Saturday, November 3, 2007

Araw ng mga patay?

Kung ang titingnan ay ang paraan ng pagkakilala at pagdiriwang ng marami sa araw na ito, marahil nga ay matatawag itong “araw ng mga patay”. Sa kalye ay nagkalat ang mga bata at matatanda na lumalarawan sa mga demonyo sa pamamagitan ng pagsusuot ng sungay na may pulang ilaw. Ang iba naman ay nakasuot ng mga “nakakatakot” na costume. Bawat lilingunan mo ay may makikita kang simbolo ng kamatayan, kadiliman, at takot. Sa ganitong dahilan kaya matatawag ang unang araw ng Nobyembre bilang araw ng mga patay. Pero hindi ito ang dahilan kung bakit ginawang espesyal ang araw na ito, at hindi rin wasto ang katawagang ibinigay dito ng mga Filipino. Ang All Saints Day o Todos los Santos ay hindi araw ng mga patay kundi araw ng paggunita sa mga kaibigan ng Diyos na kasama niya ngayon sa kanyang kaharian. May kanya-kanyang kapistahan ang mga Santo pero dahil hindi lahat ng nasa langit ay kilala natin, itinakda ang araw na ito para sa paggunita sa kanilang lahat na minsang namuhay din sa mundo ngunit ngayon ay tumanggap na ng putong ng tagumpay dahil nalampasan nila ang lahat ng dapat nilang daanan sa buhay na ito. Hindi sila mga patay tulad ng nakasanayan na nating isipin o sabihin dahil kasama nila ang Buhay -- ang Diyos ng mga buhay. Hindi inaalala sa araw na ito ang kanilang iniwang katawan kundi ang kanilang buhay na bahagi na ngayon ay nasa harapan ng Diyos at naghihintay sa “pagkabuhay na muli ng mga namatay na tao”.

cross.jpgSa susunod na araw naman ay ipagdiriwang ang All Souls Day o araw ng mga kaluluwang nangangailangan ng ating panalangin. Sila yung naririnig natin na binabanggit sa Misa kapag sinasabi ng pari, “Alalahanin mo rin...ang lahat ng mga pumanaw.” Sa madaling salita, sila ang mga kaluluwang nasa purgatoryo na naghihintay ng kanilang maluwalhating pagpasok sa kaharian ng Langit. Araw-araw silang ipinapanalangin ng Simbahan at ng mga indibidwal na mananampalataya pero itinakda ang isang araw para alalahanin sila sa mas espesyal na paraan. Natural lang na alalahanin natin ang ating mga pumanaw na mahal sa buhay tulad ng pag-alala natin sa kanila sa mga panahong hindi natin sila nakakasama noong nandito pa sila sa mundo. Katoliko man o Protestante o Judio, walang kinalaman sa relihiyon ang pag-alala sa mga minamahal, nasa mundo man o pumanaw na, dahil ito ay natural sa tao. Isang malaking pagkukunwari ang pagsasabing hindi na dapat alalahanin pa ang mga namatay na. At hindi rin natin dapat isipin na sila ay namatay, na para bang tumigil na sila sa pag-iral. Tanging ang katawan nila ang namatay dahil linisan na nila ito para lumipat sa isang ganap na buhay, at para hintayin ang muling pag-iisa ng kaluluwa at katawan sa Huling Araw.

Huwag nating pagkamalian ang pagpanaw sa pagkamatay. Ang pagpanaw ay nangangahulugan ng pag-alis dahil ang ating mga mahal sa buhay ay umaalis sa kanilang katawang-lupa at humaharap sa Diyos. Ang pagkamatay naman ay pagtigil sa pagkakaroon ng buhay. Tuwing inaalala natin ang mga taong dati nating nakasama sa mundo, ang kanilang persona ang ating ginugunita, hindi ang kanilang iniwang katawan. Ang mga kasama ng Diyos sa langit ay hindi mga patay kundi mga buhay at dumaranas ng ganap na buhay, dahil ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi Diyos ng mga buhay.

Wednesday, October 10, 2007

Baptismal Pool

The Catholic Church did not discard immersion, it was and still in practice. Pouring of water, however, is a practical alternative as suggested by Didache -- an ancient Church document dating between the late 1st century and early 2nd century:

"And concerning baptism, baptize this way: Having first said all these things, baptize into the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, in living water. But if you have no living water, baptize into other water; and if you cannot do so in cold water, do so in warm. But if you have neither, pour out water three times upon the head into the name of Father and Son and Holy Spirit. But before the baptism let the baptizer fast, and the baptized, and whoever else can; but you shall order the baptized to fast one or two days before." (Didache 7)

"Those who have had a bath need only to wash their feet; their whole body is clean."

However, despite the validity of "pouring", this video shows a proof of the Catholic practice of "baptismal immersion" wherever it is applicable and practical.

Saturday, September 15, 2007

Totoo Nga Ba?

Madalas, mas madaling linlangin ang sarili kaysa tanggapin kung ano ang totoo. Napapatunayan natin ang bagay na ito sa pang-araw-araw nating mga karanasan. Dito sumilang ang kasabihang “Masakit tanggapin ang katotohanan.” Ang pinakamalaking patunay na nahihirapan tayong harapin kung ano ang totoo ay ang kawalan natin ng pagkakaisa. Bawat indibidwal at grupo ay may kani-kanilang paniniwala, pilosopiya, ideolohiya, at relihiyon. Masama ba ito? Masama kung ang ating pagkakaiba-iba ay hindi nakaturo sa daan ng pagkakaisa na patungo sa iisang katotohanan; ibig sabihin, hindi tayo matutulungan ng ating mga paniniwala kung ito mismo ang nagiging dahilan ng ating pagkakuntento na manatili na lang sa sarili nating mundo sa halip na magpatuloy sa paghahanap ng ikapagkakaisa sa iisang katotohanan. 


Ang sumusunod ay mga gabay na tanong upang tulungan tayong maging matapat sa pagsusuri ng ating paniniwala: 


1)  “Ano” ba o “sino” ang pinaniniwalaan ko?Sa tanong na ito ay kailangan nating maging maingat sa pagsagot dahil kapahamakan lang ang dulot ng mga paniniwalang nagtutulak sa atin para dayain ang sarili. Kailangan nating usisain, “Ang pinaniniwalaan ko ba ay “ano” (mga konsepto na inaakala kong totoo), o “sino” (mga taong pinagkakatiwalaan ko)? Magiging totoo ka lang sa sarili mo kung ang iyong paniniwala ay bunga ng matapat na pangagatwiran ng sarili tungkol sa mga usaping nakahain. Ang proposisyon, halimbawa, ay tungkol sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ka bang may Diyos dahil sinabi sa iyo o dahil napatunayan mo ito? Isa pang halimbawa ay ang pagsisinungaling: Naniniwala ka bang masama ang pagsisinungaling dahil nauunawaan mo ang kalikasan nito, o dahil itinuro lang sa iyo? Kung tinatanggap natin ang isang ideya dahil lang nanggaling ito sa mga pinagkakatiwalaan natin, o kaya’y dahil naipahayag ito sa paraang nagustuhan natin, hindi ito nagpapakita ng totoong paniniwala, sa halip ito ay akto lamang ng pagsasaulo ng mga konseptong hindi naman talaga natin nauunawaan. Tinatanggap na lang natin ang mga ideyang ito, at ipinagkakatiwala sa ibang tao ang pagiging totoo nito o hindi, dahil ayaw nating pag-aksayahan pa ng pagod ang pag-iisip, pag-uusisa, at pakikipagtalo sa sarili tungkol dito. Ayaw natin ng “inconvenience”, ayaw natin ng pagbabago, wala tayong lakas ng loob na akusahan at ilagay sa paglilitis ang ating mga paniniwala dahil natatakot tayo sa posibilidad na baka mali nga ang mga paniniwalang matagal na nating kinakapitan at ipinagsasanggalang. Ayaw nating mapahiya sa sarili. 


2)  Bakit ako naniniwala?Naniniwala ba ako dahil sigurado ako na ito ang totoo, o dahil gusto ko na ito na lang ang totoo? Ang ikalawa ang madalas na nangyayari sa atin; naniniwala tayo sa gusto nating paniwalaan, at nakikita lang natin ang gusto nating makita. Kung ano ang kinagisnan, yun na yun! Sa ganitong sitwasyon, ang ating mga katwiran ay madalas na hinabi na ng iba para sa atin -- gagamitin na lang. Dahil hindi natin totoong nauunawaan ang sinasabing pinaniniwalaan natin, inaampon na lang natin ang mga salitang ginagamit ng iba sa kanilang pangangatwiran para mapaniwala natin ang sarili, at subukang mapaniwala ang iba, na totoo ang ating pinaniniwalaan. Ang katulad nito ay pagsusuot ng damit na hindi alam kung saang tela ginawa; o kaya’y pagsubo ng isang bagay na hindi alam kung nakabubusog o nakamamatay. Sa isang banda pa, kung masasabi man nating tayo ay naniniwala dahil sigurado tayong iyon ang totoo, hindi pa rin nito mapatutunayan na totoo ngang tayo ay naniniwala. Isa pang pagsubok ang dadaanan nito: “Kaya ko bang katwiranan ang dahilan ng aking paniniwala?” Madaling sabihin, “Ito ang totoo,” pero mapatutunayan mo lang na totoong naniniwala ka kung mabibigyang-katwiran mo ang iyong paniniwala sa oras na kailanganin. Tungkol dito ang sinasabi ni Pedro sa kanyang unang sulat sa mga Cristiano. 

3)  Ang paraan ko ba ng paniniwala ay patungo sa pagkakaisa, o dahilan ng pagkakawatak-watak? Dahil ba sa paniniwala ko ay nagkakaroon ako ng pag-aasam na makarating ang lahat sa iisang katotohanan -- taglay ko man yun sa kasalukuyan o hindi pa -- at sa huli ay magkaroon ng tunay na kaisahan? O siguradong-sigurado na akong hawak ko ang katotohanan, kaya bahala na sila kung ayaw nilang maniwala o sumunod? Ang ganitong attitude ng kawalan ng tunay na pakialam sa ikabubuti ng kapwa ay nagpapakita ng kawalan din ng pakialam sa tunay na pinaniniwalaan ng sarili. Sila yung mga taong mariringgan lagi ng linyang, “Basta, yun ang totoo. Bahala ka kung ayaw mong maniwala.” Sa halip na ipakita ang detalye ng dahilan ng kanyang paniniwala, para pakinabangan din ng ibang tao, ay gagamitin na lang niya ang salitang tatapos sa lahat ng talakayan: “Basta!” Nagpapakita ito na ang mismong nagsasalita ay hindi totoong nakauunawa sa kanyang sinasabi. Ang kanyang paniniwala ay nagmumula sa emosyonal at bulag na pagkapit sa mga konseptong hindi niya talaga naiintindihan. Sa madaling salita, kumakapit lang siya sa mga ideyang kanyang sinasabi, pero hindi siya totoong naniniwala sa mga ito. 


Ang layunin ng artikulong ito ay hindi para ipakita kung ano ang dapat paniwalaan, kundi upang tulungan ang mga bumabasa na subukin ang pagiging totoo ng kanilang paniniwala -- hindi ang mismong pinaniniwalaan -- dahil ang unang problema sa akto ng paniniwala ay hindi ang linalaman o ang pinaniniwalaan, kundi ang pagiging tunay o huwad ng ating paninindigan. Maraming kaso, halimbawa, na ang mga Cristiano ay masigasig sa mga gawaing pangsimbahan, pero ang totoo ay hindi talaga nila nauunawaan ang kanilang pinagsusumigasigan. Isa pang halimbawa ay ang katotohanan na may mga pastor o pari na nag-aakalang sila ay may pananampalataya dahil alam nila ang lahat tungkol sa kanilang ipinangangaral, pero ang totoo ay isa lamang itong bahagi ng napakarami nilang kaalaman na sinaulo lamang at hindi naging totoong bahagi ng kanilang pagkatao. Kailangan nating maging maingat at matalino, magkaiba ang paniniwala at pagsasaulo. Maaaring alam na alam mo ang mga doktrina ng iyong simbahan, pero kahit kaunti ay hindi ka totoong naniniwala sa mga ito.

Thursday, September 13, 2007

Pamahiin: Wala Nga Bang Mawawala?

Sa sobrang tanda na ng kultura ng pamahiin, hindi na natin matutunton pa ang pinagmulan ng katagang madalas nating marinig: “Wala namang mawawala.” Simula ng magkaisip ako, bilang bata, hanggang sa kasalukuyan, hindi siguro lumipas ang isang taon na wala akong narinig na nagsabi o nagpahiwatig ng ganitong ideya. Ang hindi ko malarawan ay kung saang bahagi ng makatwirang isip maaaring magmula ang ganitong uri ng pananaw. Wala nga bang mawawala? 

Ang unang-una at pangitang-pangitang nawawala sa mga pumapatol sa pamahiin ay ang lohika o tamang pangangatwiran. Ang salitang “lohika” ay tumutukoy sa sekwensya at koneksyon ng mga konsepto at konklusyon. Kung halimbawa ay pupunta ka sa Mindanao galing sa Luzon, tatahakin mo ba ang daan pahilaga para makarating doon? Kung wala ka sa tamang pag-iisip, maaaring gawin mo iyon. Suriin natin ang mga proposisyon. Unang proposisyon: Ikaw ay pupunta sa Mindanao galing sa Luzon; ikalawang proposisyon: Ang Luzon ay nasa hilaga at ang Mindanao ay nasa timog na bahagi ng bansa; ang konklusyon: Tatahakin mo ang daan pa-timog para makarating sa gusto mong puntahan. Ito ang halimbawa ng tamang pag-iisip. Sa kabilang banda, ang mga mapamahiin ay ganito maghinuha: Unang proposisyon: Ang pusa ay itim; ang konklusyon: May mangyayaring masama sa makakasalubong nito. Unang proposisyon: Natapakan ng babaeng ikinasal ang paa ng asawa; ang konklusyon: Magiging sunud-sunuran ang lalaki sa babae. Unang proposisyon: Nakatapat sa hagdan ang pintuan ng bahay; ang konklusyon: Hindi magiging maayos ang takbo ng buhay ng nananahan doon. Anong pagkakaiba ng mga ito sa unang halimbawa? Laging mayroong “missing link”. Ang ganitong paraan ng pag-iisip, bagamat laganap, ay hindi normal sa tao. Ang tao ay rasyonal na nilalang -- may kakayahang mangatwiran -- pero kung hindi natin ito ginagamit nang tama, masasabing tayo ay hindi nagpapakatao.

Ang ikalawang nawawala sa mga taong mapamihiin ay ang kanilang kalayaan. Nagiging alipin sila ng takot, at bilanggo ng maling kaisipan. Kung halimbawa ay may pupuntahan ako, pero dahil may nakasalubong akong pusang itim ay madali akong umuwi at hindi na tumuloy sa aking lakad; sino ang nagdesisyon ng dapat kong gawin, ako ba o ang takot ko? Kung naka-schedule ang interview ko ng Miyerkules pero hindi ako sumipot dahil “malas” ang Miyerkules sa linggong iyon, hindi ba ito pagpapakita na bilanggo ako ng ganitong kaisipan? Sa ganitong sitwasyon, sunud-sunuran ako sa mg utos ng aking takot, at pinipigilan sa paggalaw ng maling paniniwala.

Ang ikatlong nawawala sa ganitong mga tao ay ang konsepto ng katotohanan. Isipin mo na lang ang isang tao na nakatingin sa mabangis na oso pero ang nakikita niya ay isa lamang puno; ganito rin ang sitwasyon ng mga taong bulag sa katotohanan -- nasa harapan na ang kamatayan pero inaakala pa ring ito ay kaligtasan.

Ang ikaapat na nawawala sa mga naniniwala sa ganitong mga kathang-isip ay ang tunay na pagkakilala sa Diyos at sa kanyang mga nilalang. Marami sa mga nagsasalita ay hindi nag-iisip, at buong-tiwala nagsasabi na ang buhay ng tao ay nakasalalay sa tamang pagpapasya, swerte, at pananampalataya sa Diyos. Ang pagpapasya ay bagay na kontrolado ng tao; ang pananampalataya naman ay sa pag-itan ng tao at ng Diyos; pero ang swerte ay konsepto ng kapalarang hiwalay sa impluwensya ng Diyos at ng tao, sa halip ay nasa ilalim ng mga kapangyarihang natural na may autonomiya. Pinasisinungalingan nito ang katotohanang walang nagaganap sa sangnilikha na hindi pinahihintulutan ng Diyos. Isa itong porma ng pagsamba sa hindi tunay na Diyos kundi sa mga “pwersa ng kalikasan”. Ito ang kabilang mukha ng “nature worship” na ginagawa ng mga katutubo at mga pagano. Ang ganitong disposisyon ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos, lalo na kung ang Mabuting Balita ay hindi naman malayo sa mga taong ito. Wala itong pagkakaiba sa pagkakaroon ng mga diyus-diyusan.

Kayong mga naniniwala sa swerte at malas, isipin niyo nga ito: Hindi ba’t ang lahat ng bagay ay sa Panginoon? Hindi ba’t siya lang ang nagpapahintulot at nagbabawal sa lahat ng kaganapan? Bakit ninyo ipinagpapalagay ang kapalaran sa mga posisyon, bilang, araw, kulay, at mga gawaing wala namang kinalaman sa inaasahan ninyong resulta? Magpapasya ba ang Diyos na payamanin ka kung ilalagay mo ang iyong mga gamit sa ganito o ganyang lugar sa iyong bahay? Poprotektahan ka ba niya sa mga sakuna kung ihaharap mo sa ganito o ganyang posisyon ang iyong tahananan? Pasasagasaan ka ba niya sa kotse kapag hindi ka umuwi kahit na nakasalubong ka ng itim na pusa? Sisirain ba niya ang relasyon mo sa iyong pamilya dahil hindi compatible ang zodiac signs ninyo? May mga mata ang inyong isip, huwag ninyo itong ipikit! Tuso at mapanlinlang ang mga pwersang nakapaligid sa mundo -- walang mahirap o mayaman, matalino o mangmang, na palalampasin nila sa dalang kasinungalingan. Hindi dapat akalain ng sinuman na alam niya na ang lahat ng kailangan niyang malaman. Ang mga kalaban ng tao ay nakatago sa dilim, hindi nakikita o naririnig man, pero sumisira ng isip at nagdadala sa kapahamakan. Maging matalino sa pagpapasya at paniniwala, dahil sa pagkapit sa maling kaisipan, hindi totoo na walang mawawala.

Poon, Santo, o Rebulto?

 Pangkaraniwan na sa ating mga Filipino na kung ano ang nakasanayan, yun na ang tama. Halimbawa ay sa mga salita: sa halip na pareho ay parehas ang madalas na ginagamit; sa halip na manibela, manubela; sa halip na ayoko, ayako. Madalas din ay ginagamit ang “masama” at “bawal” na parang pareho lang ang kahulugan. Isa ang relihiyon sa mga pinakasensitibo at kontrobersyal na isyu sa lahat ng panahon at bahagi ng mundo kaya hindi maaaring ipagwalang-bahala ang mga kamaliang lalong naglalayo sa mga tao sa posibilidad ng pagkakaisa.

Isang halimbawa ay ang maling paggamit ng salitang “poon” at “santo” para tumukoy sa isang rebulto o imahe. Kahit sa mga balita sa media, o sa mga taong aktibo sa mga gawain ng kanilang parokya, ay maririnig ang nakalililgaw na paggamit ng mga katawagang ito. Sa pamamagitan nito ay lalong napagtitibay sa isip ng mga kapatid na nasa ibang sekta na ang mga Katoliko ay sumasamba sa mga rebulto. Bukod dito, nakokondisyon ang isip natin sa maling paglalarawan ng kahulugan ng mga salitang ito.

Sa wikang Ingles, ang salitang “poon” ay katumbas ng “lord”, at ang santo ay “holy” o “saint”. Hindi tamang tawaging poon ang isang rebulto, kahit pa si Jesus ang ilinalarawan nito, dahil ang salitang ito ay tumutukoy mismo sa Panginoong Diyos. Hindi rin dapat gamitin ang salitang santo para tumukoy sa mga rebulto dahil ito ay tumutukoy sa mga banal na kasama ng Diyos sa langit, o minsan ay kahit sa mga banal na nasa lupa pa. Iskandalo ang dala ng ganitong pagkakamali kaya dapat itong pag-ingatan.


Tandaan: Ang rebulto o imahe ay para sa mga estatwa, ang icon o larawan ay para sa mga iginuhit na anyo, ang santo ay para sa mga banal na nilalang, at ang poon ay para sa Diyos lamang.

Thursday, August 23, 2007

Biyaya ng Diyos

Ang salitang biyaya ay tumutukoy sa mga bagay na tinatanggap nang walang bayad o anumang kapalit. Mas madalas na ang tawag natin dito ay regalo. Sa paksang ito ay gusto kong ibahagi ang isang katotohanang hindi napupuna ng marami – kasama ang sarili ko: Na ang biyaya ng Diyos ay hindi dumarating.

Madalas, iniisip natin na may mga oras na dumarating ang biyaya ng Diyos, lalo na kung nakatutok ang paningin natin sa mga materyal na bagay at sa mga kaaya-ayang pangyayari sa ating buhay. Sinasabi natin na sa ganito o ganyang panahon ay tumanggap tayo ng biyaya mula sa Diyos, at umaasa tayong sa ganito o ganoong panahon ay mayroon ulit tayong matatanggap. Isipin natin, halimbawa, na tayo ay naninirahan sa isang barko kung saan libre ang pagkain, inumin, damit, higaan, at lahat ng bagay na kailangan natin para mabuhay; kung isang araw ay binigyan ako ng kapitan ng barko ng isang piraso ng paborito kong tsokolate, sasabihin ko bang, “Hay, salamat, nakatanggap na naman ako ng regalo galing sa kapitan! Nung isang lingo lang, may ibinigay din siya sa akin”? Nung isang linggo nga ba? Hindi ba’t katatapos lang ng libreng hapunan, at ngayon ay oras nang magpahinga sa libreng kwarto na may libreng ilaw at libreng higaan? Hindi ba’t para sa kasiguruhan ng lahat ay may libreng security system at mga guard buong maghapon at buong magdamag? Hindi ba’t sa tuwing pagising sa umaga ay may libreng almusal, at sa tanghali ay may libreng pananghalian? Hindi ba’t ang lahat ng ito, kasama ng tsokolate, ay pawang mga regalo dahil hindi ito binayaran o pinalitan man? Mayroon bang isang linggo, isang araw, isang oras, o isang minutong pag-itan ang pagtanggap ng regalo ng mga nakatira sa barkong ito? Wala. Ang bawat sandali ng paninirahan dito ay biyaya -- walang kapalit.

Ito ang katotohanang madalas ay nalalampasan natin ng pansin. Ang nakikita natin at tinatawag na biyaya ay ang mga tsokolateng ating tinatanggap -- ang mga pangyayaring madalang natin maranasan -- pero hindi ang mga regalong bawat sandali ay pinakikinabangan natin. Ang mga biyaya ay hindi dumarating sa ating buhay dahil ang totoo, tayo ay namumuhay sa gitna ng mga biyaya. We could not even exist without these gifts from the Creator. Tuwing gumagalaw tayo, dumadampi sa balat natin ang mga biyayang ito; tuwing tayo ay nagsasalita, pumapasok ang mga ito sa ating bibig. Hinihinga natin ang mga biyayang ito; kinakain natin at nalalakaran. Walang lugar o pangyayari na hindi natin kasama ang mga biyaya ng Diyos. Siguro nga ay napakahirap isipin ng katotohanang ito dahil nakasanayan na natin ang pag-aakalang tayo ay nabubuhay sa sarili nating lakas, talino, at pagsisikap, pero maging ang mga nabanggit na ito ay biyaya din ng Diyos. Walang anuman ang nagmula sa atin pero nabubuhay tayo at patuloy na mabubuhay habampanahon dahil sa mga biyayang ito. Kailanman ay wala tayong totoong nalikha o nabili man lang; ang lahat ng bagay ay sa Diyos at walang isa man ang nanggaling sa atin.

Sa ganitong paraan natin mauunawaan ang itinagubilin ni Pablo na “magpasalamat kayo sa Diyos para sa lahat ng mga pangyayari”. Halimbawa, ang balat na mayroon ka ngayon bilang init at proteksyon sa buong katawan; ipagpapalit mo ba ito sa magandang bahay, maraming pera at mga ari-arian? Aanhin mo ang mamahaling pagkain na inaasam-asam mong bilhin kung ang kapalit ay ang iyong ganang kumain? Aanhin mo ang kumportableng buhay na pinagpapakamatayan mong makamit kung wala ka namang hininga? Ang mga bagay na mayroon ka ngayon ay hindi talaga sa iyo at maaaring mawala anumang oras; hindi ba’t ang mga bagay na ito ang dapat pa nga ay ipagpasalamat natin, sa halip na maghinanakit tayo dahil sa mga bagay na hindi natin makamtan? Buong puso ang pasasalamat natin kapag nangyayari ang mga gusto nating mangyari, pero hindi natin pinapansin ang mas mahahalagang bagay pa na hindi pinagsasawaang ibigay sa atin araw-araw kahit na hindi natin ito nagagawang ipagpasalamat. Hindi natin nakikita ang nandito dahil hinahangad natin ang wala. May mga kabataan, halimbawa, na sa sobrang kagustuhan na magkaroon ng partner ay hindi na nakikita ang pagmamahal ng pamilya o ang pagmamalasakit ng mga kaibigan. Mayroong mga tao na dahil sa paghahangad na magkamal ay hindi na nakaka-appreciate ng kung ano ang meron sila ngayon. Tayo ay nabubuhay sa biyaya ng Diyos bawat sandali, at lahat ng bagay ay nararapat nating pasalamatan.

Sa bahaging ito ay masdan natin ang mas malaking larawan ng ating kasaysayan. Ang Diyos ay may nakahanda sa buhay ng bawat isa sa atin; pero bagamat indibidwal ang kanyang mga panukala, ito ay magkakaugnay at bumubuo ng isang pangkalahatang plano. Dahil ang Diyos ay mabuti, at lahat ng gawa niya ay mabuti, nangangahulugan lamang na mabuti ang lahat ng nangyayari sa atin -- hindi man natin maunawan -- dahil lahat ito ay bahagi ng kanyang plano at hindi nawawala sa kontrol. Maaaring maitanong natin, “Pati ba ang mga krimen, ang mga kaguluhan, mga kalamidad, at ang araw-araw na pagkakasala ng tao, kasama sa plano ng Diyos? Mabuti rin ba ang mga ito?” Kailanman ay hindi naging mabuti sa paningin ng Diyos ang mga bagay na sadyang masama. Ang lahat ng masamang nangyayari sa sangnilikha ay konsekwensya ng pagtalikod sa Diyos ng mga nilalang niya. Hindi man ang mga ito ang panukala ng Diyos, lahat ito ay pinahihintulutan niyang mangyari, hindi para magkaroon ng masama sa kanyang plano, kundi upang sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan at karunungan, ang presensya ng masama ay maging para sa ikabubuti ng mga pinili niya. Ang masasamang nilalang at mga pangyayari ay isang bahagi lang ng plano ng Diyos para sa mga nakatakdang maghari kasama niya. Hindi dapat indahin ng mabubuti ang hirap na dulot ng masasama, ni magreklamo man sa gitna ng hindi magagandang pangyayari dahil ang lahat ng ito ay nangyayari para sa kanilang kapakanan. Sila ang sentro ng plano ng Diyos. Ang mga bagay na hindi maganda sa panlabas na anyo ay mga biyayang nakapaligid sa kanila. Ang plano ng Diyos para sa mga hinirang niya ay biyayang patuloy nilang tinatanggap sa lahat ng sandali dahil ang bawat bahagi ng kanilang buhay ay katuparan ng mga bahagi ng planong ito.
Mabuting ipagpasalamat ang mga biyayang madaling makita, pero hindi natin dapat makalimutan na ang bawat sandali ng ating buhay ay biyaya ng Diyos.

Naisahan Ba Tayo ni Dimas?

Sino si Dimas? Ayon sa tradisyon, ang isa sa dalawang kriminal na kasabay ni Jesus na ipinako sa Kalbaryo ay may pangalang Dimas. Ito ang minsan ay tinatawag ng iba bilang “mabuting magnanakaw”. Isang beses lang binanggit sa Ebanghelyo ang presensya ni Dimas bagamat may mga haka-haka na nakita rin siya sa ibang bahagi. Sa unang tingin, parang pampahaba lang ng kwento ang tungkol sa dalawang tulisan; pero ang totoo, walang pangyayari na ipinahayag sa Kasulatan ang pampahaba lang, bawat pangyayari ay may ipinararating.

Si Dimas ang isa sa mga unang nakapasok sa langit ayon na rin sa pangako ni Jesus. Dahil dito, may ilang mga nagsasabi, “Magnanakaw na siya sa lupa, ninakaw pa rin niya ang langit.” Sa pangungusap na ito ay nakatago ang magkasamang pag-asa at pagkalito. Pag-asa, dahil nauunawaan natin na kahit pala masama ang tao buong buhay niya, nakahanda pa rin ang Diyos na patawarin siya kung aaminin niya ang kanyang pagkamakasalanan at magtitiwala sa Diyos; pagkalito naman dahil parang hindi parehas o makatarungan na magkatulad lang ang hahantungan ng isang taong may mabuting pamumuhay at ng isang taong namuhay sa kasamaan. Dahil sa maling pagkaunawa ay mayroon pa ngang mga nangangatwiran na pwede namang sa huli na lang magbalik-loob; sa ngayon ay magkakasala muna sila.


Una, hindi talaga ninakaw ni Dimas ang langit; at pangalawa, hindi totoo na pwedeng sa huli na lang magbalik-loob. Pinatunayan ito ng dalawang kriminal na nasa magkabilang tabi ni Jesus. Ang pananaw ng tao tungkol sa lahat ng bagay ay bahagi ng kanyang sarili, kung paanong ang mata ay bahagi ng katawan. Hindi niya mapapalitan ang kanyang mata sa isang iglap lang. Ang lahat ng bagay na itinuturing mong tama habambuhay -- lubos man ang paniniwala o hindi -- ay hindi mo maituturing na mali sa anumang oras mo lang gustuhin. It might take you another lifetime to realize and completely absorb the truth that you denied your whole life. Sapat ang biyaya ng Diyos para ang sinuman ay makapagbalik-loob, pero hindi sapat ang isang araw para makilala ng isang taong kusang tumalikod sa Diyos ang presensya ng mga biyayang ito. Hindi man nakikita, pero ang pagliligtas ng Diyos ay isang proseso; walang kaligtasang nanganap sa isang kisapmata. Maging ang kriminal na humamak kay Jesus ay naghahangad din ng kaligtasan, pero dahil sa matigas niyang puso, hindi niya nakita ang kaligtasang nasa tabi niya na. Sa pagkakataong iyon, silang dalawa na -- higit sa lahat ng tao -- ang pinakamalapit sa biyaya ng Diyos; nagawa pa nga nila itong kausapin. Ang “masamang magnanakaw” ay nakatingin sa uri ng kaligtasan na bunga lamang ng kanyang makasariling paghahangad kaya hindi niya ito nakamit.

Sa kabilang banda, si Dimas ay nakamulat ang mata. Nakita niya si Jesus sa paraang hindi nakita ng kanyang kasama, o kahit ng mga Judio at mga Romano. Si Dimas ay hindi halimbawa ng isang “instant saint”, at walang sinuman. Kilala ni Dimas si Jesus bago pa man sila nagkita sa Golgota; at sa paraan niya ng pagsasalita, maaaring ang pagkakilala niya kay Jesus ay higit pa kaysa mga alagad. Tumestigo siya kay Jesus nang sinabi niya, “Ang taong ito’y walang ginawang masama.” Hindi pangkaraniwan sa isang taong namamatay na ang magsalita pa para lang ipagtanggol ang integridad ng taong hindi niya naman kilala. Isa pa, nakapako na si Jesus kaya hindi niya na rin ito maililigtas mula sa parusa. Bukod doon, siya mismo ay kriminal at kasalukuyang pinaparusahan ng kamatayan, kaya walang kredibilidad ang kanyang sinasabi. Pero hindi niya ito ginawa para linisin ang pangalan ni Jesus, kundi upang ipahayag ang katotohanan bilang isang mananampalataya. Hindi niya na pagpapaguran pang magsalita kung hindi niya kilalang-kilala ang pagkatao ni Jesus at kung hindi siya sigurado sa kanyang sinasabi. Hindi niya lang basta kilala si Jesus bilang isang taong matuwid, alam din niyang si Jesus ang kanyang kaligtasan, at ang kaligtasan ng Israel. Tahasan niyang sinabi, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Para sa mga Romanong naroon, maaaring ito ay isang malaking eksena ng katatawanan. Ano nga namang mararamdaman mo sa panahong iyon kung makakita ka ng dalawang kriminal na nakabitin sa krus at nag-uusap tungkol sa paghahari! Isama mo pa ang pagtatalo tungkol sa pagiging inosente ng isa sa mga nahatulan! Pero para sa mga Judio, maaaring ito ay hindi nakakatawa. They probably took the malefactor’s testimony about Jesus’ innocence as a threat because they all know that he truly is innocent. Pero higit sa lahat, napakalaking kalapastanganan sa pandinig nila na sabihin ninuman na si Jesus ay hari. Wala nang mas malaki pang kahihiyan para sa mga Judio kaysa maipako sa krus kaya dahil dito, wala na ring mas hihigit pang kalapastanganan sa pangalan ng kanilang lahi kaysa pagsasabing ang kanilang hari ay hinatulan sa krus. Ito ang dahilan kung bakit hinarap nila si Pilato para palitan ang isinulat niya tungkol kay Jesus: JESUS NAZARENO, HARI NG MGA JUDIO. Ang pahayag ni Dimas ay hindi bunga ng isang mala-mahikang pangyayari kung saan kanina lang ay kaaway siya ng Diyos, pero ngayon ay bati na sila. He surely had his fair share of sufferings, of torments, of fear, of dilemmas, and even of great physical pain. Hindi niya nakakamtan ang langit sa madaling paraan tulad ng isang magnanakaw. Ipinaranas sa kanya ng Diyos ang prosesong dinadaanan ng lahat ng tinawag para sa kaligtasan. Ang paghahandang naranasan niya ang nagbigay sa kanya ng lakas na ipahayag na si Jesus ang Mesias.

Isang konkretong leksyon sa lahat ang nagyari sa isang kaibigan ni St. Thomas More na nag-akalang pwede niyang paglaruan ang mga bagay ng Diyos. Naniniwala siya noon na maliligtas siya basta tumawag lang sa pangalan ng Diyos kapag malapit na siyang mamatay. Isang araw, naaksidente siya sa kanilang pangangabayo; dahil sa pagkagulat, sa halip na makatawag siya sa pangalan ni Jesus tulad ng sinabi niyang gagawin niya sa oras ng kamatayan, ang lumabas sa bibig niya ay ang salitang “demonyo”. Siguro nga ay tama siya na maaari siyang maligtas kung nakapagbalik-loob siya bago namatay, pero ang pangyayaring ito ay isang halimbawa ng katotohanan na ang Diyos ang magtatakda ng oras, hindi ang sarili. Sa pangyayaring iyon, ang lalaki ay nahulog sa kanyang sinasakyang kabayo at namatay.

Hindi malilinlang ang Diyos, ang lahat ay hahatulan ayon sa kanyang pamumuhay.

Monday, August 20, 2007

Kasalanan

Ano ang kasalanan?
 
Sa unang tingin, ang kasalanan ay para bang isa lamang pagsalungat sa popular o kultural na pamantayan ng moralidad o etika. Kung minsan pa nga, ang hindi pag-ayon sa ganitong mga pamantayan ay itinuturing na pagiging malaya. Ang maling pagkakilala sa tunay na kalikasan ng kasalanan ay naglalagay sa tao sa pagkabaon dito. Ang kasalanan ay hindi isang simpleng kawalan ng etika; ito ay isang estado o kalagayang personal. Ang hindi paggamit ng hagdan o tuntungan sa pagbaba ay hindi lamang isang paglabag sa nakasanayang paraan ng pagbaba mula sa matataas na lugar; ito ay naglalagay sa tao sa panganib o kaya’y sa kamatayan. Ganun din ang sinumang nagkakasala: sa paggawa ng isang bagay sa maling paraan ay itinutulak ang sarili sa bingit o sa mismong kamatayan; una, dahil ang masamang gawa ay laging may masamang konsekwensya; at ikalawa, dahil ang pangkalahatang hustisya ay humahatol sa anumang gawang masama.


Bakit may kasalanan?
 
Ang kasalanan ay anumang pagsalungat sa kaloobang ng Diyos na pinagmulan at dahilan ng lahat. Maaaring minsan sa ating buhay ay naiitanong natin, “Bakit ba may kasalanan pa? Bakit hindi na lang lahat ng gusto nating gawin ay pwede?” Ang ganitong uri ng tanong ay bunga ng kawalang-alam at hindi ito balido. Ang katulad nito ay ang pagsasabing, “Dapat ay wala na lang bagyo dahil nakakasira lang ng mga ari-arian ng tao,” o kaya ay “Dapat wala na lang mababangis na hayop dahil nakakapinsala lang sila.” Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang layunin, kalikasan, at batas - lahat ito ay nakapaloob sa hindi nakikitang batas na mas kilala sa tawag na “natural law”. Kung wala ang batas na ito, wala ring matitirang buhay o buo sa kalawakan. Ang mga planeta at mga bituin ay magsasalpukan hanggang sa maabo ang lahat; ang mga hayop ay kakain ng anumang makita nila kahit pa ito ay lason, o kahit ito ay ang kanilang sariling anak; makikipagtalik ang mga tao sa hayop, at ang mga hayop sa iba pang mga nilalang; ang lahat ay nakalutang sa lugar na walang nakakakilala; ang lahat ay wala sa ayos. Iyan ang teoryang maaari nating mabuo kung ipagpapalagay nating umiiral ang iba’t-ibang bagay maliban sa batas. Ganunpaman, mas tumpak ang konklusyon na wala talagang iiral na kahit ano kung walang batas. Taglay ang ganitong pagkaunawa, madali nating maiintindihan kung ano at bakit may kasalanan. Ang kasalanan, sa madaling salita, ay paglabag sa batas ng kalikasan na itinatag ng Lumikha; ito ay pagsira sa kaayusang nararapat sa lahat ng bagay. Hindi ito basta pagsalungat lamang sa isang popular na opinyon na nabuo dahil sa mga taong gustong mamuno o magkaroon ng kapangyarihan sa desisyon ng iba. Nakatatak sa kalikasan ng bawat nilikha ang batas na nagtatakda ng kanilang kani-kanilang limitasyon. Ayon kay Isaac Newton, ang buwan ay patuloy at walang tigil na nahuhulog patungo sa gitna ng mundo, pero dahil sa batas ng grabitasyon, ang pagkahulog nito ay hindi nagdudulot ng tuluyang pagbangga sa ating planeta. Ang paglabag sa ganitong mga batas, kailanman posible, ay pagwasak sa kaayusan ng lahat.

Kung ang kasalanan ay ang mas pinaikling salita na ang ibig sabihin ay paglabag sa batas ng kalikasan, nangangahulugan ba na ang paglipad ng tao, o ang pagsusugpong sa mga puno at halaman ay kasalanan?
Ang kasalanan ay isang usaping moral na ang ibig sabihin ay tumutukoy sa batas na sumasaklaw sa pagpapasya ng tao. Ang batas ng moral ay bahagi ng batas ng kalikasan pero sumasakop lang ito sa mga nilalang na may pagpapasya tulad ng tao at ng anghel. Ang ulan ay bumabagsak hindi dahil gusto niya, kundi dahil nakatakda itong mangyari ayon sa batas na sinusunod nito. Ang mga hayop, bagamat nagpapasya kung kailan kakain, susugod, matutulog, iinom, o maglalaro. Ang lahat ng kanilang ginagawa ay hindi masasabing resulta ng malayang pagpapasya kundi pagsunod pa rin sa idinidikta ng kalikasan o yung tinatawag na “instinct”. Dahil dito, ang mga hayop ay walang pananagutang moral. Hindi sila hinahatulan sa salang pagnanakaw, pagpatay, o anuman. Sa mundong ito, tanging ang tao ang saklaw ng espesyal na batas na ito dahil siya lang ang may kakayahang magpasya nang malaya. Tulad ng mga hayop, naririnig din natin ang mga tawag ng katawang-lupa, pero tayo ay kumikilos ayon sa malaya nating pagpapasya. Hindi tayo bigla-bigla na lang manghahabol kapag nagutom, o kaya ay basta na lang makikipagtalik kung saan makaramdam ng paghahanap. Tuwing kumikilos tayo sa hindi nararapat na paraan, linalabag natin ang pagiging tao at pinipiling maging hayop na sumusunod lamang sa anumang idinidikta ng materyal na katawan. 
Ano ba ang pagkakaiba ng tao sa hayop?
 
Bagamat ang tao, tulad ng hayop, ay dinidiktahan ng pangangailangang pisikal; tulad naman ng anghel, siya ay nagpapasya mula sa kanyang puso - sa sentro ng kanyang pagkatao. Ang kaluluwa ng tao ay ang kanyang persona o ang kanyang sarili. Ito ang bagpapasya, ang nagtataglay ng kamulatan sa sariling pag-iral, ang intelektwal na bahagi ng pagkatao, at ang dumaranas ng iba’t ibang emosyon. Kung ang hayop ay materyal at ang anghel ay espiritwal, ang tao naman ay pinagsamang materyal at espiritwal. Sa kaayusan ng kalikasan, higit na mataas ang kalagayan ng mga espiritwal kaysa mga materyal na bagay; kaya nga sa kalikasan ng tao, higit ang batas ng espiritu kaysa batas ng katawan. Sa batas ng moral, kasalanan ang paglalagay ng pangangailang materyal sa ibabaw ng pangangailangang espiritwal. Itinakda ng batas na ito na higit ang paggalang sa pag-aari ng iba kaysa gutom ng tiyan; higit ang respeto sa kapwa kaysa paghahanap ng katawan na makipagtalik; higit ang pagkilala sa Diyos sa harap ng mga maniniil kaysa buhay ng katawan. Dahil sa batas na ito, ginagawa natin ang lahat nang may kaayusan bilang tao. Hindi kasalanan ang pagpatay ng hayop para gawing pagkain dahil ang gawaing ito ay nasa hangganang pa ng tao, pero kasalanan ang pumatay ng hayop nang walang sapat na dahilan. Hindi rin kasalanan ang pagputol ng mga puno para sa ikaubuti ng mga tao, pero kasalanan ito kung ginagawa nang walang sapat na dahilan.

Ano ang ginagawa ng kasalanan sa tao?
 
Dahil ang kasalanan ay pagsalungat sa kaloobang ng Diyos at paglabag sa batas ng kalikasan, ilinalagay nito ang tao sa ilalim ng sumpa o kahatulan. Nakatakdang maparusahan ang sinumang nagkakasala. Bukod doon, sinisira nito ang integridad o kabuuan ng tao kung paanong ang pagsira sa kaayusan ng lahat ay nagdadala ng kaguluhan at pagkawasak. Ang pagkasirang ito ay hindi lamang estado ng isip na maaaring ipagwalang-bahala; ito ay isang existensyal na katotohanan. Pinakasimpleng halimbawa ng larawan nito ay ang pagkaksugat ng katawan: hindi dahil sa opinyon ng mga nakakakita, o dahil sa popular na pamantayan, kaya ginagamot ang sugat, kundi dahil ito ay banta sa sariling kalusugan. Hindi ang pangungutya ng mga tao sa pagkakaroon natin ng sugat ang talagang pinagtutuunan natin ng atensyon at pagkabahala, kundi ang sitwasyon ng ating pisikal na integridad. Kung ang pisikal na kamalian ay sumusugat sa katawan, ang kamaliang moral ay sumusugat sa kaluluwa. Sinisira nito ang pagiging buo ng ating persona, at sa ganitong kalagayan ay masasabi nating tayo ay may karamdaman. May dalawang uri ng kasalanan na maaari nating ihalintulad sa sugat at sa kanser. Ang una ay hindi nakamamatay pero posibleng tumungo sa kasalanang nakamamatay. Ang ikalawa naman, sa kanyang sarili, ay nakamamatay. Dahil nasa mataas na antas ng kaayusan ang mga espiritwal na bagay, ang karamdamang pangkaluluwa ay higit na seryoso kaysa karamdaman ng katawan; ang kamatayang espiritwal naman, sa kabilang banda, ay lampas sa posibilidad ng paghahambing sa kamatayang pisikal. Ang totoo, ang kamatayang pisikal ay isa lamang sa mga hindi maiiwasang resulta ng dinanas nating kamatayang espiritwal noong tayo at ang ating mga unang magulang ay nagkasala.

Ang kamatayan ba ng kaluluwa ay mangyayari sa hinaharap kasabay ng pisikal na kamatayan?
 
Hindi. Ang kamatayan ng katawan ay bunga ng kamatayang espiritwal. Lahat tayo ay isinilang na patay, bitbit ang unang kasalanan. Ito ang dahilan ng pagdating ni Jesus sa mundo: upang muli tayong likhain at ibalik ang buhay na dating atin - at higit pa sa dating nasa atin. Gayunman, dahil tayo ay mga linikhang moral - may kakayahang magpasya - may kalayaan din tayong tanggihan ang buhay na ibinibigay ng Diyos at manatili sa kamatayan. Pero bukod sa kamatayang existensyal na kinalalagyan ng tao bunga ng pagtalikod sa Buhay, mayroon pang ikalawang kamatayan sa paghihiwalay ng katawang lupa at ng kaluluwa. Ito ang kaparusahang naghihintay sa mga taong mas pinili ang kamatayan kaysa buhay. Sa huling araw, ang katawan at kaluluwa ay muling magsasama - ang iba ay para sa buhay, at ang iba ay upang dumanas ng ikalawang kamatayan habampanahon. Sa huli ay balikan natin kung bakit mahalagang makilala natin ang tunay na mukha ng kasalanan. Ang kasalanan ay existensyal na katotohanan at hindi “abstract” na ideya lamang. Ibig sabihin, ito ay may epekto sa ating pag-iral tulad ng isang karamdaman. Mabubuhay tayo kahit hindi natin alam ang sagot sa mga problemang matematika, o kahit hindi nating kilala si Magellan, o kahit pa iba ang Diyos natin kaysa sa kilala ng karamihan; pero hindi tayo mabubuhay kung hindi natin alam kung ano ang kasalanan, o kung wala tayo nung tinatawag na “sense of sin”. Dahil sa hindi pagkikilala dito, magiging alipin tayo ng dikta ng laman; kumikilos na parang hayop, at ilinalagay ang espiritwal na bahagi ng pagkatao sa ilalim ng bahaging materyal - bagay na salungat sa kaayusang pangkalahatan. Dahil din dito, mananatili tayo sa kamatayan; at sa huli ay magdaranas ng kaparusahang walang hanggan.

Sunday, July 1, 2007

Kasalanan Ba?

Isa sa mga paraan ng panlilinlang na ginagawa ng demonyo ay ang paglalagay sa isip ng tao ng tanong na “Kasalanan ba?” Alam ng dyablo kung ang pagkakilala natin sa kasalanan ay pang-ibabaw lang. Kaya sa kanyang panunukso ay pinaniniwala niya ang tao na hindi masama ang kanyang mga mungkahi sa pamamagitan ng tanong na ito. Hinahayaan niyang tayo ang magdesisyon habang sinasamantala niya ang kawalan natin ng pagkaunawa. Sa mapanlinlang na paraan ay sasabihin niya, “Sinabi ng Diyos na huwag mong pagnasaan ang asawa ng iba kaya hindi mo ito dapat gawin.” Pero sa pamamagitan din ng ating mahinang isip ay maglalagay siya ng pagdududa sa pagsasabing, “Ang sinabi ng Diyos ay huwag mong pagnasaan ang asawa ng iyong kapwa, kasalanan bang magnasa sa walang asawa?” Naalala ko ang katwirang sinabi sa akin ng isang kakilalang babae tungkol sa pakikipagtalik sa hindi asawa. Inamin niyang masamang makiapid sa asawa ng iba pero ayos lang kung wala naman itong asawa. Sa pananamit din, halimbawa, madalas na maririnig ang buong pagmamatuwid na pangangatwiran ng ilang mga babae: “Nasa tao yun, kung talagang masama ang isip, kahit balot na balot, huhubaran nun sa tingin.” Tuso ang demonyo at hindi tayo mananalo sa kanya kung hindi natin alam kung paano, at kung handang-handa nating gawin ang kahit anong maibigan natin na ang tanging pamantayan ng pagiging mabuti o masama ay ang tanong na “kasalanan ba?” “Kasalanan bang magsuot ng damit na nagiging dahilan ng kawalan ng respeto sa kapwa kung ang sinasabi naman ng Diyos ay masama ang pagtingin nang may mahalay na pagnanasa?” Sa tanong na ito ay maraming sasagot sa kanilang sarili ng “Oo nga, ang masama ay ang pagtingin sa babae nang may malisya, hindi ang pagsusuot ng gusto kong damit.” May mangangatwiran pa ng ganito: “Utos yan tungkol sa mga lalaki; kung ang babae ang titingin nang may kahalayan, walang utos laban dun.” May mga nagsasabi rin, “Hindi masama kung napatingin ka lang, ang masama e kung liningon mo ulit; kaya sa unang pagkakita pa lang, titigan mo na dahil masama na yung pangalawa.” Ganito rin ang isyung binigyang linaw ni Apostol Pablo—tungkol ito sa hindi tamang paggamit ng kalayaan. Kasalanan nga bang gamitin ang kalayaan kung sinasabing tinawag tayo upang maging malaya (cf. Ga 5:13)? Sa isang sulat ay nagbigay si Pablo ng halimbawa ng kaisipan ng mga taong nalilinlang ng demonyo. Sinasabi nila, “Ano’t ang kalayaan ko ay hahadlangan ng budhi ng iba?” (1 Co 10:29). Madali tayong mapaglalangan ng Masama at malinlang ng ating sariling budhi dahil sa kahandaan nating gumawa ng kahit ano alang-alang sa kasiyahang huwad na iniaalok sa atin ng mundo at ni Satanas, sa halip na maging handa sa paggawa ng tama at mabuti, at sa pagiging masigasig sa pagkilala sa Diyos at sa kanyang kalooban.

Ang tanong na “kasalanan ba” na nabubuo sa ating isip dahil sa ating pagkahirati sa pagpapalayaw sa sarili, at dahil sa hindi natin nakikilalang pang-iisa ng dyablo, ay nagtutulak sa atin sa pagkakaroon ng kaisipang “samantalahin lahat ng pwede.” Dahil din dito ay unti-unti tayong nagiging manhid sa kung ano nga ba ang tama at mali. Sa ganitong sitwasyon, ang tulad natin ay isang taong nagmamaneho nang buong tulin pero naniniwalang wala siyang ginagawang masama dahil hindi naman siya nagpapakamatay o nananagasa. Ang paglalagay sa panganib ng sariling buhay at ng buhay ng iba ay kasalanan na sa kanyang sariling dahilan pa lang, lalo pa kung ang layunin nito ay bigyang-layaw lang ang sarili. Kung ang mga pari o mga madre na matitingkad na larawan ng kapayapaan ni Jesus ay makikitaan ng uri ng paglilibang na gumagamit ng mga bagay na salungat sa kapayapaan at buhay tulad ng baril o patalim, hindi kaya sila nagkakasala sa dahilang hindi naman nila ito ginagamit sa tao? Sapat na ang iskandalong dulot ng kanilang gawa para masabing nagkakasala sila. Ang kasalanan ay hindi lamang pagpatay, pagnanakaw, pakikiapid, o ang mga kasama nito; ang kasalanan ay lahat ng pagsalungat sa kalooban ng Diyos. Kaya ang sinumang gustong maging matapat sa kanyang bokasyon at relasyon sa Diyos ay hindi dapat magpalinlang sa tanong na “kasalanan ba?” Ang layunin ng mga lingkod ng Diyos ay matupad ang kanyang kalooban, kaya sa kanilang pagpapasya ay hindi kasama ang tanong na ito, kundi ang patuloy na pagtatanong sa sarili, “Kalooban ba ito ng Diyos?” Kasabay ng tanong na ito ay ang aktibong pagkilala sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagbasa sa sariling kasaysayan sa liwanag ng Salita ng Diyos.

Wednesday, June 27, 2007

Magulang

Una sa lahat, ang pagiging kamanlilikha ng Diyos ay hindi karangalan at kapangyarihang nagmumula sa tao kundi isang prebilehiyo at libreng kaloob mula sa Diyos. Kasama nito, ang mga anak ay regalong tinanggap ng mga magulang galing sa Lumikha. Sa makatwid, walang anak ang pagmamay-ari ng sinumang magulang kundi nasa ilalim lamang ng kanilang pangangalaga at pananagutan. Ang mga magulang ay katiwala ng Diyos sa Kanyang mga anak kung paanong ang tao ay tagapamahala niya sa lahat ng mga bagay sa mundo. Kung paanong hindi maaaring gawin ng tao ang lahat ng maibigan niya na para bang pag-aari niya ang mundo, hindi rin maaaring gawin ng mga magulang ang anumang maisipan nila sa mga anak na para bang sila ang may-ari ng mga ito. Ang totoo, walang sinuman ang may-ari ng kanyang kapwa; ang lahat ay tagapangalaga ng isa’t-isa.

Ikalawa, bukod sa pagiging katiwala at tagapangalaga ng mga anak ng Diyos, ang mga magulang ay may tungkulin din at pananagutan na ipaabot ang pag-ibig ng Diyos sa Kanyang mga anak. Dahil hinatian ng Diyos ang mga magulang ng Kanyang pagiging Ama (at Ina), inaasahan niyang ang mga ama ang magpapakita ng Kanyang pag-ibig bilang ama, at ang mga ina ang magpapahayag ng Kanyang maka-inang pag-ibig sa pamamagitan ng kanilang pagkalinga at pagmamahal sa kani-kanilang mga anak. Matuwid lamang at  marapat na tanungin ng mga magulang ang kanilang sarili bawat sandali, “Ipinahahayag ko ba ang pag-ibig ng Diyos sa ginagawa ko? Kung ang Diyos ang nasa lugar ko, ganito ba ang gagawin niya?” Pinarurusahan ba tayo ng Diyos dahil sa bugso ng kanyang damdamin? Mas ipinapakita ba niya ang galit kaysa pagmamahal? Natatakot ba tayo sa kanya dahil siya ay mapagparusa o dahil natatakot tayong makita ang ating mga kasalanan sa liwanag.ng kanyang pagmamahal? Kung ano ang ginagawa ng mga magulang sa kanilang mga anak, ito ang ipinahahayag nila bilang pag-ibig at katangian ng Diyos, at ito rin sa kanilang mga puso ang pinaniniwalaan nilang ginagawa sa kanila ng Diyos. Kung pinagmamalupitan ng magulang ang kanyang anak, nangangahulugan na nakikita niya rin ang kanyang sariling buhay bilang pagmamalupit ng Diyos, at ipinahahayag din niya sa kanyang anak na ang Diyos ay Diyos ng kalupitan. Sa kabaligtaran, ang magulang na mapagmahal at mahinahon ay nagpapatunay ng kanyang sariling karanasan tungkol sa pag-ibig ng Diyos, at sa gayon ay nagpapahayag din sa kanyang anak ng isang katotohanan na ang Diyos ay pag-ibig.

Ikatlo, tungkulin ng mga magulang na imulat ang mga anak sa kalooban ng Diyos, at hindi sa kanilang makasariling kalooban. Ang buhay ng tao ay may iisang layunin—ang kalooban ng Diyos. Dalawa lang ang uri ng desisyon sa buhay: sang-ayon o salungat sa kaloobang ito. Habang ang isang magulang ay nabubuhay, responsibilidad niyang itutok ang direksyon ng kanyang anak patungo sa Diyos, at gagawin niya ito sa pamamagitan ng sariling buhay bilang halimbawa, pangangaral, panalangin, at sakripisyo; hindi sa pananakot o pamimilit. Ang pagmumulat ng magulang sa anak tungkol sa kalooban ng Diyos sa paraang hindi nararapat ay pagkakasala sa anak na sana ay nakaunawa kung tama ang ginagawa ng magulang; at pagkakasala sa Diyos na siniraan sa harap ng kanyang anak sa pamamagitan ng maling gawain ng magulang.

Ang pagiging magulang ay isang marangal na tungkulin na karapat-dapat sa malalim na pagrespeto at mataas na pagtingin ng mga anak at mismong ng mga magulang. Ito ay pakikibahagi sa karangalan ng Diyos, sa kanyang kapangyarihan bilang manlilikha at tagakalinga ng kanyang mga anak. Ang mga magulang ang unang-unang dapat na matutong kumilala at gumalang sa karangalang ito, at sa gayon ay maituro nila sa kanilang mga anak kung paanong maging magulang, at sa huli ay makilala nila ang Diyos na tunay nilang Ama.

Friday, June 22, 2007

Bakit Kailangan Ko ang Diyos?

Minsan, iniisip ko, “Bakit nga ba umiikot ang buhay ko sa pagsasaalang-alang kung ano ang kalooban ng Diyos para sa akin araw-araw?” Sa lahat ng oras at gawain, pangkaraniwan man o espesyal, sa paggawa man ng mabuti o sa pagkakasala, bakit nga ba nasa isip ko lagi ang Diyos? Noong nasa teenage years ako, madalas akong magka-crush o magkaroon ng isang kaibigan na itinuturing kong espesyal. Tuwing may binibili ako sa mga supermart, laging una sa isip ko, “Ano kaya ang pwede kong bilhin para sa kanya?” Ganun din sa ibang mga gawain, nandun lagi ang pagsasaalang-alang kung ano ang iisipin, sasabihin, o maramdaman ng taong iyon tungkol sa gagawin ko. Noong naging mulat ako sa pagkilos ng Diyos sa aking buhay, hindi na naging madali, o possible man lang, na balewalain ang kalooban niya. Totoong mas madalas, ang kalooban ko ang sinusunod ko sa kabila ng katotohanang  wala isa man saglit na nawala sa isip ko ang presensya ng Diyos sa buhay ko, at ang kamulatan tungkol sa kanyang kalooban. Pero kasabay din ng mga pagtatangkang magsarili—ng pagsasabing mas alam ko kung ano ang makakabuti sa akin—ay ang kawalan ng tunay na kaligayahan o satispaksyon. Oo, pwede kong gawin ito o iyan, walang pipigil sa akin, pero ang tanong ay "Totoo bang nasiyahan ako?" Madali nating masabi sa sarili na “Oo, masaya ako!” “Masaya ako na nagantihan ko na ang kaaway ko!” “Masaya ako na namatay na yung nang-api sa akin!” “Masaya ako dahil nagsawa na ng kasisingil yung pinagkakautangan ko!” Madaling dayain ang sarili tungkol sa mga bagay na gusto nating mangyari. Dahil sa katotohanang walang tunay na kaligayahang hiwalay sa kalooban ng Diyos, matuwid lang na hindi ito alisin sa isip, dahil ang pagtalikod dito ay pagtalikod sa tunay na kaligayahan

Madalas, madali para sa iba ang sabihing nilikha nga tayo ng Diyos, biniyayaan ng mga likas na yaman, ng lakas at isip na maaaring pagyamanin, pero hanggang doon na lang ang kaugnayan natin sa Diyos. Inaakala natin na ang kaligayahan ay nakasalalay sa pagamit natin ng kalayaan at ng mga biyaya ng Diyos sa paraang gusto natin. May mga nag-iisip na hindi ito matatawag na kalayaan kung may limitasyon, pero ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang supilin ang sarili. Kung hindi ka nga alipin ng ibang tao pero hindi mo naman magawang makalaya sa sariling emosyon, kayabangan, at masasamang kaisipan, higit ka pang alipin kaysa mga taong inaalipin ng kanilang kapwa. Hindi madalang na naririnig ang linyang “Kung gugustuhin ko, kaya ko!” Isa itong pangungusap ng pagtanggi sa katotohanan ng pagiging alipin. Sa likod ng mga salitang ito ay ang mensaheng nagsasabing “Kontrolado ko ang sarili ko, hindi ako alipin.” Pero gaano katotoo ang pahayag na ito? Kung talagang kontrolado ng isang tao ang kanyang sarili, loloobin niyang lagi na piliin at gawin ang mabuti dahil ang masama ay labag sa tunay na kalooban at kalikasan ng sarili—kaya nga ito tinawag na masama. Sa makatwid, kung gumagawa ka ng hindi mabuti, alipin ka ng hindi mabuting bahagi ng iyong sarili. Madaling sabihing “Kaya ko itong gawin kung gugustuhin ko,” pero ang tanong ay hindi “Gusto mo ba?” kundi “Kaya mo bang gustuhin?” Ipagpalagay na kaya mong gawin kung gugustuhin mo, pero ang katotohanan na hindi mo ito ginugustong gawin ay nagpapakita na hindi mo ito kayang gustuhin.

Kailangan ng tao ang Diyos hindi lang dahil siya ang lumikha sa lahat at nagbibigay ng mga materyal na biyaya, o dahil sa katotohanang titigil sa pag-iral ang tao kung mawawala siya sa isip ng Diyos, kundi higit sa lahat ay dahil ang Diyos ang tunay na dahilan, layunin, at hantungan ng buhay ng tao. Mauuwi sa wala ang bawat araw na ginugol ng tao sa mundo kung hindi niya kikilalanin ang Diyos bilang nag-iisang kahulugan ng kanyang buhay. Ang lahat ay magiging kapahamakan gaano man ito kaganda at kabuti sa paningin niya. Hindi opsyon ang Diyos kung paanong hindi opsyon ang paghinga at pagdaloy ng dugo para magkaroon ng buhay. Hindi man lahat ay mulat, hindi rin mababago ang katotohanan na ang hinahanap ng ating pagkatao ay ang kasiyahan at buhay na walang katapusan, dahil ito ang pagkauhaw ng ilinagay ng Diyos sa ating puso—pagkauhaw na siya rin ang papawi sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang sarili—ng tunay na buhay at kasiyahan.

Sunday, May 27, 2007

Simon, iniibig mo ba ako?

Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?” “Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakanin mo ang aking mga batang tupa.” Muli siyang tinanong ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” “Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Ani Jesus, “Pangalagaan mo ang aking mga tupa.” Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot si Pedro dahil makaitlo siyang tinanong: “Iniibig mo ba ako? At sumagot siya, “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakanin mo ang aking mga tupa.” (Jn 21:15-17)

Sa tagpong ito ay makikita ang dalawang katotohanan na pinanampalatayaan ng Simbahan mula pa noong panahon ng mga apostol hanggang ngayon. Una ay ang espesyal na tungkuling ibinigay ni Jesus kay Pedro bago siya bumalik sa Ama. Tatlong ulit na tinanong ni Jesus si Pedro kung iniibig siya nito, hindi dahil pinagdududahan niya ang sagot nito kundi upang bigyang diin ang pagiging espesyal at “pang-isahan” ng tungkuling iniaatang sa kanya. Sa oras na iyon ay bumuo si Jesus ng isang herarkiya ng mga mananampalataya na binubuo ng mga batang tupa, ng mga tupa, at ng tagapagpakain at tagapangalaga ng lahat. Si Pedro ay ginawa niyang lingkod ng mga lingkod ng Panginoon. Ang lahat ng mananampalataya ay lingkod ng Panginoon, pero sila man ay pinaglilingkuran din ng mga apostol na pinaglilingkuran naman ni Pedro kasama ng lahat. Hindi itinanong ni Jesus sa lahat, “Iniibig ba ninyo ako?” O kaya ay sinabi, “Pakanin ninyo at pangalagaan ang aking mga tupa at mga batang tupa.” Bakit hindi pa nakuntento si Jesus sa salitang “pangalagaan” samantalang nangangahulugan din naman na kasama sa pangangalaga ang pagpapakain? At bakit hindi pa siya nakuntento sa paggamit ng salitang “tupa” at ibinukod pa niya ang mga “batang tupa”. At bakit pakakainin lang ang mga batang tupa samantalang pangangalagaan at pakakainin ang mga tupa?
Ano ang ipakakain ni Pedro sa mga batang tupa (mga mananampalataya)? Katulad din ng ipakakain niya sa mga tupa (mga apostol): ang katotohanan. Dahil ba hindi pa sapat ang katotohanang tinanggap nila? Hindi, kundi dahil sa kabila ng pagiging kumpleto ng rebelasyon, ang kalaliman ng Pananampalataya ay patuloy na daraan sa mahabang pagtuklas. Patuloy na tutuklasin ng Simbahan ang kalaliman ng misteryo ng kanyang sarili. Alam ng mga apostol kung ano ang kanilang pinanaligan pero nakay Pedro ang huling pasya (sa usapin ng pananampalataya at moralidad) sa mga pagkakataon ng pagkakaiba ng pananaw. Walang nabanggit sa Kasulatan tungkol sa kahit isang pangyayari na nagsasabing nagkaroon ng hindi pagkakasundo tungkol sa pananampalataya ang mga apostol dahil mula nang isinilang ang Simbahan hanggang sa kamatayan ng lahat ng mga apostol, iisang Espiritu ang kanilang sinusundan. Nangyari lang ang mga salungatan noong may ilang mga taong nagtangkang ipilit ang sarili nilang mga opinyon sa usapin ng pananampalataya. Ganun pa man, lininaw ang mga usaping ito sa unang konseho ng Simbahan, at patuloy itong nangyayari tuwing may ilang mga taong gustong palitan ng sarili nilang mga opinyon ang katotohanang ipinahahayag ng mga inatasang magpahayag nito. Marami ang mga pagkaing nakahain na maaaring kanya-kanyang piliin ng mga mananampalataya; ang tungkulin ni Pedro, at ng mga kapalit niya sa Upuan, ay ibigay lamang sa lahat ng tupa kung ano ang dapat—ang pagkaing nagdadala ng buhay sa kawan ni Jesus.

Paano pangangalagaan ni Pedro ang mga tupa? Hindi ba’t pare-pareho naman silang mga apostol, bakit kailangang may tagapangalaga pa? Tulad ng nabanggit, si Jesus ay bumuo ng herarkiya sa pamamagitan ng mga salitang ito. Ang pangulo ng Pilipinas, bagamat siya ang may huling salita sa mga isyu tungkol sa bansa, hindi ito nangangahulugan na hindi siya lider kasama ng iba pang mga lider; hindi rin dahil siya ang presidente, hindi na siya mamamayan kasama ng lahat ng mamamayan. Ang pagkakaiba niya lang sa lahat ay ang kanyang tungkulin at kapangyarihan—ibig sabihi’y karapatang magpasya para sa kabuuan ng bansa. Si Pedro, bagamat tagapangalaga ng mga apostol, siya ay isa din sa kanila; at kahit na siya ay tagapagpakain ng mga mananampalataya, siya rin ay kapwa manananampalataya. Pero kung paanong may dalawang paa, dalawang kamay at isang ulo ang tao, ang Simbahan na siyang Katawan ni Cristo ay may iisa ring ulo—si Jesus—na kinakatawan ni Pedro at ng mga sumunod sa kanya. Tulad ng Israel na bagamat teyokratiko ay may isang tagapamunong nakikita, ganun din ang Simbahan, bagamat mistkong Katawan ni Cristo, ay binubuo ng nakikitang mga tao at tagapangalaga.

Inatasan si Pedro na pangalagaan ang mga tupa ni Jesus sa paraang una ng sinabi sa kanya: “Idinalangin ko na huwag lubusang mawala ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, patatatagin mo ang iyong mga kapatid” (Lk 22:32). Ang pangangalaga ni Pedro ay sa paraang magpapatatag sa pananampalataya ng mga kapatid. Sa bahaging ito ng kanyang tungkulin, kailangan niyang siguruhin na walang mga apostol (obispo) ang tatalikod at magtuturo ng “ibang ebanghelyo”; o kung mangyari man ito, kailangan niyang siguruhin na ang kabuuan ng kolehiyo ng mga tapat na apostol ay manatili ring tapat sa Pananampalatayang ipinasa sa kanila at magkaisa sa lahat ng usapin ng pananampalataya. Sa madaling salita, si Pedro, at ang mga kasunod niya, ay ang nakikitang ulo ng Simbahan, kinatawan ni Cristo sa lupa, tagapagkaisa sa pamamagitan ng iisa at hindi nababagong katuruan, at sa pamamagitan ng pagpapatatag sa lahat.

Ikalawang katotohanan na nakikita natin sa usapang ito sa pag-itan nina Jesus at Pedro ay ang pagiging Diyos ni Jesus, na pilit namang itinatanggi ng mga taong nagsasabing sinasamba nila sa Cristo pero hindi siya Diyos. Bagamat ikinalungkot ni Pedro ang tatlong beses na pagtatanong sa kanya ni Jesus ng pareho ding tanong, dito naman ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ni Pedro ang tunay na kalikasan ni Jesus. Sa unang dalawang sagot ni Pedro, sinabi niya, “Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Maaaring alam nga ni Jesus na mahal siya ni Pedro dahil nababasa niya ang isip at intensyon nito, o dahil sa isang karanasan ng pagpapatunay ng pag-ibig nito sa kanya. Pero higit pa sa sikolohiyang kakayahan ang ipinahayag ni Pedro tungkol kay Jesus. “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Ang pagkaalam sa lahat ng bagay ay katangiang Diyos lamang ang nagtataglay. Ang pahayag na ito ni Pedro, bagamat parang bagong paghahayag ng isang katotohanan, ay matagal nang alam ng mga apostol. Ginamit lang ito ni Pedro dahil tatlong beses siya tinanong ni Jesus gayong alam naman nilang lahat na alam niya ang lahat ng bagay. Pinatunayan ni Jesus ang katotohanang ito noong una pa lang nang sinabi niya kay Natanael, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos” (Jn 1:48). Marami pang pagkakataon na ipinakita ni Jesus na alam niya ang lahat ng bagay, maging ang nasa puso ng bawat isang tao.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga katotohanang lantarang nababasa sa Kasulatan pero nakatago sa iba ang kahulugan, dahil totoo sa marami ang hula ni Isaias: “Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makauunawa, at tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakikita” (Is 6:9).

Instant Salvation & Eternal Security

What do I need to be saved? To listen to a preacher—never mind about the details—and wait for him to invite me to acknowledge that I am sinful and has no power to save myself, and believe that Jesus died in my place for my justification and salvation and after believing, follow the preacher’s prayer wholeheartedly? I wonder where these self-named “Bible Christians” found in the Bible the occurrence of the same activity that they are doing. Did Peter, Paul or James, when their listeners asked them what must they do to be saved, ever answer in such manner, saying “Believe that Jesus died for your sins and accept him as your personal Lord and Savior…Pray this prayer with me”? If ever, I haven’t encountered yet. I think, it is more frequent that you will hear about salvation such lines as “repent and be baptized”, “unless a man is born through water and the Spirit…”, “sell all that you own”, “if you do not eat the flesh of the Son of Man…” The questions of those who want to be saved all fall down to one short line: “What shall we do?” and it is just fitting to answer them accordingly. “DO repent and be baptized”, “DO sell all that you own”, etc. Besides, to acknowledge one’s own sinfulness is doing; to believe that Jesus died for oneself is also doing; to pray with the preacher is no doubt a deed; and to accept Jesus as Lord and Savior is also one. Working out one’s salvation is not a matter of acquiring a little theoretical knowledge about Jesus combined with a one-time powerful preacher’s prayer. If you cannot know a human person in just 2 to 3 meetings with him, it is much more impossible to know God and Jesus within a short period of time. Eternal life—that is salvation—is to know God and his Christ, not in theoretical sense as if knowing a certain historical event. You don’t know a person just because you know his name, or his family background, or his social background, or his past life; you know a person if you experience his existence. To know God is to experience him in your life; to be aware of his existence all the time; to know his truth and essence. Only through this knowing of truth can one worship God as one ought to—in truth and in spirit—and only through this can one have eternal life. Do not be deceived that God made an instant access to heaven. Jesus is the Way, and how can one claim to know the way if he doesn’t know Jesus? You may have a map of every road in the
Philippines but you really don’t know the way to anywhere unless you took that way. You really don’t know Jesus unless you walk in Jesus.

What if I have gone astray? Let this question be answered by an elementary student: What will happen if you have a map but did not follow the right path unto the end? “Don’t delude yourself into thinking God can be cheated: where a man sows, there he reaps.” Even if you sincerely believed that you were saved by Christ’s death and that you accept him as your personal Lord and Savior, the Justice of God will not change its standard: “He is a God who is always enraged by those who refuse to repent.” No one who knows the truth will apply a Boy Scout motto concerning salvation. “The man who stands firm to the end will be saved.” How about those who will change their minds? The conclusion is clear and self-explanatory. “If after we have given the knowledge of truth, we should deliberately commit any sins, then there is no longer any sacrifice for them.”

Will you honestly believe that God’s Justice will deem you sinless if you believe so—never mind if you’re cooperating or not? Would it not bother your conscience to believe that God will overlook your turning away from him provided that you have once accepted him as your personal Lord and Savior?

Monday, April 9, 2007

Pananampalataya kay Jesus

Ang salitang “pananampalataya” ay nangangahulugan ng paniniwala. Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, ng buong Kasulatan, at ng Simbahan ay ipinahahayag ni Jesus ang kanyang buhay at mga aral, at ang mga katotohanang inihayag ng Diyos sa pamamagitan ng kasaysayan. Kasama ng mga aral na ito ay ang katotohanan ng muling pagkabuhay ni Jesus at ang mga pangako ng Diyos. Ang mga ito ang sentro ng paniniwala ng mga nananampalataya kay Jesus. Bukod dito, ang pananampalataya ay pagtitiwala. Ang Diyos, sa pamamagitan ni Jesus, ang tutok ng ating pagtitiwala. Sa kanya lamang nararapat na ilagak ang ating pag-asa at pananalig. Ang tiwala ay napatutunayan hindi sa pamamagitan ng mga pangyayaring naganap na at may kasiguruhan kundi sa inaasahang hindi pa namamasdan o wala pa sa kasalukuyan. Isa sa pinakamalalaking halimbawa ng ganap na pananampalataya ay si Maria na ina ni Jesus. Sa kabila ng imposibleng sitwasyon, naniwala si Maria, nang walang bahid ng pag-aalinlangan, na matutupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng anghel. Kasama ng paniniwalang ito ay ang buong puso niyang pagtitiwala sa Diyos na naglagay sa kanya sa siguradong posibilidad ng kahihiyan at kamatayan. Ang pananampalatayang ito ang nagtulak sa kanya para tanggapin ang kalooban ng Diyos at sabihing “Maganap nawa…” Pagkatapos nito, agad niyang ibinalita sa kanyang pinsan ang mga salitang ito at pinuri ang Diyos—nagpapatunay ng kanyang paniniwala, pagtitiwala, at kagalakan sa kalooban ng Diyos.

Dahil din sa pananampalataya, sinabi ni Jesus sa Ama, “Huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang maganap”. Itinuro niya rin ang dasal ng pananampalataya na nagsasabing “sundin ang loob mo”. Sa pamamagitan ng panalanging ito ay isinusuko natin sa Diyos ang sari-sariling kalooban at mga plano sa buhay.

Ang ipinapakita sa atin nina Maria at Jesus ay halimbawa ng tunay na pananampalatayang naniniwala sa katotohanan ng mga pahayag ng Diyos, at nagtitiwala sa pag-ibig ng Ama, hindi lamang tuwing umaayon sa ating kagustuhan ang mga nangyayari kundi, higit sa lahat, sa mga panahon na hindi natin maunawaan ang sitwasyon ng ating buhay.

Jesus: Inspirasyon o Manunubos?

Lagi nating naririnig ang mga salitang tulad ng “Inaanyayahan tayo ni Jesus na magpatawad,” o kaya ay “Maging inspirasyon nawa natin si Jesus sa mga pagsubok na pinagdaraanan natin,” o kaya ay “Nawa’y tularan natin ang Panginoon sa kanyang kababaang-loob”. Bagamat si Jesus ay namuhay bilang isang taong ganap o perfecto, hindi siya nagkatawang-tao para lang magpakita ng mga halimbawa ng mabuting pamumuhay. Kung tutuusin, ang mga taong karapat-dapat na tularan ang pamumuhay ay nasa abot-kamay lamang ng mga naninirahan sa mundo. Kahit gaano kasama ang isang bayan, hangga’t buo ito at umiiral, siguradong may mabuting tao doon na kinalulugdan ng Diyos. Ang lahat ng itinuro ni Jesus tungkol sa pagpapatawad, pag-aalay ng sarili, pagdadala ng sariling pasanin, pagiging malaya sa mga materyal na bagay, at iba pang mga katangiang tulad nito ay naituro na ng mga taong nauna kaysa kanya.

Si Jesus ay nakipamayan sa tao, hindi lang para ipakitang posible ang pagsunod sa kalooban ng Diyos, kundi upang gawin itong posible—bagay na noon ay nasa isip lamang ng tao, o kaya’y hindi pa naiisip man lang. Higit sa pagiging huwaran o inspirasyon, si Jesus ay manunubos na nag-aalis sa atin sa pagkaalipin—sa kahinaan ng pagiging tao, sa tukso ng masama, at sa mapanlinlang na pang-aakit ng mundo. Sa pamamagitan din ng kanyang kamatayan, pinalaya niya tayo sa kapangyarihan ng kamatayan, at sa pamamagitan ng muli niyang pagkabuhay ay ibinalik niya sa ating ang buhay na ibinigay ng Diyos noong hindi pa tayo nagkasala.

Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin ang mga bagay na nananatiling lihim kahit sa isip at paningin ng mga itinuturing na marurunong. Nakikita natin ang misteryo sa likod ng mga pangyayari sa buhay ni Jesus, na sa pananaw ng marami ay malaking kahangalan at katatawanan. Pinagtagumpayan ni Jesus ang kamatayan, at lahat ng nananalig sa kanya sa paraang nararapat ay kasama niyang nagtatagumpay. Hindi takot sa kamatayan, o pagkaalipin sa kasalanan, o paggawa ng kanya-kanyang katotohanan ang tanda ng pananampalataya kay Jesus, sa halip ay kapayapaan, paglayo sa kasamaan, pagtanggap sa anumang sitwasyon ng buhay, pagiging mapagpasalamat, at iba pang tulad nito.

Nagpadala man ang Diyos ng maraming tao upang magturo ng tungkol sa mabuti at nararapat na pamumuhay, si Jesus lang ang nagdudulot ng katuparan ng tunay na diwa ng mga aral na ito. Sa kanya lamang natin narinig ang mga salitang “Maging ganap kayo tulad ng inyong Amang nasa langit,” at sa pamamagitan niya lang din matutupad ito.

Faith vs. Work?

It is not an unknown fact to many that almost all learned Protestant preachers are among those of the most skilled apologists in the world of argumentation. However, due to some reasons, including sentimentality and inordinate adherence to their root (the Reformation), they are missing some simple and obvious truths with very easily understandable arguments. They, especially the Evangelicals as I observed it, have the necessary qualities of proclaimers that will surely benefit the whole world if they hold the accurate message of salvation.

One of the common unfavorable characteristics of the followers of Reformation is their constant habit of putting walls between two or more things that suppose to work together. It is as if they are saying “It’s either the left or the right eye,” “It’s either the heart or the mind,” or “It’s either the body or the soul”. Good things cannot go against each other since they all come from one Source. Moreover, there are things that God himself made to be bound together, or even to be interdependent.

Is it really sensible to say that it is either faith or work that we should hold on to in order to be justified in God’s eyes? Faith, according to a dictionary, is believing without proof; the same with trust and confidence. If faith is “believing”, then it is an act, or something done—a deed. Would we consider it inappropriate then to say that faith is a form of work since it is something done? Sometimes we hear other people say, “Don’t stop believing,” as if it is a state of continuous doing—which it is! Work, on the other hand, springs from faith. Everything we do (or work on, if some need to hear the term as such), we do on purpose, meaning that we believe (or have faith) that it will be done even if the present moment does not have the proof.

Abraham, when he was called by an unknown God, followed the instruction to leave the land of his father and go to where God will lead him. He did this not because he has no capability to decide for himself and his family, but because he believed the promise of the One who sent him. When God told him that many nations will come from him, he did believe; and when he was put to the test by asking his only son’s life, he did not doubt God’s promise but continued on believing the unbelievable. If Abraham did not leave his land or did not bring Isaac on Mount Moriah, will he be called the father of faith? Conversely, will Abraham leave the land or go to the mountain to offer Isaac if he did not believe? Complicating the truth to justify one’s sentiments is not doing the will of God but being idolater of one’s own idea or belief. If you say that you believe but do not leave your land (your present state) then you are fooling yourself and trying to deceive God. Believing that you can climb a treetop 10 seconds from now but not doing anything to make it is no better than not believing; it is not even any kind of belief. Literally speaking, without faith, there is no work; and without work, there is no faith.

What the Protestant Reformers have mixed up is the work that results from faith in Jesus and the work of the Law that Paul constantly emphasizes to have nothing to do with being saved or justified. The gospel relates the story of the rich young man who inquired the Teacher what he must do to have eternal life. Jesus did not ask him to believe but to sell all that he has and give the proceeds to the poor. Does it mean that this episode is not about believing? Doing is believing. Jesus said that he will have eternal life if he did what he said. This statement about doing, like any other, is indeed a matter of believing. If this man did what Jesus said, it is because he believed; but since he did not do it, his heart showed up—he has no faith. He went sad not really because he completely did not believe Jesus, for if it is the case, he will probably walk away laughing and not sad; neither it is because he is so wealthy, since if it is his richness that makes him sad, then what Jesus asked him to do will be a favorable action. Instead, he walked away sad because he wants to believe Jesus’ words but his faith in his wealth is far more greater than his will to believe to the one he called Master.

There is no contention between faith and work in the issue of justification or in any other application. It is not the work of God to make some confusion over His creation. If scientists have this “either-or” mentality that the Protestants developed and continuously adhere to, they will someday say that water is hydrogen alone or is oxygen alone. Even if one is very knowledgeable and far better than anybody else in delivering arguments, it must always be remembered that what God requires from us is humility. Heaven’s door is not tall enough to receive a person with high head, full of himself, so we need to bow down in order to enter. Let us seek God’s truth and not our own.

Sola Scriptura

Sola Scriptura is true only in the sense that it is only the Bible that has God as its primary author, but is in error with the concept of the Bible being the sole authority and source of God’s truth. The books and the letters contained in the New Testament are some of the documents in the Church’s deposit of faith—commonly known as the Tradition. Due to circumstances, a canon was defined to distinguish among the writings what are inspired—that is those that has God’s authorship—and what are not. It does not mean that those “uninspired” rest do not hold God’s truth. There are millions of books today that explain God’s will and teaching, yet they don’t have God as their author. It is the same with the Church Tradition. These texts, although not part of the Bible, came from the apostles and passed down to their disciples, whom the Church called the Apostolic Fathers. These fathers in turn have their own followers, whom we call now as the Early Church Fathers. The church preserved this Tradition (handed teachings) from the beginning (cf. 1 Co 11:1) until today. Just as the Lord has promised, not in the 21-century history of the Church did it become unfaithful in keeping God’s revelation intact. The impossibility of that event to occur does not depend on human effort but rather on the continuous fulfillment of Christ’s word that not even the corruption of Satan may destroy the purity of the deposit of Faith (Mt 16:18).

Another error of the Protestant’s “Bible alone” is the idea that the issue of Scriptural interpretation is a matter to be left between the Bible and the reader. There is only one truth, so if thousands of groups claimed to hold thousands of different “one truth”, then it is certain that those who hold on to their own individual understanding do not actually hold the truth. God’s revelation is not a matter of private interpretation as the Scripture itself says (2 P 1:20); neither is it accurate that “Scripture interprets Scripture”. It is true that a part of the Scripture is being supported by another part, but it is also true that wrong interpretation of one part will be aggravated by the other part that supports it.

The Scripture (the New Testament documents and the canon of both testaments) was drawn from the Church and it is the Church alone who has the authority and protection to teach it free from error. Just as Paul proclaims, the Church is the one that upholds the truth and keeps it safe (1 Tm 3:15).

Linggo ng Palaspas

Tulad ng ibang mga pagdiriwang na nakaugalian na nating mga Filipinong Katoliko, ang Linggo ng Palaspas ay isa din sa mga araw kung saan marami sa atin ang nakikilahok sa mga gawaing hindi natin naiintindihan.

Masaya ang mga tao tuwing Pasko, nagbibigayan ng regalo, nagbabatian, nagpapaputok; pero ano ba ang ipinagsasaya natin? “Ang pagsilang ni Jesus,” ito ang madaling maisasagot ng isang Katoliko. Pero bakit kailangang ipagdiwang ang kaarawan ni Jesus? At totoo ba na sa buong panahon ng Kapaskuhan ay si Jesus ang ipinagdiriwang natin? Siya ba talaga ang nasa isip natin at ang dahilan ng ating kagalakan? Tuwing nalalapit ang Pasko, ang pinoproblema natin ay ang panghanda, pangregalo, pambili ng mga bagong damit, sapatos at kung ano-ano. Marami din ang nag-iisip kung anong isusuot sa Noche Buena: dapat may mga bilog at kulay pula. Dapat ay may mga prutas na bilog, bigas na may barya, asin, asukal at iba pang mga pampaswerte sa ibabaw ng mesa. Ganito ba talaga ang tamang kaisipan tungkol sa Pasko; ito ba ang pagdiriwang na iniaalay natin sa may kaarawan?

Tuwing Miyerkules ng Abo, kahit na hindi magandang tingnan sa noo, nagpapalagay tayo ng abo—“hindi pwedeng hindi”. Pero ano nga ba ang silbi ng ginagawa natin? Umiinom ba tayo kahit hindi nauuhaw, o kaya ay kumakain kahit hindi nagugutom? Bakit sa maraming pagkakataon ay buong kagalakan at buong pagmamalaki tayong gumagawa ng mga bagay na hindi natin alam ang dahilan?

Sa loob ng simbahan, rinig na rinig at kitang-kita ang lakas ng pagaspasan ng mga palaspas habang binabasbasan ang mga ito ng pari sa pamamagitan ng salita at tubig. Kung gugunitain ang pagsalubong ng mga tao kay Jesus sa Jerusalem, makikini-kinita ito sa mga palaspas na nagpapahayag ng kagalakan sa loob ng mga simbahan. Pero kung ang mga taong may hawak nito ang titingnan, makikita ang kawalan ng dahilan sa kanilang pagdiriwang. May mga nagrereklamo dahil hindi nabasa ang hawak nila. May nagkukwentuhan habang nagsisimba kung magkano at saan nabili ang kanya-kanyang palaspas. Mayroong hindi talaga aalis hanggat di nila nararamdaman na may tumalsik na tubig sa kanila; at mayroon pang nagpupumilit talaga na makausad pauna kahit sinabihan nang huwag aalis sa pwesto, o kahit na magkasakitan na silang magkakatabi.

Una, hindi nawawalan ng bisa ang pagtatalaga ng pari sa isang bagay sa pamamagitan ng pagbabasbas kung hindi man ito mawiwisikan o mababasa ng tubig. Ang tubig ay sakramental lamang na ginagamit ng Diyos para sumagisag at magdala ng kanyang basbas, pero hindi nangangahulugan na hindi kayang ibuhos ng Diyos ang kanyang biyaya kung walang tulong ng tubig. Ang tubig ang kasangkapan ng Diyos, hindi ang Diyos ang kasangkapan ng tubig. Ikalawa, ang pagdadala ng palaspas sa simbahan, higit sa lahat, ay pakikibahagi sa pagsalubong kay Jesus sa Jerusalem—sa simula ng kanyang mapanligtas na paghihirap at kamatayan—at pagninilay sa ginawa ng Diyos para sa atin dahil sa kanyang pag-ibig. Pangatlo, hindi mahalaga kung magkano o kung gaano kaganda ang dalang palaspas dahil ang Linggo ng Palaspas ay hindi paligsahan ng pagandahan o pamahalan; sa halip, ito ang unang araw ng pagsalubong ni Jesus sa kamatayan, at unang araw ng pakikiisa natin sa kanyang pagpapakasakit. Bagamat ang pakikibahaging ito kay Jesus ay araw-araw na gawain ng mga Cristiano, sa Linggong ito ay inaalay natin ang espesyal na pagdiriwang na nagpapahayag sa lahat ng tao kung ano ang ating pinananampalatayaan.

Ang Linggo ng Palaspas ay pagsalubong sa biyaya ng Diyos sa tao—ang kaligtasan mula sa kamatayan—si Jesus. Ang pagdating ni Jesus ay hudyat ng paglaya; ito ang ating ipinagdiriwang. Pero simula lang ang araw na ito; makakamit lang ang kaligtasan sa pamamagitan ng pag-aalay ni Jesus ng buhay, at ito ang gugunitain natin sa buong Banal na Linggo.

Thursday, March 29, 2007

What Holy Week is Not?

God does not die yearly in any day of the holy week, as many unevangelized Filipinos naively believe it to be so on Fridays. Jesus, although God, die only as a man—that is, his body alone died, not his soul and divinity; and it happened only once, not every Good Friday. Jesus is victorious over death; he is ever-living, and that is the essence of Holy Week and of Christianity.
 __________________________________________________________

Holy week is about meditation on the love of God through Jesus Christ. It is not about having yourself crucified as if crucifixion or even death will save your soul. The meaning of “penitensya” is not scourging your body or doing a show for spectators, but being sorrowful and repentant for your sins and wrongdoings. True penitence leads to conversion, and that is a change of heart. To be a Christian is to follow Christ, not as a superstitious fanatic but as a man who lives in reality. We are commanded to bear our everyday crosses—that is to accept without complaints all the things that are beyond our control, and to keep in mind the desire of others more than one’s own—not to make any exhibition of suffering. Jesus said, “Pag mag-aayuno kayo, huwag magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng lungkot sa mukha para makita ng tao na nag-aayuno sila. Talagang sinasabi ko sa inyo na nagantimpalaan na sila ng husto. Kung ikaw naman ang mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka nag-aayuno para pakitang-tao lamang kundi para sa Amang nakakakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.” It is the same thing with praying, almsgiving, or doing any good things; Jesus taught us that what you did in secret will be rewarded by your Father who sees all secrets; on the other hand, the things that you are displaying are already rewarded by your audience.

__________________________________________________________

“Christ is risen!” It is not the same as what many Filipinos say “Buhay na ulit ang Diyos,” as if God died. Some will say that it is more grammatically appropriate to declare that one “has risen” than one “is risen”. But it is not the case with Jesus. True, Christ has risen from the dead almost 2,000 years ago; but now, we use “risen” more as an adjective than a verb. We describe Jesus as the Risen One—the only one that was resurrected. It is both correct to say, “Si Cristo ay muling nabuhay,” and “Si Cristo ang muling nabuhay”. That is why Christian Paschal celebration is the feast of all feasts; it is the center of Christian Faith—the reason behind all Christian martyrdoms—to proclaim that Christ is risen.

 __________________________________________________________

Let us live our lives with what Holy Week is, and leave behind what Holy Week is not.

 

Wednesday, March 28, 2007

Pray for Us!

Last Monday night, my ex-girlfriend whom I have not talked to for the last 4 months, sent me a text message saying that she hopes that I still pray for her because that’s what she needs most then. I offered a sacrifice for her intention and for the fulfillment of God’s will. Just after 6 hours, she sent another message thanking for the prayer that I said for her. 

What’s ironic here is that she is one of those “evangelical Christians” who don’t believe in intercessory prayer of the saints. How can a Christian rely and have faith in the efficaciousness of a sinner’s prayer, yet mock the idea of asking favor of intercessory prayer from the holy souls who are before God, praying eternally! How sure are these people that their “co-sinners” will be favored by God? Is anyone here on earth worthy to be heard by God? No one is worthy; however, as the Scripture said, effective is a righteous man’s prayer. If it is so, how much more effective are the prayers of those who are with God, seeing him as he is—face to face!


If these holy souls loved the sinners and all the earth-dwellers while they, as we are, were still in this vessel, now, they love us infinitely more, looking through the eyes of the Father who is the source of love, and is love himself. Their love has no more boundary, no reservation, and absolutely not indifferent to our needs. They pray for us now more than they did here on earth. Would someone firmly believe that a king’s beloved will find less favor than his transgressors? It’s not even worthy of comparison! A sinner deserves punishment; yet, if God does favor to us, sinners, how much favor will he grant those who are eternally faithful to him? You can’t imagine!

I hope this may clear the mind of the readers and see the grace and goodness of God in granting favors to mankind through the intercession of the holy souls.

Thursday, March 22, 2007

Communion by Hands

 


The sacrament of the Eucharist is a true feast where Jesus Christ, the God-Man, is being offered and eaten in the form of bread. The Sacred Host is indeed both physical and spiritual food. Early Christians hold this Holy Bread with reverence as if it is the self-same body of Christ—as the case really is.


 


Within 2000 years of Church history, Jesus Christ in the Sacrament was profaned thousands of times in many different ways by the ignorant and arrogant people who put God to the test. There was a case where a gambler took the communion by hands but did not put it to his mouth, instead his plan is to take it home and feed his rooster by it to win the fight. There are also reports where some groups of persons gather to stab the sacred Bread (stolen from the church) with a knife to blaspheme the Body of Christ. The Church appropriately responded to this by adopting a way of communication that is more fitting for the present situation. That is the one which is commonly used in almost all parishes in the world: from the hand of the minister directly to the tongue of the communicant. This way, sacrileges may be prevented. Secondary benefit is hygienic. We come from different places and we travel from our home to the parish; we touch money, wallets, bags, or the vehicles where we ride on. Putting in mind both the spiritual and physical factors, we may suppose that it is more preferable that we just leave the handling of the Host to the ministers, and to focus ourselves in receiving Jesus worthily.

Thursday, March 15, 2007

Pananalangin sa mga Banal

Bilang mga relihiyosong tao, ang mga Filipino ay sanay na sa iisang kahulugan ng salitang “panalangin”. Ito ay tumutukoy sa pakikipag-usap ng tao sa Diyos, maging sa paghingi man ng tawad, pagpupuri, pasasalamat, o paghingi ng tulong. Ngunit ang “panalangin” ay transliterasyon ng salitang Ingles na “prayer”, na hindi lamang nangangahulugan ng pakikipag-usap sa Diyos, kundi ng isang buong-pusong paghingi, o mas kilala sa katagang “pakikiusap”. Ang mga salita ni Shakespeare na “I know not how to pray your patience,” ay maaaring isalin na “Hindi ko alam kung paano hihingin ang iyong pasensya (o “pagpapatawad”, sa kontekstong ito). Ang pangungusap na “Pray, pass the sauce,” ay hindi marapat na isalin na “Dasal, iabot ang sarsa,” kundi “Pakiusap, iabot ang sarsa,” o kung paiikliin “Paki-abot ang sarsa”. Kung ang panggagalingan naman ay ang mga salitang “Pakiusap, ipagdasal mo ako,” at gagamitin sa Inglatera (salitang Ingles), maaari itong isalin na “I pray you, pray for me”—sa literal na salin sa Filipino, “Dalangin ko sa’yo, ipagdasal mo ako”. Hindi kailanman naipagkakamali ng Simbahan ang dalawang kahulugan ng salitang “panalangin”, yayamang mahigit 2000 taon na itong ginagamit ng mga Cristiano sa tama nilang aplikasyon. Iba ang pananalangin sa Diyos, at iba ang pananalangin sa tao. Kapag sinabi ko sa isang hari, “Dalangin ko sa Inyong Kamahalan na pakinggan ang aming mga hinaing,” nangangahulugan ba ito na itinuturing kong Diyos ang hari? Bagamat sinasabi ni Jesus na igalang ang isang hari tulad ng paggalang sa Panginoon, at kahit na sinasabi ni Pablo na paglingkuran ng mga alipin ang kanilang mga panginoon na parang si Jesus ang pinaglilingkuran, hindi ito nangangahulugan na kinikilala ng mga Cristiano ang mga taong ito bilang Diyos.


Kordero ng Diyos

Lamb of GodSi Jesus ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, hindi sa sanlibutan. Ang salitang “sanlibutan” sa kontekstong ito ay tumutukoy sa sangkatauhan at hindi sa lugar o planeta. Kung inaalis ni Jesus ang mga kasalanan sa mundo, bukas-bukas lang, wala nang magkakasala dahil hindi na umiiral ang kasalanan sa mundo. Sa halip, inaalis ni Jesus ang mga kasalanan ng mga tao. Hindi ibig sabihin ay hindi na magkakasala ang mga tao kundi inaako niya ang ating mga kasalanan upang bilang Kordero ay mamamatay na kasama niya ang mga ito, at mangangahulugan naman ng kapatawaran sa atin.



Sana ay maunawaan natin ang pagkakaibang ito at iisang tinig nating aawitin ang misteryong si Jesus ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo.

Monday, March 12, 2007

Pananampalatayang Katoliko

Ano nga ba ang pinaniniwalaan ng mga Katoliko? Totoo ba ang ibinibintang ng mga miyembro ng iba’t-ibang denominasyong Cristiano tungkol sa paniniwala ng Simbahan? May matibay bang panghahawakan ang mga relihiyong nagsasabing sila’y Cristiano at ang Simbahan ay lumalakad sa kamalian?

Una sa lahat, dapat malaman ng mga anti-Catholic, at maging ng mga Katoliko na magkaiba ang ibig sabihin ng pananampalatayang Katoliko at pananampalataya ng mga “katoliko”. Si Judas ay apostol, pero hindi nangangahulugan na ang pinaniniwalaan niya ay tulad ng pinaniniwalaan ng labing-isa. Lalo namang hindi ito nangangahulugan na itinuro sa kanya ni Jesus ang mga pinaniniwalaan niya. Ngayon, kung si Judas ay apostol, at ang labing-isa ay mga apostol, sino ang tunay na taga-sunod ni Jesus? Sasabihin ba nating nasa maling daan si Judas dahil nag-iisa siya at panalo ang marami? O kaya ay dahil siya ang naging dahilan ng kamatayan ni Jesus? Ang kamatayan ng Cristo ay nakatakda para tayo ay maligtas; kung walang kamatayan, walang kaligtasan. Ibig sabihin, ang ginawa ni Judas ay nagtulak sa katuparan ng misyon ni Jesus. Ibig din bang sabihin ay mabuti at kapuri-puri ang ginawa ni Judas?

Ang pamumuhay ng maraming mga Katoliko ay hindi laging sumasalamin sa Pananampalataya ng Simbahan. Mas marami ang nag-aakalang sila’y mga Cristiano samantalang may sari-sariling diyos, pamantayan ng moralidad, at mga paniniwalang pangrelihiyon—hindi pa kasama dito ang sari-saring mga pamahiin. Ang isang miyembro ng Simbahan ay matatawag lang ng totoong Katoliko kung ang pananampalataya niya ang nakasalig sa opisyal na katuruan ng Simbahan. Matatawag ka na bang boy scout kung mayroon kang green neckerchief at kumpleto sa paraphernalia? Malibang naging bahagi ka ng isang boy scout investiture at sumusunod sa mga panuntunan ng pagiging boy scout, hindi ka matatawag na isa. The point is you are not a follower of anyone or anything unless you really are. Buddhist ka bang matatawag kung ang pamumuhay mo ay tulad ng isang Hindu; o matatawag ka bang Platonist kung ang sinusundan mo ay si Socrates? Sino mang nagsasabing siya ay Cristiano, Katoliko man o hindi, samantalang ang sinusunod naman at pinaniniwalaan ay ang kanyang sariling mga haka-haka o mga sabi-sabi ng ibang tao, linoloko niya lang ang kanyang sarili. Mayroon siyang sariling diyos na pinaniniwalaan pero siguradong hindi ang tunay na Diyos.


Humigit-kumulang tatlong taon tinuruan ni Jesus ang mga apostol at ang mga disipulo pero hindi pa rin nila lubos na naunawaan ang kanyang mga salita hanggang dumating ang Espiritu Santo. Hindi pa rin doon natapos ang pagkatuto nila dahil habang lumilipas ang mga panahon ay patuloy silang nagkakaroon ng pagkatuklas tungkol sa kalikasan ng Simbahan, sa kanilang misyon, at sa mga itinuro ni Jesus. Hindi rin natin matututunan sa loob lang ng tatlong taon ang pananampalatayang Katoliko, at lalong hindi ito magagawa ng pag-aaral lamang kundi ng pagranas sa mga katotohanang itinuturo nito.