamig ni mainit, kaya isusuka kita sa aking bibig." Ang mga duwag ay nakatakda sa ikalawang kamatayan. Kaya sa halip na sabihin mo sa ibang tao na manahimik, panindigan mo na lang at ipagtanggol ang ipinaglalaban mo, baka sakaling ikabuti mo pa, but don't ask anyone to shut up and stop fighting for what they stand for.
Bilang Filipino, dapat mong unawain kung bakit naging bahagi ng kasaysayan ang People Power Revolution. Kung may sapat na isip ka na nung panahong iyon, dapat ay nakilala mo ang katotohanan na ang bansa ay naglakbay mula sa impyerno papunta sa purgatoryo. Hindi perpekto ang bansang ito at ang mga tao, at hindi kailanman magiging, pero ang desperasyon at pagkakaroon ng pag-asa at mapanghahawakang pangarap ay magkaibang bagay. Ang diktaturya ay maka-komunistang pamamahala lalo na kung hindi mabuti ang pagkatao ng mga nasa kapangyarihan. Wala nga tayo sa langit, pero wala na rin tayo sa impyerno; at ito ay dahil sa pakikialam ng Simbahan. Dahil din sa tulong ni John Paul the Great kaya gumuho ang komunismo sa ilang bansa na matagal nang umaalipin sa mga mamamayan. Bilang Filipino ay dapat nauuna ka sa pagtutol sa RH Bill dahil sa maka-komunistang probisyon nito. Bilang Filipino, dapat ay naiintindihan mo na tayo ay nasa bansa kung saan ang pamahalaan ay ang tao -- hindi ang mga mambabatas -- at ang tungkulin ng Estado ay katawanin at ipagtanggol ang karapatan ng bawat mamamayan mula sa sinapupunan hanggang sa libingan. Dapat mong maintindihan na ang RH Bill ay isang panukalang nagtatangkang labagin nang paulit-ulit ang Batas na saligan ng karapatan ng lahat ng mamamayan.
Bilang Cristiano at bilang Filipino, dapat mong maintindihan na ang paboritong bahagi ng mga tagapagsulong ng RH Bill na "Separation of Church and State" ay hindi naglalayong pagbawalan ang bibig ng Simbahan na magsalita tungkol sa Estado o ang bibig ng Estado na magsalita tungkol sa Simbahan. Hindi dapat kalimutan ng mga kapanalig mo na ang bumalangkas ng Saligang Batas ng Pilipinas ay kapwa mga sekular at mga relihiyoso -- hindi mga taong walang pakialam sa isa't isa kundi nagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba.
Comment 2:
Ang pagsasabing walang karapatan ang Simbahan sa kung ano ang gagawin ng pamahalaan ay tulad na rin ng pagsasabing walang kinalaman ang moralidad -- ang pagiging tama o mali -- sa mga gawaing ito. Nangangahulugan din na ang mga nasa pamahalaan ay walang sense of morality at walang konsensya, because the Church is appealing to the conscience; hindi nito dinidiktahan ang sinuman sa gobyerno, sa halip ay ipinapaalala sa kanila na sila ay mga tao, iniluklok ng mga tao para sa kapakanan ng mga tao.
Comment 3:
‎"Sa palagay ko po,dahil sa panukalang batas na ito ay tila bumabalik nanaman po ang panahon ng mga Prayle nung panahon ng Kastila."
Tama ka. Kinitil ng mga opisyal at mga prayle ng Espanya noon ang kalayaan ng mga tao para magsalita at ipagtanggol ang pinaniniwalaan nilang makakabuti sa kanila, at pinarusahan ang sinumang magsasalita laban sa kanilang mga polisiya. Kaya ang taong bayan, sa pamumuno ng mga bayani, ay naghimagsik at nagtagumpay -- hindi sila nanahimik at nagsawalang-kibo.
Ito ang pagkakaiba: Tanging ang mga mambabatas at nasa pamahalaan na lang ang nagtatangkang kumitil sa kalayaan ng mga mamamayan para magsalita at ipagtanggol ang pinaniniwalaan nilang makakabuti sa kanila, at sila lang ang nagtatangkang parusahan ang sinumang magsasalita laban sa kanilang mga polisiya. Kaya ang taong bayan, sa pamumuno ng mga obispo, mga pari, mga relihiyoso, at lahat ng may takot sa Diyos, ay naghihimagsik at magtatagumpay -- hindi sila nananahimik at nagsasawalang-kibo. Kung ikaw ay Katoliko, subukan mong ikumpara ang RH Bill at ang mga turo ng Simbahan, at hatulan mo kung alin ang kumikilala sa tunay na dignidad at halaga ng tao bilang indibidwal at bilang malayang nilalang.
Comment 4:
"MIND YOUR OWN BUSINESS..." uulitin ko po..."MIND YOUR OWN BUSINESS..."

Let me educate you, then, about your being Christian and about the Church: Mind is your business. Mind is also the Church's business. So to mind their business means to work with your mind -- with everybody's mind.
"Don’t let yourselves be shaped by the world where you live, but rather be transformed through the renewal of your mind. You must discern the will of God: what is good, what pleases, what is perfect." - St. Paul
Uulitin ko, "MIND IS THEIR BUSINESS."
Sa ibaba ay mga karagdagang komento para sa mas ikalilinaw ng usaping ito:
Bet Dapapac:
“Simula po nung maliit ako, hinubog po ako ng aking ama at ina na lumaki bilang isang mabuting Kristyano at anak ng Diyos. Sa awa ng Diyos ay nadala ko po yun sa aking paglaki hanggang sa ngayon.”
Hindi ito ang ipinapakita ng sarili mong mga salita. Ang isang mabuting Cristiano ay tapat sa kanyang pananampalatayang Cristiano hanggang sa huli, pero ngayon pa lang ay sinasabi mo nang handa ka itong talikuran kapalit ng pagiging makabayan: “Kahit na kapalit po nito ay ang aking pagiging Kristyano o Katoliko.” Kung talagang naiintindihan at sinusundan mo ang mga aral ng Simbahan, malalaman mong ang pagiging mamamayan ng Langit ay laging higit sa pagiging mamamayan ng anumang bansa sa mundo; at kailanman na magkaroon ng hidwaan sa pag-itan nito, hindi na kailangang magdalawang-isip kung alin ang dapat piliin. “Hindi kayo sa mundo kundi hinirang ko kayo mula sa mundo kaya napopoot sa inyo ang mundo” (Juan 15:19).
Bet Dapapac:
“Tinuro rin po sa akin, ang isang napakahalagang bagay na kailanman ay dapat kong isaisip at tandaan. Ang huwag manghimasok sa buhay ng ibang tao, at makialam ng pag-aari o kaya ng buhay ng iba.”
Tatlo lang ang posibilidad dito: mali ang turo ng iyong mga magulang o mali ang pagkaintindi mo dito o hindi talaga galing sa mga magulang mo ang aral na tinutukoy mo kundi nasagap mo na lang sa ibang tao.
Hindi dapat panghimasukan ang buhay ng ibang tao kung ang layunin o resulta ay mapangwasak o wala sa lugar. Ganito ang sinasabi ni Pablo: “…nabalitaan naming patamad-tamad ang ilan sa inyo na hindi nag-aabala kundi nang-aabala” (2 Tesalonica 3:11). “…nakakagawian nila ang pagiging tamad at pangangapitbahay. Hindi lamang mga tamad, kundi mga pakialamera pa at daldalera at kung anu-ano ang sinasabi” (1 Timoteo 5:13). Pero hindi tama ang mawalan ng pakikialam sa kapwa kung hinihingi ito ng pag-ibig at ng sitwasyon. Sinasabi ni Jesus, “Kung nagkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig siya sa iyo, tinubo mo na ang iyong kapatid. Kung hindi naman siya makinig sa iyo, magsama ka ng dalawa o tatlo para lutasin ang kaso sa pagsaksi ng dalawa o tatlo. Kung tatanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa Iglesya; at kung hindi pa rin siya makikinig sa Iglesya, ituring siyang pagano o publikano” (Mateo 18:15-17). At ipinapaalala din ni Juan, “Kung may makakitang magkasala ang kapatid – ang isang kasalanang hindi pa-kamatayan, dumalangin siya at magbibigay-buhay sa tao ang Diyos” (1 Juan 5:16). Ang kawalan ng pakialam ay ang kaaway ng pag-ibig. Sa mga taong walang pakialam sasabihin ni Jesus, “Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko tungo sa apoy na walang katapusan na inihanda para sa diyablo at sa mga anghel nito! Sapagkat nagutom ako at di ninyo binigyan ng makakain, nauhaw at di ninyo pinainom, naging dayuhan ako at di ninyo pinatuloy, maysakit at nasa bilangguan at di ninyo binisita” (Mateo 25:41-43).
Bet Dapapac:
“Pero, ibang usapan na po yata kung ang mga kaparian po natin at ang Simbahan ay nanghihimasok na sa mga aktibidades ng pamahalaan po natin…”
Nanghihimasok? Anong ibig sabihin nito? Gumagawa ba ng mga planong pang-Estado ang Simbahan? Iniuutos ba ng mga obispo sa gobyerno kung anong mga proyekto ang dapat gawin? Nagiging bahagi ba ng pamahalaang sibil ang pamahalaang eklesyastiko? Kung ganito ang nangyayari, may nagaganap ngang paglabag. Pero kung ang Simbahan ay nagsasalita tungkol sa mga panganib at kamaliang moral na nagaganap sa politika o sa gobyerno, ginagawa niya ang misyon na ibinigay ng kanyang Panginoon: “Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung mawalan ng lasa ang asin, paano pa ito mapaaalat na muli? Wala na itong silbi. Itatapon na lamang at tatapakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng mundo. Hindi maitatago ang lunsod na itinayo sa tuktok ng bundok. Hindi rin sinisindihan ang ilaw para takpan ng kahon, sa halip ay inilalagay ito sa isang lampara at tumatanglaw sa lahat ng nasa bahay” (Mateo 5:13-15).
Bet Dapapac:
“ARTICLE 2 SECTION 6; or Seperation of the Church and State...Yan po ang nakapaloob sa ating Saligang Batas.Nasasaad po dito na WALANG ANUMANG KARAPATAN;ni DI MAARING PANGHIMASUKAN NG SIMBAHAN O KAHIT ANUMANG KASAPI NG SIMBAHAN ang buhay o anumang desisyon aktibidades o hakbangin ng isang indibidwal o ng mismong pamahalaan.”
Napakalayo sa katotohanan ng iyong pagkaunawa dito. Ayon sa Article II Section 6 ng Saligang Batas, “Ang paghihiwalay ng Simbahan at Estado ay hindi maaaring labagin.” Yun na ang katapusan ng nasabing bahagi. Hindi nasasaad dito ang mga salitang binanggit mo. Kaya ang tanong ay ano ba ang ibig sabihin ng “Separation of Church and State”? Kung babalikan ang kasaysayan ng tinatawag na “Separation Clause”, makikitang ang tunay na layunin nito ay kilalanin ang kalayaang pangrelihiyon at pigilan ang mga mambabatas sa paggawa ng mga polisiya na lalabag sa kalayaang ito. Hindi ito pagpapahayag ng lubos kawalan ng pakialam sa isa’t isa, sa halip ay ipinapakita dito ang pagtatanggol ng Estado sa mga karapatang pangrelihiyon. Sa Article III Section 5 ng Konstitusyon ay sinasabing, “Walang batas ang maaaring balangkasin tungkol sa pagtatayo ng relihiyon, o pagbabawal sa malayang pagsunod dito.” Kung inaakala mong ang Estado ay walang pakialam sa Simbahan, at ang Simbahan ay walang pakialam sa Estado, nagkakamali ka. Sa maraming pagkakataon ay magkatuwang ang Simbahan at ang gobyerno para sa katuparan ng iisang layunin.

Ang relasyong ng Estado at Simbahan ay tulad ng relasyon ng katawan at kaluluwa – ang isa ay nasasakupan ng oras habang ang isa ay walang hanggan, pero walang diborsyo o paghihiwalay maliban sa natura at gawain. Mayroong bagay na magagawa ang katawan na hindi magagawa ng kaluluwa, at mayroong magagawa ang kaluluwa na hindi magagawa ng katawan. Kailangan ng dalawa ang isa’t isa.
Sinasabi mo na ayon sa Konstitusyon ay hindi dapat manghimasok ang mga kasapi ng Simbahan sa mga gawain ng pamahalaan. Nakalimutan mong isaalang-alang (o maaaring hindi mo talaga alam) na halos lahat ng mga tao sa gobyerno ay mga “kasapi” ng isang simbahan. Ibig bang sabihin ay dapat silang tanggalin sa trabaho dahil sinasabi ng batas na hindi pwedeng makialam sa usaping pang-gobyerno ang mga kasapi ng Simbahan? Hindi kaya wala nang matirang tao sa mga opisina ng gobyerno kung ganun?
Bet Dapapac:
“Eh sa mga ginagawa po ng mga taong ito na nasa Simbahan eh, malinaw na paglabag na tinadhana ng Saligang Batas itong mga ginagawa nila eh!”
 Dahil mali ang interpretasyon mo sa sinasabi ng Saligang Batas, mali din ang konklusyon mo na ito ay linalabag ng Simbahan. Ang misyon ng Simbahan bilang liwanag ay ipahayag ang katotohanan at, bilang asin, huwag manahimik sa gitna ng mga kamalian at inhustisya; at ayon na rin sa Saligang Batas, dapat na malaya itong maisagawa ng Simbahan (Article III Section 5).
Bet Dapapac:
“Kung tutuusin, pwede na silang kasuhan ng gobyerno sa mga ginagawa nila eh!”
Hindi mo alam ang sinasabi mo. Sino ba ang tinutukoy mong “mga taong ito na nasa Simbahan”? Kung ang mga obispo at mga pari, ginagawa lang nila ang hinihingi ng pagiging pastol. Ito ay protektado ng Konstitusyon at hindi tulad ng inaakala mong paglabag sa Konstitusyon. Kung ang tinutukoy mo naman ay lahat ng mananampalataya, ginagawa lang nila ang hinihingi ng pagiging Cristiano, at protektado din sila ng Saligang Batas. Ang totoong lumalabag sa Konstitusyon at sa aral Cristiano ay ang mga taong nagtatangkang busalan ang lahat ng mamamayan at ang mga Cristianong mambabatas at pribadong indibidwal na mas piniling tumatalikod sa mga aral ni Cristo. Sinasabi ni Jesus sa Simbahan, “Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang di-tumatanggap sa inyo ay di-tumatanggap sa akin” (Lucas 10:16). Para sa kaalaman ng lahat, ang RH Bill kung nagkataon ay ang unang batas na nagbabawal at magpaparusa sa sinumang gagamit ng kanyang kalayaang magsalita at magpahayag. Kapag nangyari ito, lahat ng mga susunod na batas ay maaari na rin gumamit ng ganitong uri ng paniniil hanggang sa ang bansang ito ay tuluyan na namang maagawan ng kalayaan.
Kaya kung tutuusin…mali ang tuus mo. Tumatahol ka sa maling puno. Ang mga mambabatas mismo ang bumubusabos sa Saligang Batas na para bang walang tunay na halaga ang mga sinasabi nito at ito ay piraso lang ng papel.
Bet Dapapac:
“Kasi kahit mismong mga mamamayan eh bini-brainwash na rin po nila ukol po sa batas na ito.”
Brainwash ba kamo? Kung pagbabasehan ang kaalamang medikal ng napakaraming mga doktor sa Pilipinas at sa ibang bansa, lalabas na ang mga tagapagsulong ng RH Bill – at ang mga taong nasa likod nila – ang nagkasala ng intensyonal na pagbibigay ng maling impormasyon na magdudulot ng kapahamakang medikal sa napakaraming mga babae, at kapahamakang moral sa buong bansa. Ayon sa mga nagsusulong ng RH Bill, ang pagbubuntis ay nagsisimula sa “implantation”, na ibig sabihin ay sa oras na dumikit ang zygote sa pader ng bahay-bata. Pero ayon sa matatapat at matatapang na doktor, kasama na ang Philippine Medical Association, ang simula ng pagbubuntis ay sa “fertilization” o sa pagsasanib ng itlog at binhi. Ang pagsasabing ang pagbubuntis ay nagsisimula sa “implantation” ay isang tuwirang panlilinlang para maitago ang katotohanan na ang ilan sa mga tinatawag na “contraceptives” tulad ng Pill at IUD ay mga “abortifacient”.
Kung bini-brainwash ng Simbahan ang mga mamamayan tungkol sa RH Bill, ibig sabihin ay bini-brainwash din ng PMA ang mga mamamayan tungkol dito. Naniniwala ka bang ginagawa nila ito? Hindi kaya dapat mong itanong sa sarili kung sino nga ba ang may napakalaking dahilan para magsinungaling? Ang Simbahan at ang samahan ng mga doktor ba, o ang mga politiko?
Bet Dapapac:
“Ako po pinanganak po akong Katoliko. At bilang isang Katoliko, obligasyon ko pong sumunod sa mga utos at sakramentong nilaan po ng Diyos sa akin. Pilipino rin po ako,at obligasyon ko po bilang Pilipino na pangalagaan ang mga mamamayan at ang bansang nagpalaki at nag-aruga po sa akin.”
Mali ka, dahil walang sinuman ang ipinanganak na Katoliko. Pero tama ka na bilang Katoliko ay obligasyon mong sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng paninindigan sa pananampalatayang Katoliko. Pero tulad na rin ng sinabi mo, wala kang balak ipagpalit ang pagiging makabayan sa pagiging Cristiano. Ang masakit nga lang niyan ay hindi mo talaga ipinagpapalit si Cristo sa iyong bansa kundi sa iyong kawalan ng alam. Dalawang beses mong ipinapahamak ang iyong sarili, dahil sa kabila ng pagtalikod mo sa Diyos ay hindi rin kikilalanin ng bansa ang iyong pagiging makabayan dahil mali ang batayan mo nito. Ang tanging kikilala lang sa iyo ay ang mga ignorante, kung hindi man mga sinungaling, na mambabatas na nagsusulong ng RH Bill.
Bet Dapapac:
“Sa palagay ko po, dahil sa panukalang batas na ito ay tila bumabalik nanaman po ang panahon ng mga Prayle nung panahon ng Kastila.Kung saan dinidiktahan po nila ang kung anumang gawin ng pamahalaan.”
Eksakto ang pagkakasabi mo. Dahil ang panukalang batas na ito mismo ang magiging lakas ng mga makabagong prayle – hindi ang mga pari kundi ang mga mambabatas – para diktahan ang pamahalaan at abusuhin ang mga mamamayan.
Bet Dapapac:
“Kesyo tinatakot ang mga mambabatas na susuporta sa RH Bill,gagawing ex-komunikado ang lahat ng magpapahayag ng suporta dito, kesyo hihingi ng panawagan sa lahat ng mamamayan na gumawa ng public disobedience.”
Tinatakot nga ba ng Simbahan ang mga mambabatas o tinatakot ng mga mambabatas ang mga mamamayan? May nabasa ka ba o narinig mula mismo sa isang obispo na kumakatawan sa Simbahan tungkol sa sinasabi mong pananakot? Wala. Dahil nagmula lang ang konklusyong ito sa media. Sabihin man o hindi ng mga obispo ang tungkol sa posibilidad ng pagtitiwalag, ito ay batas na ng Simbahan – walang magagawa ang sinumang obispo sa Pilipinas para baguhin ang posibilidad na ito. Mangyayari ang dapat mangyari, sa ayaw o sa gusto ng mga obispo dahil tagapagpatupad lang sila ng batas at hindi sila mismo ang batas.
Ang civil disobedience na sinasabi mo, kung ikaw ay Cristiano, ay maaaring maging tungkulin mo sa mga piling pagkakataon. Hindi ito kapritso o “tantrum” ng mga obispo, ito ay indibidwal na pasya ng mga tagasunod ni Cristo. Kung isasabatas ang RH Bill, hinihingi ng Cristianong prinsipyo at konsensya na ang mga tapat sa Diyos ay hindi dapat sumunod dito. Pero sa awa ng Diyos, ang RH Bill ay hindi maisasabatas dahil labag ito sa mismong Batas ng Bansa.

Sa kabilang banda, ang mga tagapagsulong ng panukalang ito ang may deretsahang intensyon na takutin at parusahan ang sinumang magsasalita man lang laban dito. Parurusahan ang mga taong susunod sa kanilang konsensya, pamantayang moral, prinsipyong propesyonal, at relihiyon. Sino ngayon ang “mga abusadong Kastilang prayle”? Kulang na nga lang tawaging prayle ang mga mambabatas na ito dahil tinatangka nilang panghimasukan ang mga usaping pangrelihiyon.
Bet Dapapac:
“Payo ko naman po sa gobyerno,lalo na po sa mga mambabatas natin na nagsusulong ng batas na ito na dapat banatan nyo rin po ang mga ito na pilit na pinapakelaman ang inyo pong trabaho.Di po ba?Para patas naman po.”
Muli, ang mga mambabatas ay hindi ang gobyerno, at alam ng gobyerno na walang panghihimasok na ginagawa ang Simbahan sa trabaho ng pamahalaan. Labag din sa batas ng Simbahan na ang mga kleriko ay magkaroon ng direkta o indirektang pag-uutos sa sinumang Katoliko tungkol sa dapat niyang gawin bilang opisyal ng gobyerno.

Sa personal kong palagay, hindi makakapagsalita nang deretsahan ang mga mambabatas na ito laban sa ginagawa ng Simbahan dahil alam nilang hindi sila susuportahan ng Saligang Batas tungkol dito, at dahil din alam nilang sila ang may ginagawa nang pailalim.
Bet Dapapac:
“Sabihin nyo rin po sa mga paring yan na imbis na pakelaman po kayong mga mambabatas sa trabaho ninyo, eh asikasuhin na lamang po nila yung bumabagsak na moralidad na mga Pilipino. Pati na rin po yung kaliwat kanang pagbubuntis ng mga kabataan na pabata ng pabata.”
Maling-mali ang iyong mungkahi kung ito ay para sa mga mambabatas. Dahil kung sasabihin nila sa mga pari na asikasuhin nila ang bumabagsak na moralidad ng mga Filipino, ang sagot na matatanggap nila ay, “Yun nga ang ginagawa namin.” Ang RH Bill ay nagtutulak sa pagsamba sa katawan at sa sex – isang dahilan ng mabilis at tuloy-tuloy na pagbagsak ng moralidad ng napakaraming indibidwal na Filipino. Ginagawa ng mga pari at ng mga tapat ng Katoliko ang iminungkahi mo, kaya sa loob ng mahigit isang dekada na ngayon ay patuloy na tinututulan ang panukalang ito.
Bet Dapapac:
“At kaysa makisali sila dito sa isyu na ito, ay magturo na lang po sila ng mga aral at salita ng Diyos. Lalung lalo na po eh, sunud sunod ang mga kalamidad at kaguluhan na nagaganap sa mundo, eh di hamak na maskelangan naman po ng mga tao iyon di ba?”
Muli, makakaasa kang ginagawa nila ito. Ganun pa man, ang sumasalungat sa ipinaglalaban mo ay ang sarili mong obserbasyon na sunod-sunod ang mga kalamidad at kaguluhan na nagaganap sa mundo. Ang pagiging batas ba ng RH Bill ba ay may maitutulong sa pagharap sa mga kalamidad at kaguluhang ito? Sa gitna ng kabi-kabilang kamatayan sa iba’t ibang panig ng bansa, mapapalitan ba ang ating populasyon sa pamamagitan ng contraceptives? Magpapadala ba ito ng relief goods sa mga nasalanta ng kalamidad? Ano ang laman ng mga bag na ipadadala nito, condom, pill, at IUD habang ang mga biktima ay walang makain o maisuot man lang? Pwede ba nilang gamiting panlamig ang condom? Maitatawid ba sila ng pill mula sa gutom? Mabibigyan ba sila ng bagong kabuhayan sa pamamagitan ng IUD? Ang kabaligtaran ang totoo. Mag-uubos ito ng bilyon-bilyong piso na aagawin mula sa mga biktima ng iba’t ibang pangyayari kaya marami sa kanila ay mamamatay habang ang pill at IUD naman ay patuloy din na pumapatay ng mga sanggol sa iba’t ibang panig ng bansa. Nalalarawan mo ba kung anong kinabukasan ang naghihintay sa atin?

Totoong nagtatangkang bumalik ang mga pang-aabuso ng nakaraang kasaysayan, at ito ay sa pamamagitan ng sapilitang pagpapasa ng panukalang batas na ito. Sa Estados Unidos kung saan nagmumula ang mga lasong ito, ganito ang resulta ng tinatawag nilang Reproductive Health Rights.








Source:
http://www.abs-cbnnews.com/nation/12/11/10/doctors-warn-doh-contraceptives

Monday, March 21, 2011

RH Bill: Mga Isyu

Para sa mga hindi pa nakakabasa o nakakaintindi sa ibig sabihin ng Reproductive Health Bill, ang Knights of Columbus ay gumawa ng mga pagsasadula (audio) na nagbibigay liwanag sa mga isyu tungkol dito. I-click ang larawan sa kaliwa.

Ang mga punto ng pagsasadula ay nakalagay sa mga pamagat. Ito ay ang mga sumusunod:
  • Labag sa Saligang Batas
  • Anti women and children
  • Sex education
  • Anti employer
  • Populasyon
  • Anti reproductive
  • Anti culture
  • Korupsyon
  • Mapaniil
  • Natural Family
Lahat tayo ay apektado ng panukalang ito, at walang sinumang Katoliko o Filipino ang maaaring magsawalang-bahala. Kung hindi tayo magiging bahagi ng solusyon, magiging bahagi tayo ng problema.

Monday, March 14, 2011

Radio Maria Philippines

Radio Maria was founded as a parish radio station in 1983, in Arcellasco d'Erba, in the province of Como in the Diocese of Milan. In 1987, the Radio Maria Association was founded making Radio Maria independent from the parish. In 1990, Radio Maria became a national radio. The following years, by God's grace, it began expanding to other countries. In 1998, the World Family of Radio Maria was formed to ensure promotion, sharing, and development of the Radio Maria Project worldwide.

Radio Maria Foundation, Inc. was founded when Fr. Melvin P. Castro, with the blessing of Bishop Florentino F. Cinense (Bishop of Tarlac), requested the World Family of Radio Maria to put up a radio station in the Philippines. On February 11, 2002 Radio Maria Foundation was born. Its main studio was constructed in Sunrise Subdivision, Maliwalo, Tarlac City.

In 2007, Radio Maria obtained its national franchise. Our efforts now are focused on making Radio Maria a true national radio station. Tuguegarao City, Santiago City, and Olongapo City became the first focus of expansion. The dream of making Radio Maria a national radio station was initially fulfilled when the newly constructed repeater station in Tuguegarao City was inaugurated on June 19, 2010. The occasion was graced by Archbishop Diosdado Talamayan (Archbishop of Tuguegarao), Bishop Florentino Cinense (Bishop of Tarlac), and the new members of the Board of Trustees (Joy Catalina Gallardo, Fr. Jay Policarpio, Maritel Balingit, Allen Galan, and Dr. Mary Ann Enriquez).

Currently, Radio Maria is present in more than 50 countries.

 

(Fr. Jay Policarpio - RM Philippines, Program Director)

Bakit Magulo Ang Mundo?

Kristo, kulang pa ba ang pag-ibig na dulot mo? Bakit ba ang mundo ngayo'y gulong-gulo?
Habang pinapakinggan ko ang kantang "Kristo" ni Basil Valdez, naalala ko ang mga argumento ng mga ateyista na kung mayroon daw Diyos, hindi dapat magulo ang mundo, wala dapat naghihirap, at walang mga karamdaman.

Ginagalang ko ang opinyon ng mga hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos pero kailangan kong sabihin na ang kanilang mga pangangatwiran tungkol dito ay bunga ng kawalang-alam at pagiging sarado ng isip. Bilang Cristiano, naiintindihan natin na bagamat ang Diyos ay nasa ating piling, ang mundo ay hindi langit; ang tao ay hindi nakatakdang manatili sa mundo habampanahon. Cristiano man o hindi, ang kamatayan ay bahagi ng ating pagkatao. Mayroong katapusan ang ating pag-iral sa lugar na ito. Pero hindi ito nangangahulugan na walang Diyos.

Una, hindi mag-uumpisang umiral ang anuman kung walang magpapairal dito. Kahit sinong ateyista, halimbawa, ay hindi tatanggap ng argumento na ang isang bagay tulad ng damit, sapatos, computer o kahit ano pa, ay bigla na lang lumitaw nang walang gumagawa. Sa kabila noon, ipinipilit nilang walang lumikha sa mga bagay na inabutan na natin tulad ng mundo, ng mga unang tao, hayop, at halaman.

Pangalawa, ang tinatawag nating "universe" ay may mga batas na sinusundan. Isang halimbawa nito na naoobserbahan ng syensya ay ang "law of gravity".  Pero bukod sa pisika ay mayroon din itong batas moral. Ang mabuting ginagawa ng isang tao ay makaaapekto sa buong mundo. Ganun din, ang kasamaan ng isa ay perwisyo sa lahat. Ang sangkatauhan ay parang isang katauhan; nakikinabang o napapahamak ang lahat ng bahagi sa kagagawan ng isa. Kung ang mundo ay may batas, ibig sabihin ay kumikilala ito ng pagkabalanse. Anumang paglabag sa mga batas nito ay magdudulot ng pagkasira ng balanseng ito, at ito ay nangangahulugan ng kaguluhan.

Ang kaabahan ng mundo ay hindi patunay na walang Diyos. Sa kabaligtaran, ito ay patunay na mayroong umiiral na batas -- na ang bawat pasya ay may konsikwensya -- at dahil dito ay alam nating may Isa na nagtakda ng mga batas na ito. Ang pagiging ganid ng iba ay nangangahulugan ng pagkagutom ng iba. Ang masamang tao ay nagdudulot ng masamang epekto sa mundo. Hindi ibig sabihin ay masasamang tao ang mga nagugutom, naghihirap, at nagkakasakit; ibig sabihin lang ay may mga bahagi ng sangkatauhan ang nagdadala ng ganitong sitwasyon sa marami. Sabi nga sa kasabihan, "Ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan." Dahil dito kaya walang sinuman ang dapat magsabi na, "Walang pakialaman."

Sa trabaho, halimbawa: Mayroong limang empleyado ang hindi nagtatrabaho nang maayos at may limang matapat pero nananahimik lang sa nakikita nilang kamalian. Dahil sa limang mandaraya ay nasira ang pangalan ng kompanya at unti-unti itong bumagsak. Ang limang nagkasala lang ba ang mawawalan ng trabaho o pati ang limang matapat? Lahat sila. Dahil ang una ay gumawa ng masama habang ang ikalawa ay nanahimik sa masamang nakikita. Ganito din ang pamilya, ang komunidad, ang lipunan, ang bansa, at ang mundo. Ang kasamaan ng iba, samahan mo ng pananahimik ng mga nakakakita, isang malaking kalamidad para sa lahat. Ito ay totoo sa lahat ng bagay, maging sa kahirapan, pagkakasakit, magulong relasyon, at kung ano-ano pa. Hindi na kailangan ng Diyos na parusahan ang mundo dahil ito na mismo ang nagpaparusa sa sarili.

Ganun pa man, hindi ang mga kaguluhan ang dapat nating pagtuunan ng pansin, sa halip ay kung ano ang maiaambag natin para sa ikabubuti ng lahat. May panahon ang Diyos para sa paniningil sa mga taong nagpakalayaw sa kasamaan kapalit ng pagkaapi ng iba. Kahit gaano pa kagulo ang mundo, at kahit magmistulang wala na itong  pag-asa, ang mga Cristiano ay dapat manatiling umaasa sa pag-ibig, pagkalinga, at katarungan ng Diyos. Ang bayan natin ay ang langit at hindi ang mundo. Nandito tayo para paghandaan ang langit at para tulungan ang iba na matikman ang langit sa lupa upang,  tulad natin, ito ay kanila rin asamin.